3rd Segment

1.6K 34 8
                                    

3rd Segement

NAGLALAKAD-LAKAD si lola Nidora sa barangay kasama si yaya Dub na nagpapaypay upang lumanghap ng sariwang hangin-na sa totoo lang ay polluted na-nang mapansin niya ang barangay kapitan na si Vic Sotto na may kausap na may edad na babae na bakas sa mukha na may suliranin.

"Ano bang nangyayari rito?" sabat ni lola.

Bumaling sina Vic, kasama si Jose na tanod, si Paolo na tsismosa at ang babae.

"Heto ho kasing si aling Karing ay lumapit sa akin dahil sa problema niya," sagot ni Vic na tinuro ang binanggit.

"Ano ba raw ang problema?"

"Eh kasi ho nababahala na ako sa asawa ko," sagot ni aling Karing. "Napapadalas kasing inaatake ng hika."

"Nasolusyunan niyo na ba ang problema nito?"

"Hindi nga ho, eh, bigla kayong sumisingit sa usapan ng may usapan," litanya ni Jose.

Napataas lalo ang mataas na kilay ni lola. "Eh, 'di kayo na!"

"Gusto niyo hong mawala ang hika ng asawa niyo? Tanggalan niyo ng baga," suhestyon ni Vic.

Sumang-ayon si Jose. "Oo nga po. Tanggalan-teka, bakit tatanggalan ng baga?" Napakamot siya sa batok.

"Para nga hindi na atakehin ng hika," sabi ni Paolo.

"Painumin niyo po ng inihaw na butiki," payo ni Jose.

"Paano iinumin ang inihaw na butiki," tanong ni Paulo.

"Kapag inihaw 'yun, mapupulbos 'yun. Ihalo lang sa mainit na tubig pwede nang gawing tsaa."

"Alam niyo, ate, natural na 'yun kapag nagkakaedad na. Nagkakaroon na tayo ng maintainance dahil humihina na ang ating katawan at ang ating resistensya kaya napapadalas ang pagkakasakit natin. Sa pagkakaalam ko ay walang malinaw na pag-aaral tungol sa inihaw na butiki na nagpapagaling 'di umano sa hika. Wala akong alam tungkol sa medisina hindi tulad ng aking apo na si Doktora Dora. Salapi lang kasi ang meron ako."

"Wow, ang yabang. Sige nga, bigyan niyo nga siya ng pera. Pambili nila ng gamot," hamon ni Jose.

"Magkano ba ang gusto mo?" tanong ng Donya kay Aling Karing.

"Kahit magkano po."

Dumukot si lola sa Mercedes Benz niyang wallet at binigay ang perang papel kay aling Karing na nagkakahalaga ng beinte pesos.

Napabulalas si Jose. "Ang kuripot naman ni lola."

"Bakit beinte lang ang binigay niyo?" tanong ni Paolo.

"Eh, sabi niya kahit magkano, eh."

"Ang mabuting gawin niyo, ate, kumonsulta ho kayo sa doktor. Sila nang bahala sa problema niyo. Wala na kasi si Doktora Dora. Nasa Africa na, sinasagupa ang mga mababangis na hayop makahanap lang ng gamot," sabi ni Vic.

Sumimpatya naman silang lahat.

"Sige po, salamat po sa mga payo," sabi ng ale.

"May natutunan?" tanong ng kapitan.

"Wala!"

Napaismid si Jose. "Mawalang galang na lumayas ho kayo."

At umalis na nga ang problemadong ale na humingi ng payo ngunit walang natutunan.

"May namamataan ako," wala sa sariling biglang sabi ni lola Nidora.

"Ano 'yon?" halos sabay na tanong nila.

"Sino?" Tulala si lola. Nakatingin sa kung saan.

"Sino???"

"Sino ang lalaking iyon na makisig at kay gandang ginoo."

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon