Chapter 14: Great Night II

75 0 6
                                    

Greatt Night

NAKAUPO sila ngayon sa isang comforter na inilatag ni Xander sa labas ng bahay malapit sa puno. Candle lit pa rin ang peg ni Xander, at mayroon pa ngang projector na naka set-up. Kahit sino sigurong babae, kapag binigyan ng ganyang klaseng effort, hindi lang malalaglag ang panga, baka pati puso, agad-agad ay malaglag na.

See the picture on the right side.

Medyo ilag na nakapaningkulong si Yannah sa isang tabi samantalang si Xander naman ay prenteng nakaunat ang mga paa at binti habang nakaliyad at nakatukod ang mga kamay sa likod. Ilang sandali pa ay nagsimula nang mag-roll ang VTR at laking gulat ni Yannah ang lumabas sa video. Naroon ang ilan sa mga pictures niya kasama na ang karanasan niya sa isang singing competition.

"Oh-my-God." she utters as she slowly look unto him. "paanong--?" natigilan siya at tiningnan ang katabi na para bang nagtatanong kung paano niyang nakuha ang mga pictures at video clippings ng dalaga. Pero ngiti lamang ang tanging ganti nito. Oh yeah, ano pa nga ba? He has his ways of getting things done. Malamang niyan, pagpunta nito kahapon sa kanila, e nagpalusot na sa mama niya. "Ayos ka, huh. Kung maka-ngiti ka, akala mo naka-jackpot ka sa lotto, ah!"

He smirked. "Eh talaga namang naka-kackpot ako eh, well, daig pa nga dun kasi kasama kita ngayon." Aba, marunong mambola ang loko!

She hissed. "Ewan ko sa'yo. Kwento mo sa pagong, bolero." but deep inside, her heart is jumping with such joy.

"Bakit ko pa ikukwento sa pagong kung nandito ka na sa tabi ko?" lumapit si Xander sa tabi niya saka inakbayan ang dalaga at hinapit palapit sa kanya. "At isa pa, hindi ako bolero. Kaya kapag sinabi kong maganda ka, maganda ka talaga angel of mine." pagkasabi niya niyon ay nilapit niya ang kanyang mukha sa dalaga.

Hindi maipaliwanang ni Yannah pero para bang tinutunaw ang puso niya nang dahil sa mga salitang binibitiwan ng binata patungkol sa kanya. Masyadong sweet at irressistable. Kapag ganyan ng ganyan, naku po, Inday! Ihanda-handa mo na ang sarili mong mahulog sa bangin ng pag-ibig.

Walang anu-anu'y bigla na lamang natampal ni Yannah ang god-like face feature ni Xander, dahilan para mapaigik siya sa sakit. Or better say, pag-iinarte. "Aaaaahhhhh! araaaaaay ang sakit." Daing ng kunyari'y namimilipit na si Xander habang nakakubli ang mukha sa magkabilang palad. Noong una'y hindi niya pinansin ito dahil medyo gulat pa rin siya sa paglapit na ginawa ng binata ngunit nang maglaon ay naiilang kinalabit na niya ito.

"hooooy, masakit ba? Akin na, patingin nga." Lagot ka, makapanampal ka naman kasi wagas, eh. "Hoooooy, sorry na nga. Di ko naman kasi talaga sinasadya. Okaw kasi, eh. Palagi mo nalang ako nilalapit yang mukha mo sa akin, ayan tuloy nasampal kita." wika niya habang sinusubukang hagilapin ang mukha nitong nagkukubli. Hinawakan niya ang kamay ng binata at pilit na tinatanggal ang mga kamay nito sa kanyang mukha. "masakit ba talaga?"

He just nodded in the midst of pain. Correction, kunyaring pain.

"Saan? Patingin nga." sinipat-sipat ni Yannah ang pisngi ni Xander na medyo namumula nga pero siyempre, mistiso kaya ganun. Hinimas ng dalaga ang mukha nito para maibsan ang masakit 'kunong' pisngi niya. "Dito ba?" Pa-baby face na sumang-ayon si Xander at nang makahanap siya ng pagkakataon ay dagling ninakawan niya ng halik ang dalaga sabay tumakbo palayo.

She was dumbfounded. oh Gosh, first kiss niya yun eh! Imagine, NBSB, Never Been Touched, Never Been Kissed, tapos ninakawan lang ng lokong 'toh? No WAY, HI-WAY, MILKY WAY!

"XANDER!!!!!!!!" sigaw niya nang mag-sink in na sa utak niya ang ginawa ng binata ta hinabol na din ito. "Kapag nahuli kita humanda ka sa akin! Bubugbugin kita."

I Think I Love You{on going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon