Chapter 3: What's with me?

100 1 2
                                    


Hindi niya maintindihan ang sarili niya, nag-init ng husto ang ulo niya sa nakitang pang-aabuso ng hinayupak na manyak na ‘yon. Hanggang ngayon, kapag naaalala niya ang mga nangyari kanina, nagtatangis pa rin ang kanyang mga bagang at napapakuyom ng kamao. Gustong gusto niya talagang basagin ang mukha ng lalaking iyon. Ever since, he has this certain attitude na hindi niya kayang makitang umiiyak, nahihirapan, pinapasakitan o binababoy ang mga babae. Nagpupuyos ang mga kalamnan niya sa sobrang pagksuklam. Just like how mad he was back when his father used to make her mother cry.

 Suddenly, he felt so much concern and sympathy to this young lady. He could just imagine how hard it was for her. After the scandal in the bar and the scene outside, they headed up straight to HIS PLACE. But just so you know, bago pa man sila makarating, nagkaroon muna ng umaatikabong bangayan sa labas ng bar.

Flashback

"Bitiwan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Yannah habang kinakaladkad  ni Xander palabas pero wala siyang pakialam. Tuloy padin siya sa paglakad palayo. Mahigpit, malakas, at may awtoridad. Hanggang ngayon ay nanginginig padin siya at mababakas pa sa kanyang mga mata ang labis-labis na galit. He’s mad to death.

"Ano ba?! Sinabi nang bitiwan mo ako eh, nasasaktan na ako!" iwinasiwas ni Yannah ang braso niya kaya naman nabitiwan siya ng binata.

Xander looked so furious! Para bang mangangain ng tao? Nangungunot padin ang kanyang noo at wari pa’y nagtatanong. Ano gusto mo pang bumalik doon?! His mind cursed. But then he smirked and said.

"Why? Do you wanna go back inside? You have the guts to be treated that way? malumanay na tanong nito sa kanya. "Gusto mo ba yun, ha?? Yung binababoy ka? He asked in a sarcastic tone. Unti-unti nang tumataas ang boses ng nagsasalita. "Huh! Wala kana bang dignidad na natitira para sa sarili mo? At kailangan mo pa talagang ibenta ang sarili mo para lang kumita ng pera??!  You're such a crap!!" sigaw pa nito.

Slap! Uh-oh. . 

(araaaaaayyyy! >.< ang lutong nun huh!)

Masakit yun huh! Sa sobrang lakas ng sampal na ‘yon ay napaingos pakanan ang kanyang mukha. Pakiramdam niya tumalsik yung ulo niya sa kalsada. He deserved that anyway.

"What now?" saad ng binata sa kanya saka dahan-dahang tumingin habang sinasapo ang labi. Fuck pumutok ata??! Ang lakas naman ng neneng na 'to! Bulong ng utak niya.

"Don't you dare talk to me like that! You don't know me! You have no idea how hard was it for me! Isa pa, wala kang pakialam sa kung anong ginagawa ko para makaipon ng pera!" pasingal na sagot ng dalaga sa kanya. Nag-iinit na ang magkabilang sulok ng mga mata but she’s trying to put up an act that she’s strong enough and that no one could bring her down.

"Wala akong pakialam? Wala akong pakialam?" He mocked as he breathed heavily, trying to suppress the raging emotion. Agad din naman siyang natauhan saka malumanay na nagsalita. "May utang ka sa akin, remember? Sana kung ito lang din gagawin mo, why didn’t you try me? On the second thought, bayad na nga pala ako! Binayaran ko na sa loob kanina ang halaga mo. So may I get your service then??" matigas niyang tugon na ikinatahimik niya. He has caught her off guard. Sapul siya doon.

He grabbed her arms and led her inside the car. He drove as fast as he could. No more talks, no more conversation, nothing, at all. They were indeed both put themselves in silence until they arrived, walang pakundangang nilampaso niya ang dalaga sa sofa at saka pumasok sa bathroom. He’s being cold and rude and awful.

*[end of flashback]*

 

 The water was streaming down his body as he takes his shower to sober down and to relax himself. Yeah right, he is kinda drunk and he can't a get hold of himself so maybe, some splash of water could cool him up. Hindi niya alam. Hindi naman siya dating ganyan lalo na sa mga babae. He used to be so gentle or better yet, he doesn’t even care at all.

Akala mo kung sino kang siga! Akala mo kung sino kang magaling! Eh kung umasta parang walang pinag-aralan! Why do you want to always have it your way kahit pa wala ka na sa lugar? Akala mo ba cool ka? Tss. Ang yabang mo! Malunod ka sana diyan sa shower mo! Usig sa kanya ng konsensiya niya.

He knew that was below the belt, he knew he was so mean when he told her that stuff. Alam niyang nasaktan niya ang dalaga, hindi niya lang talaga napigilan ang sarili niya. He was mad and drunk and. . . . guilty. And now he’s even more guilty. Nakapagpaiyak ka ng babae. Parang wala na rin siyang pinagkaiba sa KANYA.

Dumadausdos sa malapad at matipuno niyang katawan ang tubig na naggagaling sa shower room habang nakayuko siya at nakatukod ang dalawang kamay sa harap ng pader.

 "What the hell, Xander?" he suddenly throw his fist against the wall. "Arrraaaaaayyy! FUCK!" napahawak siya bigla sa kamao niya saka pinudpod ng kaka-ihip. Suntukin mo ba naman ang pader, ewan ko na lang talaga.

"HAIISH! Namaaaaan!" he hissed. "Ano bang meron? What's with me??" he said to himself. Gulong gulo siya habang hinihimas padin ang kamaong pinansuntok. Ilang sandali pa ay napaisip siya at natigilan. Yeah, right, Xander. Anong meron at nagawa mo ang mga bagay na ginawa mo kanina? You never care on matters where you don’t have any business, so what happened back there? Are you insane?

"It must be that girl, oh that little young lady! Huh!"  He smirks as she remember the girl in his thoughts. "God! Alyannah Del Castillo." usal niya habang natatawa sa sarili. "You're making me really crazy. So damn CRAZY! Why do our paths have to cross?! You made me sick." He cursed. Eh kasi nga naman, bakit ba kasi nila kailangan magkita?! At sa bar pa talaga. Sa lugar kung saan ayaw niyang mapadpad.

 

 Tok tok tok.

Dinig niyang katok sa loob ng kwarto niya mula sa shower room kung saan siya naliligo. Natigilan siya sa pag-iisip at pinakinggan ang kumatok. “Sir, ipagpaumanhin po ninyo pero eto na po yung lahat ng files na pinahahanap at pinagagawa ninyo.”

“Sige iwan mo nalang diyan.”

“Ah, o-okay po sir. Ahm, I hope you don’t mind me, evading your privacy sir, but yung bisita niyo po kasi, kanina pa umiiyak sa sofa.” Nangunot ang noo niya at muling napaisip sa dalaga.

Why the hell is she crying again?? Am I being that rude to her? He hissed then turns his head from left to right. Why do I even care so much about her being? Pakialam ko ba sa kanya at sa kung anumang nararamdaman niya?

Oh gosh, really, WHAT’S WITH ME???!!!!

 -------

I Think I Love You{on going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon