CHAPTER 10: Biggest Disappointment

2.6K 42 0
                                    

---EJ's POV---

Nagising ako sa narinig ko. Kanina pa may singhot ng singhot ng sipon. Eww! Napadilat ako. Nakita ko si Prince topless na nakatalikod at nakaupo sa tabi ko. Naka yuko sha at takip takip ang mukha nya with his two hands.

Yung nangyari kagabi..

Napabangon ako at napaupo din. Tinakpan ko yung sarili ko ng kumot.

Tinignan ko yung sarili ko.

Anong ginawa ko?

Anong sasabihin ko?

Lord. Masama ba ako?

"Prince?"

Medyo natigilan sha sa pag iyak nung narinig nya yung boses ko tapos pinunasan nya yata yung luha nya at humarap sakin.

Umiyak nga sha.

:(

Niyakap nya ko.

Ngayon ko lang nakitang umiyak ang best friend ko. Masayahin kasi to eh.

"Patawarin mo ako EJ. Sorry. Sorry."

Nalungkot ako. Wala rin akong masabi.

"Akala ko panaginip lang ang lahat. Hindi ko alam.. so sorry. Sorry EJ. Patawarin mo ako. Hindi.. hindi ko dapat na ginawa yun sayo.. Putangina.."

Umiiyak sha. Ngayon ko lang shang nakitang ganito ka miserable.

:(

Bumitaw sha sa pag kakayakap at hinawakan ang mga kamay ko. Nakatingin sha sa mata ko.

"EJ. Iuuwi na kita sainyo. Kukunan kita ng damit. Dito ka lang. Sandali lang."

Tumayo sha. Suot suot yung boxers nya at lumabas ng pinto.

Ako?

Naiwan dito..

Iniisip yung ginawa ko.

:(

Pero..

Somehow at some point..

Ginusto ko yun.

Diba?

:(

Pero bakit ganun ang reaksyon nya?

:(

Hindi ako gumagalaw.

Nakatulala lang ako..

Maya maya pa pumasok na ulit sha. May dala dalang damit. Namumula sha dahil siguro sa pag iyak nya.

"EJ.. Ito na yung damit. Mag bihis ka na ha? Hihintayin kita sa labas ng pinto."

Bakit parang ang cold nya?

Ano ba.

Hay.

Nag bihis na ako. Tshirt nya to at boxers. Hindi ko din alam kung asan na yung damit na suot suot ko kagabi.

Pero buti may underwear at bra sa binigay nya. Pero kanino to? Napaisip naman ako. Hindi kaya?

0_____0

Bakla sha?!

Hay nako.

Lumabas na ako ng pinto.

Ngingiti sana ako pero umiwas sha ng tingin.

"Halika na. Bumaba na tayo." Sabi nya.

Bumaba na kami. Andun si Tito Pit. Nag aalmusal. Nahihiya tuloy ako. Baka kung ano pa yung isipin nya.

"Oh EJ! Dito ka natulog?"

Anong isasagot ko?

Tumingin ako kay Prince pero umiiwas talaga sha ng tingin. Anong bang problema? Ano ba?

"Uhm.. o---opo."

"Ah. Hangover ba kayo?"

"Hehe. Medyo po.."

Nakakahiya.

-______-

Pumunta na kami sa motor nya. Sinuot ko na yung helmet at sumakay.

Ang tahimik nya.

-_____-

Hindi ako sanay.

Bakit ba Prince?

Ano bang problema?

Umabot kami sa bahay na walang nag iimikan. Hindi nya talaga ako kinakausap.

"Ej."

Finally! Nag salita din sha.

"Bakit?"

"Yung helmet."

Ay. Letse. Akala ko kakausapin na ako. Yun pala hindi ko pa natatanggal sa ulo ko yung helmet na suot suot ko.

Binigay ko sa kanya. Diretso andar ng motor at umalis na.

:(

Hindi manlang ako kinausap.

*A/N: Sorry readers! Magulo ang utak ko ngayon kaya medyo mabagal mag update. Comments kayo. Rereplyan ko. Any suggestions? Pwede din pero eto na. Mag uupdate na ako. :) Salamat readers!

---Prince's POV---

Tignan mo to, yung helmet ko palaging kinakalimutan isoli.

"Ej."

"Bakit?"

"Yung helmet."

Binigay nya naman sakin. May sasabihin pa ata sha pero inandar ko na yung motor at umalis na.

Yung puso ko..

Nasasaktan sa kagaguhan na ginawa ko.

Bakit ko ginawa yun?

Hindi ko dapat na ginawa yun.

Dahil sha yung tipo ng babae na dapat inirerespeto at hindi sinasamantala lang.

Pero hindi ko sha pinag samantalahan.

Yun nga lang..

Isang malaking kasalanan ang nagawa ko sa babaeng iniingat ingatan ko.

Patayin nyo nalang ako.

-____-

St. Peter the apostles church. Huminto ako at bumaba ng motor.

First time kong gagawin ito.

Abnoy na nga yata ako.

Pero pupunta ako dito para mag dasal.

Pasensha na. Pero laking panghihinayang talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Boss. Pasensha ka na ngayon lang ako nakadalaw. Alam mo naman busy ako sa sarili ko. May hihilingin lang ako boss. Sana po patawarin nyo ako sa kasalanan na ginawa ko sa babaeng iniingatan ko. Alagaan nyo po sha.  Kahit wag na ako. Dahil, ayokong maging sagabal sa mga pangarap nya. Gusto kong maging masaya sha. Boss, ayokong mapunta lang sha sa katulad kong walang future at puro pan chichix lang ang alam. Kung hindi nya deserve si Luis, mas lalong hindi nya ako deserve. Deserve nya nga yung taong hindi sha sasaktan at iingatan sha diba? Mukhang hindi ako yun. At malabong mangyari yun. Maraming salamat boss. Ikaw na ang bahala sakanya. Palagi nyo po shang babantayan boss.

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon