Chapter 16: Dilemma

41 0 0
                                    

"Dito nalang tayo." untag ni Yannah kay Xander. Ngayon ay naroon sila sa loob ng kotse, na naka-park malapit sa tapat ng bahay nila.

"Bakit dito? Madilim, oh. Mamaya niyan may tambay na mangtrip sa'yo sa kanto. Ihahatid na kita sa inyo para na rin pormal na magpakilala na ako bilang manliligaw mo." mungkahi ng binata.

Nanlaki ang maga mata ni Yannah at tila ba biglang nataranta sa sinabi niya kaya natampal niya ang braso nito.

"Anong magpapakilala? Tumigil ka nga diyan, hindi mo pa lubos na nakikilala ang tatay ko. Gusto mo na bang mamatay? Isa pa, gabi na. Umuwi ka na. Mas mapapagalitan pa ako niyan sa binabalak mo, eh." iritadong sagot niya dito.

He just shrugged, wanting to insist what he wants. "Eh di ba nga sabi ko sa'yo magkakilala na kami ng papa mo? Hinatid pa nga kita no'n at mukhang okay naman siya, huh. Sige na, pasok na ako sa inyo. Magpapakilala lang naman ako, hindi ako magtatagal, I swear." pagmamakaawa niya.

Matagal na nag-isip ang dalaga, "hhmmmmmmmm"

"Sige na, please?" pagsusumamo pa niya. May pa-puppy eyes, puppy eyes, at baby face pang nalalaman 'tong kumag na 'toh oh!

"hhmmmmmmn," she look up opting to think even deeper, then she look towards him, observing his features and emotions. "NO! And that's final."

Lumabas na siya sa sasakyan at iniwang lupaypay ang binata na akala mo, pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Hey, my angel. I'll let you pass this time, but I assure you, next time hindi mo na ako mapipigilan." she stopped walking upon hearing him from a far.  "GOODBYE for now but see you tomorrow, angel of mine! I'll miss you!" She just rolled her eyes and continue walking. Hindi iyon pinansin ng dalaga at mabilis na naglakad saka pumasok ng tuluyan sa loob. Haha! akala mo, huh. Hindi ako basta susuko sa'yo Alyannah. Alam ko, mahihirapan ako pero hindi ako basta nalang titigil. Not until you finally give me a yes as an answer.

With a smile, he cheerfully drove back.

"ANONG oras na?" bungad ng tatay niya pagtapak palang niya sa pintuan ng bahay nila. "Saan kayo nanggaling ng boss mo? Ano bang klaseng business deal yang ginawa ninyo at inabot kayo ng isang araw?" dagdag pa ng tatay niya nang hindi tumitingin at hinihigop ang kanyang kape.

Ibinaba niya ang mga gamit na dala at hinarap ang ama.

"Pa, kailangan ko pa po bang ipaliwanag ang lahat ng ginagawa ko sa inyo? Bakit hindi nyo nalang po ako  ikadena sa tabi nyo, o kaya sundan nyo nalang ako nang hindi na  kayo tanong nang tanong sa kung ano ang ginawa ko at saan ako nanggaling." sarkastikong  depensa niya sa sarili. "Pero sige ho, kung talagang mapilit kayo, doon kami nagpunta sa resort niya sa Tagaytay at hindi lang kami basta nag-meeting, nag-dinner, nag-breakfast at nag-lunch din kami kanina bago umalis. Okay na po ba?" dagdag pa niya.

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng ama, at agad na siyang nagsalita, "Ah, nga po pala, sakaling gusto niyong malaman. Nag-sight-seeing di kami kanina, namasyal at namili ng mga pasalubong."

For a long while, she heard nothing from his father, she hissed and decided to walk up to her room.

"Nililigawan ka ba niyang boss mo? O baka  magkarelasyon na kayo?" walang aling na tanong ng kanyang ama. That statement cause her to stop from walking. "Hindi ka na nakasagot, ibig sabihin nililigawan ka nga. Hindi ko namalayan dalaga ka na pala, dalhin mo siya dito minsan sa bahay nang makilala ko. At huwag na huwag kang magpapaligaw sa labas ng bahay. Wala akong anak na kaladkarin. Marahil ay malaki ka na at kumikita ng pera, pero nasa puder padin  kita at tatay mo pa di ako. Kaya kung may respeto ka pang natitira sa akin, ipakikilala mo siya sa akin dito sa bahay." after that, her father went straight to the master's bedroom.

I Think I Love You{on going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon