CHAPTER 5: I love you too

3.3K 54 2
                                    

---PRINCE'S POV---

"I love you too"  Love ko naman talaga sha. Kahit hate nya pa ako ngayong araw na to,may pupuntahan lang talaga ako kailangan ko puntahan yung nililigawan ko na si Anna, natatandaan nyo ba? Bawal ma-late. Tinext ko nanaman si Stephen na puntahan sha agad agad kaya safe yun dun.

---END OF POV---

---EJ'S POV---

Kung paano ako nakauwi kagabi? Magic na biglang dumating si kuya Stephen at ayun nga nakauwi ako ng maayos at safe. Nandto nga pala ako ngayon sa smokers area ng village namin.. means,yes.. yosi muna. Tagal ko naring hindi nag yosi since naging kami ni Luis. Pano, matino mode ako. Namiss ko ang niccotine. Namiss ko ang pakiramdam ng problemado. And by this time, i am in the right track. I guess everyone has their breaking point.

*FLASHBACK*

"Tabihan mo  ako." Eh. Ayoko nga. Baka manyakin nya nanaman ako. Lumapit namana ko. Hays. Ano ba to,magnet ba sha? Pero umupo lang ako sa sahig at hindi sa kama. Hinawakan ko yung mukha nya.

"I love you babe." He closed his eyes. Antok na yata sha. In 5....4....3...2..1. at ayun nga tulog na sha. Umalis na ako ng kwarto nya at nag paalam kina tito at tita nauuwina ako.

Naalala nyo bang tinext ko na agad si Prince na sunduin na ako? Pero eto talaga ang nangyari bago yun..

"Hi EJ" Sino sha? Sha ang kuya ni Luis. Si Kris. Hindi kami close pero ngumiti nalang ako ng tinawag nya ang pangalan ko. Ngumiti din sha. In short, nag ngitian kami. Ay pwe muntanga  kami!

"Pwede ka bang makausap?"

Makausap tungkol san? Sumagot naman ako ng "Sure" tutal hindi naman ako pinagmamadali ni Prince.

"EJ  wag kang mabibigla ah." Sinabi yun ni Kris ng seryoso. So eto naman ako nag panic bigla.

"Anong  meron?" Nag sigh sha.

"Galing si Luis dun sa bahay ng classmate nyang babae."

"Yun lang ba? Anong nakaka bigla dun?"

Umiling sha.  Hindi ko alam yun.  Kasi ang sinabi nya sakin pupunta sha sa bahay nila kasi daw magcecelebrate sila ng family nya about nga sa graduation nya.

Nagtampo pa nga ako diba? Pero hinayaan ko kasi family matters yun. Tapos eto ang malalaman ko? -___-

"That girl likes her, and Luis liked that girl too nung nagbreak kayo."  Medyo nag iba yung expression ko. Kilala ko na. That damn bitch nasumira ng relasyon namin.

"Are you okay?"  Who's girlfriend will be okay after hearing such things?

"No." I said frankly. "Continue your statement"

"As i was saying.. maybe my brother is cheating on you"

"Is it possible?"

"Lahat ay posible. I am not ruining my brother's image here, i just think that you deserve better.."

Anobaaaa.. Ano ba tong mga naririnig ko? Hindi masarap sa tenga. Ayokong mag jump into conclusions. Walang kasiguraduhan ang mga sinasabi nya. Ang dapat na tanungin dito ay si Luis. Sha lang naman ang nakakaalam ng totoo e. Hindi ako or si Kris.

---END OF FLASHBACK---

"Bes."

At si Prince nga ang tumawag sakin. Wala namang ibang tumatawag nun kundi sha

"Oh?"

"Bat  nag yoyosi ka nanaman?"

Tinarayan ko lang sha. Pag katapos nya akong iwanan kagabi?

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon