CHAPTER 25: Please don't go

1.8K 35 1
                                    

---Prince's POV---

Iniwan ako ni EJ.

Kasama nya si King.

Kinuha nila yung mga gamit nila.

Ako lang mag isang natira sa bahay na binuo ko para sa aming tatlo.

Ilang araw na yung lumipas pero hindi parin sila bumabalik dito sa bahay.

Hindi naman ako sumusuko eh, ginagawa ko lahat para bumalik sha. Hindi ko alam kung asan sha pero lahat na tinawagan ko para lang malaman kung nasaan sha

Ang dami kong sinugal para sakanya, hindi ako pwedeng matalo. Kailangan ko sha sa buhay ko. Kailangan ko sila ni King. Hindi ako makukumpleto pag wala sila.

Ilang araw narin akong lutang simula nung umalis sila ng bahay

Naka tulala lang ako habang humihithit ng droga

Tangina.

Kasalanan ko to

:(

Pumunta ako sa probinsya kung saan nakatira si Stephen. Baka sakaling andun si EJ at si King. Wala naman shang ibang mapupuntahan dito sa pinas kundi sa kuya nya.

Pang limang beses narin akong pabalik balik dito pero laging sinasabi sakin ni Stephen na wala yung kapatid nya.

Pag punta ko dun hinarang ako ng kuya nya sa labas ng pinto. "Pre. Wala nga dto si EJ. Bakit andto ka nanaman?"

"Parang awa mo na Stephen. Gustong gusto ko ng makita yung mag ina ko. Please lang"

nag mamaka awa na talaga ako. Wala na akong pake sa itsura ko. Para na akong mababaliw sa pag kawala ni EJ sa buhay ko. Tangina. Alam nyang hindi ko to kaya.

"Pare umuwi ka nalang." Kinapitan ako ni Stephen sa braso at pumasok na sha ng bahay nya

Kumatok ako. "EJ lumabas ka. Umuwi na tayo." Sabi ko habang kumakatok ako.

Pero wala. Nga-nga walang nakikinig sakin.

Sumilip si Camilla. "Wala nga sha dto. Umuwi ka na."

"Tangina. Buksan mo yung pinto. Papasukin nyo ako para makita ko kung wala ba talaga dyan si EJ."

"Wala nga dito si EJ"

"Puta naman oh. Wag nyo nakong pahirapan."

"Ano ba pare? Wala nga dito yung kapatid ko. Umuwi ka na!" Sabat ni Stephen.

Tangina! Sasabog na yung init ng ulo ko!!

Sumigaw ako dun sa labas ng bahay nila. "EJ!! Hindi ako uuwi hanggat hindi kita nakikita!! Alam kong andyan ka!!"

Pinag titinginan na ako ng mga kapitbahay nila pati narin yung mga napapadaan.

"Hoy. Tangina wag kang mag iskandalo dito Prince." Sabi ni Stephen.

"EJ!! LUMABAS KA DYAN PLEASE NAMAN OH!! MABABALIW NA AKO!"

Ilang beses akong sumigaw dun. Pero walang Eunice Jane na lumabas ng pinto.

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon