9th Segment

643 23 3
                                    

Kakagawa ko lang ulit ng book cover. -MaristMolleda

9th Segment

"IKAW ang pag-ibig na binigay sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw..."

"God gave me you to show me what's real. There's more to life than just how I feel. And all that I 'm worth is right before my eyes, and all that I live for though I didn't know why..."

"Habang-buhay, ikaw at ako ang magkasama, sa hirap at ginhawa habang buhay, pangakong ikaw lang walang iba..."

"And, darling, I will be loving you 'til we're 70. And, baby, my heart could still fall as hard at 23. And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways, maybe just the touch of a hand. Well, me - I fall in love with you every single day, and I just wanna tell you I am..."

"Tama na 'yang pagda-dubsmash na 'yan!" sigaw ni lola Nidora mula sa gitna ng kalsada nang marindi na kina Alden at yaya Dub na naglalambingan sa magkatapat na balkonahe. "Puro na lang kayong Twekilay-Twekilay. Dalingay-dalingay. Nakakairita na talaga!"

Si Dub ay tila naiirita na rin sa amo. Ano ba naman kasing problema ng matandang ito upang labis na makialam sa pagmamahalan nila ni Alden. Tama nga si Antonietta. Isa lang naman siyang katulong nito. Ano ba naman siya kay lola? Oo, napamahal na ito sa kanya pero nakakapagtaka ang matinding pagtutol nito. Ang OA na masyado.

Hindi pinansin ni Alden si lola bagkus ay nagawa pa niyang magsulat sa papel ng pagpapahayag niya ng pag-ibig kay Dub at walang alinlangang ipinakita rito.

AlDub Forever <3

Namilipit naman sa kilig si Dub at nagawa rin niyang tugunin ang binata katulad ng ginawa nito sa pamamagitan din ng sulat.

Walang makakapigil saten! ;D

"Fansign lang love na agad? Text-text lang kayo na?" lintanya ni lola Nidora. "Ano ba naman klaseng pag-ibig na kalandiang pabebeng 'yan?!"

Si yaya Dub ay nilalabi lang ang mga sinasabi ni lola kaya si Alden naman ay tawa ng tawa, hindi alintana ang pananakot ng matanda.

Napansin naman iyon ni lola na ikinaubos ng pasensya niya sa dalawa lalo na kay yaya. "Matigas na talaga ang ulo mo!" dumadagundong na sigaw niya habang nakapamewang pa. "Dahil lang sa lalaking 'yan!" Tila nahihingal siya. "Natatandaan niyo naman ang paulit-ulit kong sinasabi, hindi ako titigil hangga 't hindi nasisira ang pagmamahalan niyo! Babala!!!" Biglang siyang nanginig hanggang sa tuluyang bumuwal.

Nag-panic si yaya Dub. Sa sobrang panic ay muntik na siyang tumalon ng terrace sa nais na agad makaalo kay lola.

Ang mga Rogelio naman ay naghanap ng masasakyan at ang nakuha nila ng walang paalam ay karo ng patay at sa likod niyon isinakay ang donya upang dalhin na sa ospital.

Umaandar na ang sasakyan at hindi na iyon maabutan ni Dub. Napasalampak tuloy siya sa sahig at halos magdabog. Nag-aalala siya sa amo.

Dahil ito sa 'bawal' na pag-ibig nila ni Alden. Hindi niya alam kung sino ang sisisihin. Kung sarili niya ba dahil sa ipinaglalaban niya ang nilalaman ng kanyang puso, o ito mismong si lola na trying hard sa paghahadlang at masyadong pakialamera?

Bumaba rin si Alden mula sa balkonahe.

Naalarma naman si lola mula sa karong hindi pa tuluyang nakakalayo. Napadilat siya. Napabangon siya ng kaunti mula sa posisyong higang pampatay. "Rogelio, Rogelio, Rogelio, Rogelio!!! 'Wag hayaang makapaglapit si yaya Dub at si Alden!" At muli siyang nawalan ng malay.

Hindi pa nakakalapit ng todo si Alden nang harangin ng dalawang lalaki.

Tumayo si Dub at lalapit din sana sa binata pero nahawakan na siya ng dalawang Rogelio at ipinaglayo sila.

Nagpupumiglas silang dalawa. Si Dub ay halos mag-ala karate kid na. Nagpa-flying kick pa para makawala pero waepek. Si Alden naman ay nagawang bugbugin dahil sa pagmamatigas niya.

Nangamba si Dub at mangiyak-ngiyak. "Kunin mo na ang lahat sa akin, 'wag lang ang aking mahal. Ikamamatay ng puso ko, 'pa sa aki 'y inagaw mo siya..." pagsabay niya sa kanta ni Angeline Quinto.

"I'd catch a grenade for ya
Throw my hand on a blade for ya. I'd jump in front of a train for ya. You know I'd do anything for ya. I would go through all this pain. Take a bullet straight right through my brain. Yes, I would die for you, baby. But you won't do the same..." pag-dub pa rin ni Alden kahit habang pinapaulanan siya ng suntok at sipa.

"How do I live without you? I want to know. How do I breathe without you? If you ever go. How do I ever, ever survive?" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Dub.

Halos matumba na si Alden kung hindi lang siya hawak ng mga bouncer ay bagsak na siya sa sahig. Duguan na ang gwapo niyang mukha. "Too young to dumb to realize... That I should have brought you flowers, and held your hand. Should have gave you all my hours if I had a chance. Take you to every party 'cause all you wanted to do was done. All of the things I should have done, when I was your man..." pag-lip sync ulit ni Alden. Kung wala lang humahadlang, siya mismo ang mag-aabot ng mga nais niyang iregalo sa nobya habang hawak niya ang kamay nito. Sa lahat ng oras ay kasama ito. Magkasama silang sumasayaw sa anumang okasyon dahil alam niya kung gaano kagaling at kahilig ni Dub ang pagsasayaw. Sana magawa nila. Sana pagkatapos ng mga pagsubok ay kayanin pa niya.

May biglang dumaan sa gitna ng kalsada. Maikli ang buhok na hanggang baba na may bangs, pink ang damit at orange naman ang maikling shorts. Ube ang sukbit na backpack at may tulak pang karitong naglalaman ng kung ano-ano. Hindi siya si Rodora X. Plorer o si Boobay. Si Doktora D. Explorer na naglakad pabalik galing Africa. Ang doktor na apo ni lola Nidora D. Explorer.

"Ola!" pagbati ni Doktora. Ipinarada niya ang cart niya saka siya nagpatalon-talong naglakad habang hawak ang sukbit na bag na iniikutan sina Dub at Alden. "Backpack, backpack! Backpack, Backpack!" Huminto siya sa harap ni Dub. Hindi halatang naiinis siya rito. Sadyang plastik lang siguro siya. "Inatake si lola dahil sa 'yo. Ano bang kalokohan ang ginawa mo?"

Hindi makatingin ng diretso si Dub. Nagi-guilty siya sa nangyari.

Bumaling si Doktora kay Alden. "Hala! Ang dami mong sugat sa mukha."

Binitiwan ng Rogelios si Alden.

Lumapit si Doktora sa kariton niya at may kinuhang maliit na botelya, bulak at tila kapsula saka dinaluhan ang nanghihinang binata. Nilagyan niya ang bulak ng kung anumang laman ng botelya sa sugatang mukha nito. Saka niya pinainom ang kapsula rito, ng walang tubig. Diretso lunok.

Lumapit naman si Dora kay Dub na binitiwan na rin ng Rogelio. "May pasalubong ako galing Africa." May kinuha siya sa bag.

Tinanggap naman ni Dub ang inilahad nitong isang bottled drink. Sa sobrang stress niya ay ininom niya ang laman niyon kahit hindi maganda ang lasa. Pagsuri niya sa bote ay may nakalagay na picture ni Doktora!

Nahulaan naman ni Dora ang kwestyong tumatakbo sa utak ni Dub. Kung ano bang brand ng pasalubong niya rito.

"Alam mo ba kung ano 'yan at kung para saan?"

Umiling si Dub.

"Gawa 'yan sa Tinunawi Longus Meneses Naenae Pitch Perpektus o tinunaw na ilong ng namanas na reyna ng anay na na-impeach."

Napakunot lang si Dub. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

Napatawa si Dora na pinipilit gayahin ang demonyo. "Para saan 'yan at anong epekto niyan? Ang kasalukuyang nararamdaman mo ay kinabukasan mawawala. Mahal mo si Alden ngayon, bukas hindi na. At ang kapsulang pinainom ko naman kay Alden ay nagngangalang 'Sumpangis Kisititus Potassium Selachimorpha' o sa common name nitong Sinumpang Halik ng Assuming na Pating na pinulbos at nilagay sa capsule. Nakuha ko pa 'yun sa Red Sea. Ang epekto niyan ay masisiraan siya ng bait. Hindi na niya makikilala ang mga taong nasa paligid niya, lalo na ikaw, Dub." Kinuha niya ang sample ng mga pinainom niya sa mga ito. "Garantisadong effective 'yan dahil original. Paano malalamang original?" Inikot niya ang capsule at bottled drink. "With my picture."


Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon