Chapter 1: The Scene
"Pakiusap, isang buwan pa hanggang makahanap lang kami ng malilipatan." Naghuhumiyaw na pakiusap ni Mrs. Del Castillo. Halos luhuran na niya ang mga ahente ng banko. Isa-isa siyang nagmakawa sa mga ito ngunit hindi man lamang siya pinakinggan.
Nakapangutang si Mr. Del Castillo sa isang lending (5.6 kung tawagin). Hindi na siya nakapagbayad ng maayos kaya naman lumaki na ng lumaki ang interes at hindi na nila ito nagawang bayaran pa. Hinabol at tinakot sila ng mga hudlom na tauhan ng mga loan sharks na ‘yon at wala na silang nagawa. Isinangla nila sa bangko ang kanilang lupa at bahay para makakuha ng malaking pera.
Just when they thought na tapos na ang problema nila, muling binalikan sila ng mga hudlom at patuloy sa panggugulo. Wala na silang ibang nagawa at hindi na nakaahon pa mula sa pagkakautang. Ngayon pati ang bangko ay ineembargo na ang lahat ng kanilang ari-arian.
Marahas na piniksi ng ahente ang kamay ng ginang na nakakibit sa kanyang mga braso. Napahandusay ito sa lupa at doon nasadsad. "Hindi na pwede! 3 buwan na kayong humihingi ng palugit para makapaghanda sa pag-alis nyo sa bahay na yan! Matagal ng naembargo ng banko ang bahay at tindahan nyo dahil hindi na kayo nakabayad ng utang." paliwanag ng ahente.
Muling kumapit sa paa ng mga ahente ang ginang, "Tama na, pakiusap naman! Pangako magbabayad na kami, kahit isang linggo nalang .Pakiusap umalis na kayo, utang na loob maya-maya lang ay darating na ang anak kong babae. Ayokong madatnan niya ang sitwasyon." Pagmamakawa pa ni Mrs. Del Castillo.
Ilang sandali pa'y lumabas si Mr. Del Castillo, tatay ni Yannie. Lasing na lasing ito at kahit pa susuray-suray sa daan ay matapang na hinarap nito ang mga ahente.
"Ano bang ginagawa nyo sa bahay ko? Pwede bang magsilayas na kayo dito at wag kayong manggulo?" sabay tulak sa ahente at naghamon ng away. Kaya naman humarang ang ilang bouncer at sinubukang pigilan ang nagwawalang ginoo pero mapilit ito saka tuluyang nakipagbugbugan sa mga bouncer.
Maya-maya pa'y dumating si Yannie. Ang panganay na anak ng mga Del Castillo na noon ay nanggaling sa kanyang part-time job. Mula sa malayo ay nakita niyang duguan ang kanyang lasing na ama at nakikipagtalo sa ilang kalalakihan.
"Ano?! hahahhaah patayin nyo nalang ako! Wala na kayong makukuha sa'kin! Kulang pa ba ang pagkuha nyo sa negosyo ko?! Ngayon naman pati ang bahay ko?" Kahit pagewang-gewang ay nagawa pa ng matandand Del Castillo ang magmatapang at manduro sa mga ahente. "Ano?! Huh?!" matapang na hamon ng mister. Halos mawala na siya sa katinuan. Wala nang natira sa kanila mula pa sa panggugulo ng mga lintek na hudlom na iyon.
"Tama na, tumigil ka na." pakiusap ng ale sa kanyang asawa. Pilit niya itong inaawat dahil halos hindi na mahitsura ang mukha nito sa pakikipagbuno sa mga tauhan ng bangko, "at sa inyo, magbabayad naman kami eh. Kaya pakiusap, nagmamakaawa ako umalis na muna kayo."
"Wag ka ngang magmakaawa dyan! Ano ka ba?! Wag kang yuyuko sa mga hayop na yan!" Giit ng ginoo at saka dinuro ang mga kausap. Hindi pa ito nakuntento at pinukol pa ng suntok ang ahente.
"Aba't talaga naman!" napikon ang ahente at sinuntok pa ng makailang beses si Mr. Del Castillo.
"Hoy anung ginagawa nyo sa papa ko, huh!" sabay tulak sa mga ahente ang nagngangalit na si Yannie. "Mama, AJ, ipasok nyo na si papa sa loob, ako nang bahala dito." Matapang siyang humarap sa mga ito kahit pa alam niyang wala siyang kalaban laban.
BINABASA MO ANG
I Think I Love You{on going}
RomanceHow could you define love? What will it takes to make you say or realize that you love a person? You have a debt to that person and you think you owe him a lot kaya naman gusto mong bumawi. As time goes by, he came to think that he likes you; but yo...