7th Segment

621 25 1
                                    

7th Segment

NAKIKIPAGLANDIAN si lola Nidora kay Jimmy sa may garahe ng mansyon nang mapansin niyang hindi na naman mapakali si yaya Dub at tila may sinusulyap-sulyapan sa katapat na bahay lalo na sa balkonaheng pinagtatambayan ni Alden.

"Yaya, paniguradong si Alden ang sinusubukan mong tanawin diyan," bulong ni lola kay Dub na hindi pinapahalata sa katipan ang pagkabagsik niya.

Halos magdabog si yaya. Excited siya na malungkot. Nais na niyang makita si Alden pero hindi pa ito lumalabas sa lungga nito gayong hapon na.

"'Wag ka nang umasa dahil sa huli ay masasaktan ka lang. 'Wag masyadong mag-expect, yaya. Masakit," ani lola.

Mayamaya ay may dumaang ala riding in tandem at huminto sa tapat mismo ni lola at may iniabot na bulaklak-koronang bulaklak.

Napabaling siya kay Jimmy na malaki ang ngiti at malantod na kinikilig. Hindi alintana na animo 'y bulaklak iyon ng patay.

Nagtataka naman si Jimmy sa nangyayari pero parang nakikisakay na lang din siya.

Biglang binawi iyon ng sakay ng motor at mabilis na napaharurot ng takbo. Wrong delivery raw.

Nanggalaiti si lola pero pinipigilan niya lang. Inirapan niya si Jimmy.

Si Jimmy naman ay napakamot sa batok at pinili na lang umalis.

Si yaya Dub naman ay may sariling mundo. Pabago-bago ang ekspresyon. Kanina ay nalulungkot, naiiyak nang napapangiti na siya ngayon mag-isa at malulungkot ulit. Hindi maka-get over sa weeksary gift sa kanya na hawak pa rin niya kahit sinira na ni lola.

Hindi na nakapagpigil si lola. Parang umuusok na ang mukha niya sa galit. "'Di ba yaya, ang sabi ko bigyan mo si Jimmy ng tseke nang mabigyan niya rin ako ng bulaklak!!!"

Napataas lang ang kilay ni yaya at nagtirik ng mata.

"Aba! Ginaganyan mo na ako ngayon, ha?!" Hinigit niya ng mahigpit si Dub sa braso at dinuro-duro. "Ilang beses ko ba uulitin na hindi kayo ang para sa isa 't-isa ni Alden?! Gusto mo bang papiliin kita ngayon? Mamili ka. Ako na nagpalaki sa 'yo at nagpalamon sa 'yo buong buhay mo o si Alden na sisira sa buhay mo sa hinaharap?"

"Anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko. Nalilitong-litong lito... Sino 'ng pipiliin ko, mahal ko o mahal ako..." makabagdamdaming pagsabay ni Dub sa kanta ni Kz Tandingan.

Biglang lumabas si Alden mula sa gate nila. Sa wakas nagkalapit na ng husto ang dalawa pero hindi sa tulad ng inaasahan natin. May distansya lang ng limang metro. Kung gaano kalawak ang Pabaybay main road. Mula sa balkonahe ay nagkakatanawan na sila sa magkabilang kalsada. Kalye lang ang pagitan.

"'Cause all of me, loves all of you. Love your curves and all your edges. All your perfect imperfections. Give your all to me, I'll give my all to you. You're my end and my beginning, even when I lose I'm winning. 'Cause I give you all of me. And you give me all of you, oh..." pag-dub niya sa kanta ni John Legend. Lalapit sana siya nang magsumigaw ang donya.

"Rogelio, Rogelio!!! Pigilan si Alden!"

Biglang may sumulpot na mga lalaking mukhang bouncer at hinawakan siya sa magkabilang braso.

Si yaya Dub naman ang sumubok na lumapit pero sumigaw muli si lola. "Rogelio, Rogelio!!! Ipasok sa mansyon si yaya Dub!"

Nagpupumiglas ang dalawa upang makawala sa mga Rogelio pero sa lakas ng mga tauhan ng donya ay hindi nila makayanan ang mga ito.

Halos makaladkad si yaya papasok ng mansyon.

Naghihinagpis naman si Alden na nakikitang nasasaktan ang kasintahan. Wala man lang siyang magawa. Kahit hinang-hina na siya. Kahit hindi na talaga niya kaya, sinusubukan pa rin niya. Ngayon lang niya naranasang umibig ng tunay. Ngayon lang niya nalaman ang totoong saysay ng kanyang buhay. Hindi siya susuko. Hindi man niya magawa ngayon, panigurado sa takdang panahon tadhana ang kakampi sa kanila. Ito rin mismo ang magbibigay ng pagkakataon upang magmahalan sila ng lubos ni Dub.

"Natataranta na, natataranta na. 'Di mapakali ang isip kakaba-kaba. Natataranta na, natataranta na. Bakit nga ba may mali sa nadarama. Natataranta na, natataranta na..." pag-lip sync niya sa kanta ni James Reid.

Napatawa si lola Nidora na parang demonyo. "Kahit kailan, hindi niyo magagawang magkalapit sa isa 't-isa. Tandaan niyo 'yan. Tandaan niyo 'yan, Alden."

Napaluha na lang si Alden at hinang-hinang napabagsak.

"Sa telenovela, hindi mawawalan ng kontrabida. Pati ba naman sa Pebebe Serye, meron din?!" puna ni Antonietta na humarang sa eksena. Nakataas pa ang kilay niya. Kaunti na lang madadaig na niya si lola. "Naku, lola! Katulong mo lang si yaya Dub! Bakit sobrang apektado mo naman sa pag-iibigan ng dalawa? Kung makakontra ka wagas!!! Gwapo naman si Alden. Hindi naman siya purito. Ano bang problema?! Hayaan mo na lang silang maging masaya, pinahihirapan mo pa sila. Wala namang forever! Magkakahiwalay rin yan, hintayin mo lang. Tiwala lang."

Tinignan siya ni donya Nidora mula ulo hanggang paa."Sino ka ba?"

"Ako si Antonietta."

"Antonietta?" Lumapit si lola rito habang nagpaypay. Nagtagisan sila ng tingin sa isa 't-isa. "Antonietta ka talaga! Bakit ka ba nakikialam?"

"Dahil isa akong AlDub fan. At napipikon na ako sa paghahadlang niyo sa pag-iibigan ng dalawa." Nagpapaypay rin siya sa sarili. "Ito lang ang alam kong telenovela na may kontrahahan sa pag-ibig sa 'di malinaw ang dahilan."

"Bakit ba ang kulit mo?! 'Di ba sabi ko 'wag kang makialam, Antonietta. Hindi niyo pa talaga malalaman ang dahilan ngayon. May twist pa kami. Malalaman niyo lang... sa takdang panahon."

"Hmp! Lagi namang ganyan sa telenovela." Napaismid si Antonietta. "Sabihin mo na kasi! Ano ba ang dahilan?!!!"

"Rogelio, Rogelio!!! Bugbugin si Antonietta."

"Wait. No. I 'm just asking. No, please!!!"

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon