6th Segment

728 30 1
                                    

May magbasa lang, sapat na. May nagbo-vote and comment pa. Sobra na. Salamat. ^_^ Dahil diyan, 'yung rankings pasulpot-sulpot. Pa-read na rin po ng iba kong story. Salamat po ulit.

Siya nga pala. Phoebe read as Fu-bi-one of the characters not with the GMA talents. Base from the considered as "pabebe girl". Credits.

6th Segment

"LOLA!!!" bulalas ng isang dalagita na humahangos ng yakap kay donya Nidora pagkababa sa nakasalubong nilang taxi.

"Phoebe Girl, apo, kumusta na? Na-miss kita," masayang pagbati ng matanda.

"Mabuti naman po. Na-miss ko rin po kayo..."

Nagkakwentuhan sila habang nag-iikot-ikot sa barangay at binibilhan ni lola ng kahit ano ang paborito niyang apo bilang pag-welcome dito. Bumati rin dito ang mga residente.

Matagal na nawalay sa isa 't-isa ang maglola dahil sa tagal na pananatili ni lola Nidora sa States at si Phoebe naman ay nag-aaral sa unang taon ng kolehiyo sa kabilang siyudad. Dahil hindi na busy ang labing pitong taong gulang na dalagita ay nagawa nitong makabisita sa barangay Pabaybay.

"Lola, ganito kumain ng mamon." Kinagatan ni Phoebe ang mamahaling mamong ibinili sa kanya ng lola. Napapikit siya sa sarap niyon habang nilalasap ang taglay niyong sarap. "Hhmmm... Sharap!"

"Impressive, Phoebe. Impressive, apo." Napalakpak pa si lola sa animo 'y tutorial ng apo na ginaya naman niya. Pabebe mode pero kay lola? Ang saklap ng hitsura.

At oras na naman ng kilig moment ng AlDub. Muli ay nakatambay na naman si Alden sa balkonahe, pinagmamasdan ang kanyang irog.

Kilig to the max naman si yaya na napapaugoy pa nang sa wakas ay nakita niyang muli ito na kanina pa niya inaabangan. Sinamyo niya ang nanunuyot na bungkos ng bulaklak at teddy bear na yakap din niya na iniregalo sa kanya ng kanyang bebe. Hindi niya magawang bitiwan iyon sa sobrang pagpapahalaga niya. Maging sa pagtulog ay katabi niya ang mga iyon.

"Ano ba 'yan, yaya?! Natatamaan ako. Ilayo mo nga 'yan," sigaw ng matanda dahil natutusok siya ng balot ng boquet. Agad siyang kumalma dahil ayaw niyang masira ang imahe sa harap ng apo.

Napaismid lang si yaya at bumaling na lang kay Alden sa halip. "'Di makatulog sa gabi sa kaiisip. Sa diwa ko 'y ikaw ang aking panaginip. O, bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko," pag-dub niya sa kantang Kaba ni Tootsie Guevarra.

"Baby you light up my world like nobody else,the way that you flip your hair gets me overwhelmed. But when you smile at the ground it ain't hard to tell, you don't know, oh oh. You don't know you're beautiful," sagot naman ni Alden sa kanta ng One Direction.

"'Ayan na naman kayo sa malalanding dubsmash niyo." Inagaw ni lola ang bulaklak at teddy bear at inihagis sa maalikabok na semento. Sinipa-sipa pa niya iyon.

Nataranta naman si yaya Dub at mangiyak-ngiyak sa ginawa nito. Agad niyang pinulot ang mga regalo at pinagpag ang dumi.

Habang abala siya sa paglilinis ng mga hawak niya ay napasulyap si Phoebe kay Alden at kumaway.

Tinugon din naman iyon ng binata na kumaway rin.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay magkababata ang dalawa dahil nga sa pareho silang residente ng kinalakihang barangay. Pero hindi naman sila gaano ka-close.

Hindi naman nakalagpas iyon sa mata ni yaya Dub at tila nairita siya sa ginawa nilang iyon. Napabusangot tuloy siya.

"'Nang ma inlove ako sa'yo 'kala ko'y pag-ibig mo ay tunay. Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay..." Kanta ng Salbakuta na Stupid Love na ni-lip sync ni Dub.

Nag-walk out siya. Hindi niya mapigilan ang hindi kaaya-ayang damdamin na umusbong sa kanya. Bahala sila sa buhay nila. Magpapalipas muna siya ng sama ng loob.

Nanatili siya sa isang park at doon nagdrama nang may lumapit sa kanyang dalawang dalagita.

"Hoy, balita ko, lumalandi ka kay Alden."

"Oo nga. Kabago-bago mo pa lang dito. Katulong ka lang naman, 'di ba? Bakit ang assiumera mo?"

Nagtataka naman siya sa inaasta ng mga ito. Hindi niya alam ang tinutukoy ng mga ito. Hindi naman niya kilala ang mga ito.

"Hi, kami ang pabebe girl," sabay nilang sabi.

"At wala kayong pake kung... kung mga pabebe man kami sa mga... video namin. At wala kayong karapatan dahil nanonood lang kayo," sabi niyong morenang babae.

"Tama! Kaya 'wag kayong mangenge-elam, kasi kahit sino man kayo, walang makakapigil sa amin," pagsegunda naman ng walang kilay.

"Taman na 'yan!!!" pagmamakaawa ni Dub.

"Walang tama, tama!"

"Walang makakapigil sa 'min. Manahimik ka!"

"Tama na 'yan. Tigilan niyo na 'yan." Pailing-iling si Dub.

"Talaga, manahimik kayo dahil, wala talaga kayong karapatan na-maki-a-pake-elam sa 'min. Tandaan niyo 'yan."

"Dahil buhay namen to- manahimik ka, oh! Walang makakapigil sa amin!!!"

"Kung gusto niyong sumikat sa video, mag-gumawa din kayo ng sarili niyong video!"

"Kung gusto niyo, gayahin niyo kame, wala kayong pake!!!"

"Hoy, anong nangyayari rito?" untag ni Vic Sotto na nakaunot ang noo. Nag-iikot-ikot siya sa barangay bilang tungkulin niya nang mapuna sina Bhivie at Warla. Lalo na hindi kasama ni yaya ang amo.

"Ah, wala po nagda-dub smash lang po kami," pagsisinungaling niyong Bhivie.

Nagmadaling umalis si Warla hila-hila si Bhivie na tila wala silang ginawang kalokohan.

"Anong problema, yaya?"

Napanguso si Dub "Why you gotta be so rude. Don 't you know I 'm human, too. Why you gotta be so rude..."

Napakamot si Vic sa batok. "Puntahan na natin si lola. Walang interpreter, eh. 'Di kita maintindihan."

Napilitang bumalik si Dub.

Sa wakas ay nagpakita rin si Jose. "Opo. Dala pa rin ni Dub ang nabubulok nang bulalak na bigay sa kanya ni Alden noong weeksary nila pero sinira ni tanda. Dumating si Phoebe Girl na apo ni lola Nidora. Nakipagkawayan lang kay Alden ay LQ agad sila. Nag-walk out ang yaya. Sinugod ng Pabebe Warriors. Ano pa ba ang susunod na mangyayari. Lalong nagiging kapana-panabik ang mga kaganapan sa pag-iibigan nila Alden at yaya Dub sa Pabebe Serye. Subaybayan 'yan. Ito lang ang linya ko sa kabanatang ito dahil abala ako sa sarili kong lovelife. Ako po si Gasgas Avelgas, nag-uulat sa... Tuko."

MaristMolleda: Kapag tinopak nga naman. Sinasaltik, eh. Wala tuloy matinong nasulat. Keep reading po, salamat.

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon