Chapter 18: KING ALEXANDER KEITH MENDEZ III

54 1 1
                                    

“RELAX.” Leo said. Pagpasok pa lang nila sa resto ay naging stiff na si Yannah. Hindi na naman mawala-wala sa isip niya si Xander. Naaalala niya ito nang dahil sa mga ginagawang gestures ni Leo.  Mula sa pag-aalalay sa kanya paglabas pa lang ng kotse, pagbukas ng pinto ng resto, pag-usog ng upuan at kg kung anu-ano pa. Ano ba yan. Bakit ba kahit wala ka na sa tabi ko, ginagambala mo padin ako?! Reklamo ng utak niya.

“Hey are you okay?”tanong niyang muli na nakakuha ng atensiyon ng dalaga.

“A-ah, O-oo, okay lang ako.” Nauutal niyang tugon.

He chuckled. “Mukhang okay ka nga. Nauutal ka eh.” Sarkastiko niyang sabi. “Anyway, can I ask you something?” seryosong tanong niya.

“Sure, ano ‘yon?” inosente niyang tugon habang hinihimay ang pagkain sa harap niya.

“Anong tingin mo kay Xander?” he asked breathlessly.

Natigilan bigla si Yannah saka marahang napatingin sa kausap. Ano nga bang tingin niya ditto? Napaisip din siya ng malalim at inalala ang ilang mga bagay. Kung tutuusin, sino nga ba si Xander at ano ito sa buhay niya? Hindi niya alam? Hindi niya masagot? O ayaw niya lang talagang alamin at sagutin? Suddenly, she’s lost of words. Bigla siyang naguluhan.

“Hey!” untag muli ni Leo habang knakawag ang kamay sa harap ni Yannah. “What’s up? Narinig mo ba yung tanong ko sa’yo?”

“A-ano nga ulit ‘yon?” she said stuttering. Yung totoo, alam mo yung tanong, Yannah. It's about him, XANDER.

"I'm asking about Alexander. Who, what and how do you see him." He heaved a sigh as a sign of dismay. “Mukhang lumilipad ang isip mo.” Napasandal nalang siya sa inuupuan. “Excited pa naman sana akong makilala ka dahil ito ang unang beses na magka-interes si sir sa isang babae. But it seems like—”

“Hindi ko alam.” Putol niya kay Leo. Mapait siyang napangiti bago nagpatuloy. “Sa totoo lang hindi ko talaga alam. Ito kasi yung unang beses na may manligaw sa akin. I mean yung seryoso at totoong manliligaw. Si Xander, siya ang una.” Leo is somehow stunned. Tila ba naintriga siya ng husto kaya naman nakinig na siya ng husto sa dalaga. Ang kaninang pagkadismaya ay napalitan ng curiosity.

It’s true. Wala pa talagang naging isang certified na manliligaw si Yannah. Likas na maganda siya na kahit pa hindi mag-make-up ay lilitaw ang kanyang ganda. Katunayan ay marami na ngang pumorma at nagparamdam sa kanya noong High school pa lamang siya up until now pero sadyang hanggang doon na lamang iyon.

Halimbawa na lang noong minsan, ihahatid daw siya kuno sa bahay nila pero kapag haharap na sa tatay niya, agad na nanginginig at nagmamadaling umuwi. Mayroon din, binibigyan siya ng mga love letters, chocolates and stuffs pero kapag kausap na siya ay agad na nauutal. The worst thing is, hindi na talaga nakapagsasalita sa harap niya. Minsan hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.

Hindi pa siya nagkakaroon ng Boyfriend pero hindi din naman siya ganoon ka-inosente padating sa mga lalaki. Mayroon isa pa niyang na-experience, nakikipag-flirt sa kanya yung guy through text messages and chat sa facebook pero may girlfriend naman pala. The funny thing there is, she accidentally saw them kissing and cuddling within the school premises. Take note, hindi lang basta harutan kundi MAKING-OUT ang nagaganap. Hindi naman siya nainis dahil doon, in fact natawa pa nga siya sa nakita. Paano ba naman kasi, noong nagkahulihan na, hindi matatawaran yung hitsura ng nanliligaw ‘kuno’ sa kanya. It’s so priceless. Yung akala mo nahuli ng asawa na nagkikipaglandian sa kabit, ganoon na ganoon ang hitsura niya. Well, she never cared. Alam niya naman na sa simula’t sapul ay babaero at manloloko ang taong iyon. Wew, she can’t help but laugh to the both of them.

May iilan naman, na-friendzone sa kanya. Yung tipong sa sobrang pagkagusto sa kanya ay kinaibigan na lamang siya. Takot na ma-reject at ma-busted. Parang si Elliot. For the past two years, they have been friends despite the fact that he likes her a lot. He did not pursue her because he respects her so much that he doesn’t wanna shake her priorities in life. At isa iyon sa mga ipinagpapasalamat ni Yannah. At least nakakapag-focus siya sa pag-aaral. Pero itong si Xander, naku po, ibang klase.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Think I Love You{on going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon