8th Segment

613 21 6
                                    

I 'm using third person's point of view omnicient po para 'yung mga idea, thoughts and feelings ay hindi lang nakatutok sa isa sa mga bida, pati na rin sa iba pang character ay mabigyan ng justice ang pagiging bahagi nila sa kwento.

8th Segment

Alden Richard

Our relationship went from happiness, to love, to doubt, to fights, to stress, to pain, to hate, to regrets, to memories that won't go away.

Hanggang kailan kaya ang mga pagsubok na to?-feeling umaasa with Dub Smash.

Post niya sa facebook habang nakahilata sa higaan niya at anumang oras maaari na siyang matulog pero mukhang hindi niya magagawa dahil sa labis niyang pag-iisip kay Dub. Buong araw siyang naghintay na masilayan ang iniirog ngunit walang anumang bakas ng pagpapakita nito hanggang sumapit ang gabi. Hindi na nga siguro ito hinayaang lumabas ng amo at naninindigan itong pigilan sila sa pag-iibigan.

May nag-comment sa post niya at nagtaka siya na Ramon Bautista ang pangalan niyon-isang komedyante, manunulat at propesor din ng Film sa UP Diliman ang pagkakakilala niya rito.

Ramon Bautista Ang PAG-IBIG ay parang ELEVATOR. Kung puno na, bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo? Gayong meron namang HAGDAN, hindi mo lang pinapansin.

Napaisip siya ng malalim. Makahulugan ang naging komento nito. Hindi naman niya ipinagsisiksikan ang sarili niya kay Dub. Pareho sila ng nadarama. Sadya lang humahadlang si lola Nidora sa hindi malamang dahilan. At wala naman siyang alam na ibang maaaring pumalit sa puso niya, kung meron man ay hinding-hindi mawawala at hindi niya aalisin sa puso niya si Dub.

May tila tumaliwas sa komentong iyon.

Papa Jack Bakit kailangan mo pang magHAGDAN gayong babalikan ka naman ng ELEVATOR? Kailangan mo lang MAGHINTAY.

Maganda ang punto ng DJ. Sang-ayon si Alden. Maghihintay lang siya. Mapapagod din ang pagsubok at hahayaan silang maging masaya. Mamamatay rin-este, bibigay rin ang donya at magpapaubaya ito para sa kasiyahan nilang dalawa.

May isa pang nagsegunda sa comment.

Bob Ong Bakit ako maghihintay sa ELEVATOR kung alam kong hindi lang ako ang nag-iisang taong gusto niyang isakay?

Napakunot siya sa huling komento ng misteryosong manunulat. Lumilihis na ang paksa samantalang si lola Nidora lang naman talaga ang problema. Ito lang.

Kinabahan na siya nang mabasa ang sumunod pang komento.

Donya Ina Mga anak. Hintayin niyo man ang ELEVATOR, akyatin niyo man ang HAGDAN. Kung hindi siya para sayo. HINDI SIYA PARA SAYO! At kailan pa natutong umibig ang elevator at hagdan? Paki-explain nga, Labyu!

Magla-log out na sana siya at baka katukin pa siya ng nanay niya 't sermunan pa nang biglang nag-message sa kanya si Dub. Kumislot ang puso niya.

Dub Smash

Na-confiscate ni lola ang phone ko :'( Pasikreto akong pumunta ng library at gumamit ng computer para lang machat ka

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon