Chapter 10: Sympathy

64 1 4
                                    

Peep Peeep!

Busina ng kotse ni Xander. Ang totoo’y binubusinahan niya si Alyannah na hanggang ngayon ay nagmamatigas parin sa tuwing susunduin siya nito galing sa pub. Yes it’s been more than a week since the deal started; MWF ang pasok ni Yannah sa school. She’s on her 3rd year so all her loads/subjects were cut into 6 kaya naman right after class; which is lunch time, diretso na siya sa opisina ni Xander. Her working hours are extended up until 8pm so that she can pull off eight hours of work per day. Kapag wala naman siyang pasok ay mas inaagahan niya para mas madagdagan niya ng at least 4hours.

Matapos ang trabaho niya kay Xander ay hindi pa siya kaagad umuuwi, sa halip at dumideretso siya sa pub para tumugtog. Well, music has become her past time, ever since. Wala siyang pakialam kahit pa late na siya makauwi sa bahay nila oh sermunan ng tatay niya, basta ang mahalaga ay makatugtog siya gabi-gabi at  nang mailabas niya ang mga saloobin. Xander is of course, against this set up. Yung akala mo paranoid boyfriend lang ang peg niya? Pero wala naman siyang magagawa kasi naayon sa kontrata nila na after ng office hours, wala na siyang pakialam pa sa other business ng dalaga. But hell, he can’t stand the fact that she is actually lurking outside in the middle of the night! He can’t help himself from worrying about her.

Kaya sa loob ng isang linggo, eto ang naging set-up nila; Xander is always trying to pick her up but she would always refuse to it. Katulad nalang ngayon. . . .

Peeeeep peeeeep!!

Peeeeep peeeeep peeeeep!!

“Get in the car!” sigaw ni Xander mula sa loob ng kotse, pero parang walang naririnig si Yannah at nagdere-deretso lang sa paglalakad.

Peeeeep peeeeep peeeeep!!

 “Hey, I said get in the car!” sigaw pa niya matapos ang pagbusina.

Pero ganun padin! Epic fail! Up until now ay deadma lang ito at animo’y walang naririnig. Nagdesisyon si Xander na bumaba ng kotse para subukan ulit na kausapin ang dalaga, sa totoo lang isang linggo na siyang nagtitiis. Iba talaga kapag tinamaan ka ni kupido, pati ang mga kaibigan niya ay hindi na makapaniwala sa mga ikinikilos niya eh. Remember that time when they are in the gym? Naglalaro sila noon, hindi ba? But suddenly, Xander appeared to be MIA as in Missing In Action. Alam nyo ba kung bakit?

Simple lang, tumawag yung sekretarya niyang si Kurt para ipaalam sa kanya na nakuha na nito ang number niya at  tutugtog siya ulit sa pub sa mismong oras na iyon. Tch! Crazy Bad Ass!

“Utang na loob naman sumakay ka na! Anong petsa na kaya!” kunot noong pahayag ni Xander habang hinaharangan ang dalaga.

“Bangag ka ba? Petsa lang hindi mo pa alam?? Today is June 24, around 2 o’clock in the morning.” Sarkastikong sagot nito saka humakbang pakanan para iwasan ang nakaharang na si Xander.

Ilang hakbang na ang layo nila sa isa’t isa at hindi na rin naglakas loob na habulin pa ni Xander si Yannah dahil sa pride. Yes, you read it right, PRIDE! Even though, he’s gone crazy for her, he still has this ‘man thing’ called PRIDE! Kaya instead na humabol ay sumigaw nalang siya.

“Is it funny?!” napahinto pansmandali ang dalaga dahil sa narinig saka humarap sa kanya. “Is it funny seeing me like this?”

 Anong problema niya ngayon? Tanong nalang ni Yannah sa sarili habang nanatiling tikom ang kanyang bibig at hinintay lang siyang magsalita ulit.

“Masaya ka bang nakikita akong hahabol-habol at susunod-sunod sa’yo na parang aso sa loob ng isang linggo?! I have never done this in my entire life! Ngayon Lang!” he paused for a bit at umiwas ng tingin. ‘shit’ he whispered. Saka muling ibinaling ang tingin sa dalaga.  “Is it a big deal na ihatid-sundo kita sa pub na ‘yon? Ganoon ba kabigat sa’yo na sumakay sa kotse ko, huh!”

I Think I Love You{on going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon