"Oh, Ate! Bakit ngayon ka lang?! Lagot ka, kanina ka pa hinihintay ni Papa anung petsa na." sabi ni AJ habang kinukusot ang mata at winawagay ang hintututong daliri na para bang nagbabanta. Lokong 'to tinakot pa ako! Akala naman masisindak niya ako!
"Tch. Shut up kung ayaw mong masapak kita ngayon na. Oh ayan ng manahimik ka." sabay abot ng paper bag na hawak niya at nilagpasan.
"Wooooow, Ate! Ang daming chocolates at candies nito uh! San galing? Sa boyfriend mo? Haha dabest ka talaga ate! Ang ganda mo ngayon huh!" tekla balimbing talaga. Kanina lang wagas makapabanta eh ngayon inabutan lang ng chocolate nagtatalon na sa tuwa at nambola pa.
Napalingon si Yannah sa lakas ng boses ng kapatid at inilagay ang daliri sa tapat ng bibig. "Ssssshhhh. Hinaan mo nga yang boses mo! Abot hanggang kanto! Kapag di ka tumigil dyan, babawiin ko yang hawak mo ng matanggal yan kaingayan mo! Mamaya magising pa si Papa malintikan pa ako!"
"Oh eto na nga tatahimik na eh. Saka ate, si papa tulog na tulog na! Haha ang swerte mo nga eh! Akin na talaga toh huh! Wala nang bawian. Kundi isusumbong talaga kita." akmang bibigwasan na sana ni Yannah ang kapatid pero buong puso itong nagpigil.
Tssss! haaaiissst talaga naman bakit ba puro pang asar nalang lahat ng tao ngayon? Naman talaga! Pero buti nalang at tulog na si papa kung hindi. . . . hudas barabas! Mahaba habang nobela na naman ang litanya sa akin! Ayoko na! Masyado nang maraming nangyari. Nakakainis lang isipin! Erase Erase Erase!
Nang maulinigan ni Mrs. Del Castillo ang bunsong anak ay nagising din ito at lumakad palapit sa anak mula sa pagkakasalampak sa lamesa.
"Anak! Jusko kang bata ka, saan ka ba nanggaling at inabot ka ng ganitong oras sa labas? Alam mo naman ang panahon ngayon. Ano bang nangyayari sa'yo at nagkakaganyan ka nitong mga nakaraang araw? Pinapatay mo kami sa pag-aalala ng papa mo." litanya ng ina.
Tahimik lang si si Yannah at hindi umimik. Nang magkalapit na sila ng ina ay nagmano ito saka sumagot.
"Sorry po, Ma. Hindi na ho mauulit. Pagod na po ako, pwede po bang bukas nalang ho natin pag-usapan?! Sige po aakyat na po ako." she answered dryly at tinungo ang hagdan..
(asuuuuuuuus ganyan kapag may ginawang kasalanan! Kung makapag-PO at HO, meron sa bawat pagitan ng mga salita! Ganyan yaaaaaan! Tapos sasabihin pagod! kinabukasan wala na yan! Naku Naku Naku! Hahahay Style mo bulok!)
Hindi pa man siya nakakatapak sa hagdan ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng parents niya at booooooooom. . . . .
(O//O)
uh ohhh. . . . . .
"Dad. . . ."
pataaayyyyyyy. . . . . .
huli ka gayOn!
Her father looks mad but very much composed.
"Saan ka nanggaling?" malamig na tanong nito kaya naman napalingon si YAnnah mula sa kinatatayuan niya.
"Diyan lang ho, sa isang kaibigan. Sorry po kung ginabi na ako ng dating. Pwede po bang magpahinga na ako sa taas? Masama po kasi ang pakiramdam ko." (palusoooot!) sabay talikod at akmang aakyat ng muling nagsalita ang ama.
"Sinong kaibigan? Your mom called Jelly but she said you're not with her. Now tell me, sinong kasama mo at anong ginawa nyo?" His voice started to raise kaya natigilan siya.
A/N: picture and video on the right side.
Natulala nalang si AJ at ang ina. Her mom wanted to interrupt and let everyone go to sleep; on the contrary, she herself was worried. She herself wanted to know where she went and what does she did, that she came home this late.
"You sure you wanna know, Dad? Okay fine, I went out to earn money. Kasi ho nagsasawa na ako! Hiyang hiya na ako sa tuwing may pupunta sa bahay para maningil ng utang o renta! Sagad na pasensya ko nang pinuntahan tayo dito ng banko at halos makipagpatayan kayo para lang bigyan tayo ng palugit! I am sick and tired of everything, Dad. Now if you could excuse me, aakyat na ho ako kasi pagod na pagod na po ako." yun lang at tumalikod na siya.
wooooahhhh nasabi niya yun? OMAYGHAD ang tapang niya huh! Buti hindi siya nasapok oh nasampal! Masakit kaya yun.
All of them were stunned. Hindi nila inaasahan ang mga narinig nila. ( Whatever. What can you expect? Puro nalang expectations. Ganun naman palagi eh. What else is new? Madalas wala silang alam kundi ang manermon at magpuna ng mali. Hindi naman santo ang anak para hindi magkamali. Perhaps even saints have made mistakes for God's sake! Pero sila, hindi nila nakikita yung shortcomings nila. Porke ba magulang lagi nang tama? Minsan space lang ang hinihingi mo at konting panahon hindi pa maibigay. Ang masama pa, puro sumbat, sermon at litanya ang inaabot. haaayyyyysss. Oo mahirap maging magulang, nagtatrabaho na nga marami pang problemang kaliwa't kanan pero minsan mahirap din kayang maging anak. Hindi madali, kung alam niyo lang.)
"Aba't talagang. . . you don't do that to me, Alyannah! Anak lang kita!" sigaw ng galit na si Mr. Del Castillo.
+___________+___________+____________+
Pagkapasok ni Yannah sa kwarto at napasalampak siya agad sa kama. She was sooooo tired for today; perhaps of everything. She needs to sleep. She needs to get rest. Marami nang nagyari at hindi na niya kaya ang makipagtalo pa ngayon, kahit ang simpleng pag-iisip. Feeling niya kakalembang na utak niya. Nababaliw na ata. Kaya matutulog na siya. Oo tama, sa ngayon yun na muna ang gagawin niya.
But as soon as she closes her eyes, napabalikwas siya sa kama nang may bigla siyang naisip. Ayan, nag HYSTERICAL na naman siya. Para siyang timang na pabalik-balik sa paglalakad ng kaliwa’t kanan. Nariyan na yung nakapamaywang siya habang kagat-kagat ang labi. Yung nakatungo siya’t naka-cross-arms at meron ding nakatukod ang kanang kamay sa baba niya. Mababakas mo sa kanyang napakalalim ng iniisip niya.
"Is he under the influence of drugs or something?! Tch. Siraulo ata yun eh! Pero mas mukhang siraulo ako dahil napapayag niya ako sa plano niya. haaaaayyyyys naman talaga Alyannah! Kahit kelan ang bopols mo noh? Di ba matalino ka? Dean's lister ka nga eh, tapos nagpauto ka dun sa RETARDED BULLY na yun?! Ang TANGA MO! Bakit ka ba pumayag sa kasunduan na yun?" bulong niya sa kawalan.
*[FLASHBACK]*
. . . . . eto yung mga nangyari. . . . bago siya makauwi ng bahay.
NEXT UD NALANG
_____________________
dito na lang muna. Hirap mag type! May tax bawat oras! hahahha wala ata wenta UD ko. :P putol kasi yan!
_____________________
Ganun ba kahirap intindihin kailangan mo ng time and space? Kailangan ba lahat ng tanong kailangan sagutin agad ng diretso? Hindi ba pwedeng humingi ng pause or break? Eh di ba nga kahit ang Computer may maintenance? Ang bakal kinakalawang. Si superman nanghihina may kryptonite. Ikaw pa kaya na ordinaryong tao lang?
____________________
"No one knows you better than yourself. Not even your parents. They might have raised you as a son/daughter but they only see what you let them to see about you but not all of you, the you as a person and the you as a whole."
BINABASA MO ANG
I Think I Love You{on going}
RomanceHow could you define love? What will it takes to make you say or realize that you love a person? You have a debt to that person and you think you owe him a lot kaya naman gusto mong bumawi. As time goes by, he came to think that he likes you; but yo...