1st Segment

4.2K 91 5
                                    

1st Segment

TANGHALING tapat nang matigilan sa kanya-kanya nilang ginagawa at nagsilabasan sa mga bahay ang mga residente ng Barangay Pabaybay nang makarinig ng kakaibang busina.

May limousine na bumabagtas sa Pabaybay main road. Huminto ito sa kalagitnaan. Lumabas mula roon ang isang magandang dalagang naka-apron ng katulong. Nagbukas siya ng payong. Kasunod na lumabas ang isang matandang sosyalin na pinayungan ng yaya.

Tulala lang ang mga tao.

Lumapit si Jose sa kanila. "Donya Nidora, kayo na ho ba 'yan?"

"Oo... Ako nga..." sagot ng matanda na para bang kakapusin ng hininga.

"Lola Nidora is back!" sigaw ni Jose.

Nagsihiyawan ang mga residente at nagsilapitan kay Donya Nidora upang batiin. Kagagaling lang nito mula sa States.

Si Donya Nidora D. Explorer ay ang pinakamayaman sa Barangay Pabaybay. Halos lahat ng nasa barangay ay pag-aari niya. May mga ari-arian din siya sa iba pang panig ng mundo. Dahil sa yaman niya ay napahaba ang kanyang buhay kaya siya ang pinakamatanda sa barangay sa edad na isandaan at limampung gulang.

Hinawi ni Jose ang mga taong nakapalibot kay lola. "Hoy! Tabi diyan. Tabi!" Nagmano siya sa matanda bilang pagbibigay galang. "Mano po, lola."

Inilahad ni lola ang kanyang kamay sa yaya. Pinunasan naman nito iyon ng tissue na may alchohol.

"Ang selan pa rin ni lola, ang tanda na maarte pa rin," iritableng komento ni Jose na kinikimkim niya sa sarili.

"Lola, natatandaan niyo pa po ba ako?" tanong ng isang malambot na binata.

"Sino kang bakla ka?" intriga ni lola.

Humalakhak si Jose. "Si Paolo 'yan, lola. Lumadlad na siya."

"Naku, Paolo, bakla ka na?"

"'Wag kayong maniwala diyan, lola," sabi ni Paolo.

"Ang laki mo na ngayon, Paolo. Masaya ulit akong makita ka, hijo..." Nagbeso ang dalawang bakla, este, si lola at si Paolo.

Bakas naman ang sama ng loob sa mukha ni Jose dahil hindi man lang nagpalinis si Donya matapos makipagbeso sa gwapong beki. Samantalang siya ay humawak lang sa kamay nito ay akala nito mahahawaan ito ng nakakatakot na sakit. Nasaan ang hustisya?

"Pero, 'la, sino 'yang kasama niyo?" usisa ni Paolo na tinuro ang babaeng naka-apron na nagwa-wackie sa selfie.

"Siya si yaya Dub."

Nasamid si Paulo sa pagpigil niya ng tawa. "Diatab?"

"Yaya Dub. Short for Divina Ursula Bukbokoba Smash..."

"Ahh... Yaya Dub," sabay na sambit nina JoPau.

"Akala ko 'yung gamot," sabi ni Paolo.

"Si yaya Dub. Siya ang aking assistant. Ang aking yaya." Bumaling si lola kay Dub. "Yaya Dub, magpakilala ka."

Tinitigan niya ng nanlalaki ang mga mata ang dalawa at nagsimula ring lumaki ang butas ng ilong niya. "Nice to meet you, where you been? I could should show you incredible things..." pagsabay niya sa hindi malaman kung saan nagmula ang tugtog ng intro ng Blank Space ni Taylor Swift, habang tumitirik pa ang mga mata at tumataas-taas ang mga kilay.

"Huh? Anong sabe?" tanong ni Paolo.

"Nagagalak daw siyang makilala kayo."

"Nagagalak? Eh, 'yung mata laging nasa taas. Nanlalaki 'yung mata at butas ng ilong. Nakakunot ang mga kilay. Nagagalak?!" inis na sabi ni Jose.

"Naintindihan mo ang sinabi niya, lola?" tanong ni Paulo.

"Oo naman..." Naglakad si lola papuntang mansyon habang nakasunod ang nagpapaypay na yaya. "O, siya, siya. Dahil sa tagal ng biyahe namin mula sa States ay pagod na kami. Papasok na kami sa aming mansyon upang magpahinga... pumasok na rin kayo 't ipagpatuloy ang kumustahan." Pumasok na ang mag-amo sa mansyon kasama sina JoPau.

Ang mga residente ay balik normal na sa kani-kanilang buhay.

Tumambay sila sa balkonahe ng mansyon.

Dahil sa pagkabagot ni lola, pinasayaw nito si Dub.

Habang gumagalaw ng todo ay hindi sinasadyang mapasulyap siya sa namataang isang makisig na binata na nasa balkonahe rin ng isang malaking bahay sa tapat ng mansyon nila. Nakamasid ito sa kanya.

Bigla siyang na-concious sa pinaggagagawa niya pero patuloy pa rin siya sa pag-indak ng eksaherado. Napansin niya ang pagngiti ng binata habang nakabaling pa rin sa kanya. Ang laging mataray niyang mukha ay nawawala. Hindi niya mapigilang mapangiti.

"Yaya, bakit para kang tangang nangingiti diyan?"

"Mukha naman talaga siyang tanga sa ginagawa niya, eh," sabi ni Jose.

"Hala. Hala. Hala. Natatawa siya, o," pang-aasar ni Paolo. "Bakit kaya?"

Napailing-iling si Dub at pilit pinapanatili ang busangot niyang mukha.

Tuluyan nang napahalakhak si Alden.

Napakaway si Dub at ngimiti na labas ang dimple. Ang uri ng pagkaway na tinatawag na pabebe wave.

Kumaway din si Alden sa paraang ginaya si Dub.

Para namang mae-epelepsy siya sa sobrang kilig.

"Akala ko never ngingiti si yaya," sabi ni Jose.

Tumayo si lola at sumulyap din sa kabilang bahay. Nasaksihan niya ang palitang malalanding tingin ng dalawa. "Ano 'yan, yaya?"

Natigilan si yaya Dub. Maririnig ang suspense soundtrack na kulog. Umiling-iling siya.

"Kararating mo pa lang dito sa Barangay Pabaybay ay lumalandi ka na? At ikaw pa ang nagpapakita ng motibo? Magpakadalagang pilipina ka nga. Hindi pwede ang ganyang asta ng isang babae!"

Nag-iirap lang si Dub.

Bumaling si lola kay Alden. "At ikaw, hindi naman halatang may gusto ka kay Dub. Kung balak ka man ay dapat iyong paraan ng sinaunang panliligaw ang gawin mo. Magsibak ng kahoy, mag-igib at kung ano-ano pa."

"Eh, paano magsisibak ng kahoy nakakalbo na ang kagubatan? Paano mag-iigib, eh may gripo na diyan, wala ng poso. Ano pang magagawa niya?" sabi ni Jose.

"Kung ganoon ay dibale na. Tigilan niyo 'yang pagiging haliparot niyo." Dinuro ni lola ng salitan ang dalawa. "Kung ganyan at ganyan lang ang gagawin niyo. Ang babata niyo pa."

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon