10th Segment

854 22 4
                                    

Recommended story: Supposed to Be... Captivating Neighbors . Thanks po sa mga nagbabasa. #AlDub

10th Segment

NAGING epektibo nga ang mga gamot ni Doktora Dora. Nawala ang pagmamahal ni Dub kay Alden. Hindi na niya magawang hanap-hanapin ang kasintahan o maisip man lang ito. Tila bumalik siya sa dating siya bago niya nakilala ang lalaki. Normal na yaya na muli siya ni lola Nidora. Inaalagaan ito sa ospital. Sumasayaw ng eksaherado upang mapagaan ang pakiramdam ng amo.

Si Alden naman ay kinulong ni Donya Ina sa kwarto nito dahil sa kakaibang inaakto nito. Madalas ay tulala, minsa 'y naninira ng kung ano mang makita nito. Tila hindi na siya makilala at ang mga nasa paligid nito. Pinag-iisipan na nga niya kung dadalhin na ito sa mental hospital kapag lumala ang sira nito. Ang laki ng ipinagbago nito. Dahil iyon sa mga pinainom ni Doktora
Dora. Ang sinumpang halik ng assuming na pating na pinulbos at nilagay sa capsule.

Katapusan na ba ng kanilang pag-iibigan?

Halos tapos nang malinis ni Dub ang buong mansyon at ngayon nga ay nasa nakabukas na garahe siya nag-aayos habang sumasayaw ng Fantastic Baby ng Big Bang para positibo ang mood.

Samantala, naghanda si Donya Ina ng makakain ni Alden. Nang pagbukas niya ng pinto ng kwarto nito ay bigla naman itong nawala sa sarili. Napatakbo ito palabas ng bahay.

Nag-panic naman siya at hindi malaman ang gagawin.

Pagtawid ni Alden sa Pabaybay main road ay saktong pagdaan ng isang sasakyan at muntik na siyang tumilapon kung hindi lang iyon agad huminto kasabay ng mahabang busina.

Papitlag na napabaling naman si Dub sa pinagmulan ng nakakabinging busina. Sa isang kotseng nakahinto sa gitna ng kalye na may lalaking halos nakasampa sa harap niyon.

Napatuon siya ng tingin sa lalaki.

Awtomatiko namang napabaling si Alden kay Dub at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Matagal silang napatitig sa isa 't-isa hanggang sa may napagtanto mula sa kaibuturan ng kanilang utak. Nakadama sila ng pamilyar na pakiramdam. Pakiramdam na hindi matukoy at maipaliwanag. May mga eksenang mabilis na dumaan sa kanilang isipan. At iyon na pala ang badya ng pagbabalik ng mga alaala, ng nararamdamang pag-ibig para sa isa 't-isa.

Tila slow-motion na napalakad sila palapit sa isa 't-isa. Sa wakas, ito na ba ang pagkakataon upang lubos maipadama sa isa 't-isa ang kanilang pagmamahalan? Lulubusin na nilang sunggaban ang pagkakataon at baka hindi na mangyari pa.

"When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?"

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso..."

Bago pa sila tuluyang magkalapit ay naharangan na sila ni Doktora Dora na bumaba mula sa kotseng minamaneho ng Rogelio na muntik makaaksidente kay Alden.

"Alam niyo, gusto ko kayong rekomendahan ng gamot. Makahiya! Herbal medicine. Lunas sa mga plastik at makakapal ang mukha!"

Hihigitin sana ni Dub si Alden ngunit napigilan siya ni Dora. Nagtangka rin si Alden na kunin si Dub nang ang Rogelio na ang humawak sa kanya. Nahawakan din ng Rogelio si Dub at pinaglayo sila.

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon