Chapter 13: Great Night

51 0 0
                                    

He patted her as she continues to sob while embracing him. "Shhhhh, hush now, angel." He releases from their embrace then he smirked. "You see, puro sipon na 'tong polo ko kakaiyak mo! Hahaha nakakatawa ka talaga, ikaw palang ang nakakagawa nito sa akin, alam mo ba yun?"

She tapped his chest and gave him a deathly glare.

"Chill! I'm just joking, okay? Tara na, kumain na tayo. I prepared something special, only for you." Akay niya sa dalaga.

As soon as she rested on the chair, the music began to play and the servants started putting in the foods.

Click the video on the right side.

The night was very romantic, she had never experienced anything like this in her entire life, not until now.  Live band is serenading her. There are violinist, basist, pianist and some great singers were also present. It seems like an orchestra is playing only for her.

"Kumain ka na, lalamig na yan." untag ni Xander sa kanya.

Paano ba naman siyang makakain eh pagkadami-dami ng pagkain at hindi niya alam kung ano ang kanyang uunahin. It's as if they are in a fine-dining restaurant or in a 5-star grand hotel. Ang gara ng mga pagkain, marami doon, sa magazines niya lang talaga nakikita. Kaya naman halos hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Dinner lang nila, parang isang buwang sahod na.

Why do you keep on surprising me? Why do you always have to keep me breathless?

"Hey, what's the matter, Yannah? Didn't you like the food? Kung gusto mo papapalitan ko nalang."

"H=hindi, okay na yan. Hindi mo na kailangan palitan, ultimo etong dinner hindi mo na dapat pang pinagkagastusan ng ganito. Marami na nga akong utang sa'yo tapos ganito pa? You know, you don't really have to do this. I am not even worthy of your attention."

He shrugged. "Of course you are. Every girl has to be treated like a Queen and that's what you are to me. Ginagawa ko 'to kasi gusto ko. At gusto ko 'to kasi nga gusto kita. I like you! So much that it makes me wanna think that I do love you. I wanna make you happy in every little way that I can. Kaya sana wag mong isiping dagdag 'to sa mga utang mo. At lalong-laong wag mong iisiping hindi ka worthy, coz you are!" He said as he held her hand.

Xander snaps his fingers and then a waiter comes out with a cart and a dish covered by a stainless steel is on top of it. Tinanggal ng waiter ang takip at doon ay bumulalas sa kanya ang isang rectangular velvet box. Matapos yaon ay naglaho na rin ang waiter, binuksan ni Xander ang box at sumambulat kay Yannah ang isang white gold bracelet na may music note na palawit.

"For you, angel of mine." he said with his eyes burning with such endearment.

Her jaw literally dropped, and the spoon and fork slipped through her fingers the moment he told her that. "H-h-hindi ko matatanggap iyan. M-m-masyadong mahal 'yan, Xander. Hindi bagay sa akin." nauutal niyang giit sa binata.

"Bagay sa'yo 'toh! In fact, it suits you. Maganda ka, don't you realize that? Kaya lahat ng bagay sa mundo babagay sa'yo coz you're exceptionally beautiful." buong pagsamong daing niya dito.

"Still, I can't accept that." His face was filled with dismay and frustration due to such rejection. "I'm sorry." she added.

He releases her hand from his and lean over his chair. "Hmmmmm, so, anong gagawin ko diyan? Can I just throw it away? Hindi ko naman iyan maisusuot o magagawang ibalik sa pinagbilhan ko. It would be a great issue kapag nagkataon. Ang mabuti pa, ikaw nalang ang magtapon niyan. Total, sa'yo na naman iyan, ikaw nalang ang bahalang magtapon."

"Nasisiraan ka na ba? bakit mo ipapatapon iyan? Do you even realize kung magkano ang halaga ng bracelet na iyan?? Eh kahit buong buhay akong magtrabaho, hindi ako makakabili niyan, tapos ikaw, sasayangin mo lang yan ng basta-basta?! Baliw ka na ba talaga? Sa bagay mayaman ka naman, barya lang sa'yo 'yan." she said sarcartically. "Pero hindi pa rin tama ang magtapon ka nalang. Tsaka, bakit ako ang pinagtatapon mo niyan?!" she exclaimed.

Xander flushed a dashing smile, pulled out his chair and dashed to Yannah's right side."Eh kaya nga tanggapin mo na para hindi mo naitapon at hindi na masayang!" Kinuha niya ang bracelet at dahan-dahang isinuot iyon sa kanya. "Palagi mong tatandaan na mas mahal ka pa sa kahit na anong alahas o nang kahit na anong bagay." he said after tenderly kissing her hand.

Bumalik siya sa kanyang kinauupuan at muli niyang hinarap ang dalaga ng kanyang makalaglag pangang ngiti. "Gaya nga ng sinabi sa kanta, kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo, ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo." sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang namula si Xander kaya nag-iwas ng tingin. Dahilan para matawa ang dalaga.

"Pffft." she giggles.

Bigla namang kumunot ang noo ng binata, "pinagtatawanan mo ba ako?"

"Yes. I-i mean, no." she said in between laughters.

Tuluyan nang hindi napakali si Xander at kinulit nang kinulit si Yannah dahil sa kakatawa. "Ang daya mo naman eh, ano ba talaga 'yon? Bakit ka tumatawa? Gumaganti ka eh!" he said with matching puppy eyes.

"Pffft. Eh kasi naman ikaw, sa laki mong 'yan, ang corny mo! May pa- 'kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo, ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo' ka pang nalalaman diyan! hahaha." she exploited into laughters.

With that, Xander put away his gaze from her and murmurs, "First time kong ginawa 'to sa tanang buhay ko, napahiya pa ako. Badtrip talaga."

Kahit bulong lang ay narinig pala iyon ni Yannah, ngunit nagkunwari siyang hindi iyon narinig. "Oh, bakit biglang iwas ka ng tingin, nahihiya ka na ba ngayon? Wag nga, sayang ang kagwapuhan mo kung hindi ipapakita." Sinubukan niyang abutin ang baba ni Xander at iginiya paharap sa kanya pero iwinaksi  nito ang baba na tangan ng dalaga. Dahilan para matigilan ito.

"Stop it." bulalas niya habang nakatingin sa kawalan. "Why are you not taking me seriously?" he said facing her. "Mukha bang nakikipaglokohan lang ako sa'yo? Ginawa ko ang lahat ng ito kahit pa alam kong pwedeng mapahiya lang ako kasi sabi ng mga barkada ko, it's their way of making girls fall.I am making out of my way just impress you or at least please you pero parang pinagtatawanan mo lang ako."

"Hindi mo naman kasi kailangan gawin pa ito eh." Biglang naging seryoso ang tono ng boses niya. "Ano ba kasing nagustuhan mo sa akin? Hindi ako mayaman at lubog sa utang, hindi ako maganda kung ikukumpara sa mga supermodels at celebrities na umaaligid sa iyo, hindi din ako mabait, in fact, napakasungit at suplada ko pa nga, hindi ba? Kaya bakit mo ba nagustuhan ang isang katulad ko? I am nothing compared to any other girl in your world, Xander. Kaya bakit ako?"

"Kasi nga ikaw ang gusto ko at hindi sila. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag. S-siguro dahil, dahil lahat ng iyon ay meron na ako. O-o d-dahil masyado silang ordinaryo sa paningin ko." Nauutal na depensa niya. "At kung sa ugali lang, mas di hamak na mabait ka. Kasi, silang lahat, wala nang ibang ginawa kundi ang maging mabait sakin at pakitunguhan ako ng maganda kasi may pera at maimpluwensiya ako. Hindi katulad mo. Sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung anong nagustuhan ko sa'yo. kaya sana, hanggang hindi ko pa alam, pabayaan mo lang ako at manatili ka sa tabi ko.

"Pero Xander--" magsasalita pa sana siya pero agad ding nagpatuloy si Xander.

"Pangako, kapag nakita ko na hindi mo talaga ako pwedeng magustuhan, ako na mismo ang lalayo sa'yo at hinding-hindi na kita guguluhin pa kahit na kailan."

I Think I Love You{on going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon