2nd Segment

2.3K 52 5
                                    

2nd Segment

DAHIL sa pagbabalik ni Donya Nidora sa Barangay Pabaybay mula sa States ay nagseremonya ang mga residente sa mainroad ng barangay. Nagkaroon ng kasiyahan, tugtugan, videoke, sayawan at kainan. Hinanda ng mga residente pero si lola rin naman ang gumastos.

Si Jose ay nasa buffet table kasama ng iba pang patay-gutom. Hakot kung hakot ng kinakain. Sarap na sarap sa nilalamon niya.

Kabaligtaran ni Paolo. Nakaupo lang siya at bahagyang sumasayaw. Kahit gusto niyang kumain ay ayaw niya dahil nagda-diet siya. Conscious kasi siya sa pangangatawan niya.

Si lola Nidora ay tahimik lang sa sulok. Hindi kumakain. Hindi sumasayaw. May rayuma na kasi siya. Health conscious pa siya. Kapag kumain kasi siya ng mga nasa table, baka hindi na magpatuloy ang seryeng ito dahil wala na ang pangunahing kontrabida.

Si yaya Dub naman ay sumasayaw kasama ang iba pang residenteng umiindak. Awtomatikong gagalaw siya kapag may tugtog. Hataw kung hataw. Pati mukha niya sumasayaw rin.

Nang mapansin niya si Alden sa terrace ng isang bahay ay nakatunghay pala ito sa kanya. Nag-iwas agad siya ng tingin dahil sa pagkailang sa kabaliwan niya. Nawala tuloy ang facial expression niya habang sumasayaw dahil sa pagkakilig.

Napasulyap ulit siya at nagpabebe wave. Nagpabebe wave din si Alden.

Matapos ng kasalukuyang kanta ay tumugtog naman ang "Twerk it Like Miley". Napa-dubsmash si Alden habang sumasayaw sa balkonahe. Gumigiling-giling pa siya.

Kinilig si yaya Dub na para bang may cerebral pulsy pero patuloy pa rin siya sa pagsayaw.

Nagpabebe wave na naman sila sa isa 't-isa ng paulit-ulit. Ang gwapo talaga ni Alden. Kahit saang anggulo. Nakaka-inlove. Lalo na kapag lumalabas ang dimples. Eh, may dimples din si Dub kaya bagay silang dalawa.

"Yaya Dub!!!" Tumunog ang suspense sound effect kasabay ng sigaw ni lola Nidora at paghinto ng tugtog.

Natigilan din ang lahat sa pagsayaw kasi imbis na hiphop song ang tumutugtog ay horror soundtrack ang maririnig.

"Kaya pala wala ka sa tabi ko dahil lumalandi ka kay Alden! Humaharot ka na naman!!!" Lumapit siya kay yaya na may sama ng mukha.

Nakatutok ang lahat sa madramang eksena nila.

"Kasalanan ko ba kung iniibig kita, 'di ko naman sinasadya..." pag-lip sync ni Dub sa kanta ni Toni Gonzaga.

"Oo! Pag-ibig agad? Eh kakakilala niyo pa lang. At ang babata niyo pa kaya."

"Kahit bata pa ako, alam kong minamahal kita..." Todo emote pa si yaya habang sinasabayan ang kanta ng Aikee.

"Bakit? Ilan taon pa lang ba si yaya?" pagsingit ni Jose na lumapit sa dalawa dala ang platong puno ng pagkain habang nagkakamay pa sa pagkain.

Nautal si lola dahil hindi niya yata matandaan ang edad ni Dub. "Ilan taon ka nga ulit, yaya Dub?"

"One, two, three... One, two, three, drink. Throw 'em back, 'til I lose count... I 'm gonna swing from the chandelier... From the chandelier..." Chandelier ni Sia ang sagot ni yaya habang tumitirik ang mata at ine-expise ang gilagid.

"Anong sabe?" Lumapit din si Paolo na nakikiusyoso na rin.

"Twenty years old pa lang siya," mataray na sabi ng donya.

"Nagkakaintindihan talaga kayong dalawa, ah," komento ni Jose.

Humirit si Alden. "And, darling, I will be loving you 'til we're 70... And, baby, my heart could still fall as hard at 23... And I'm thinking 'bout how people-"

"Tama na 'yan! Tama na 'yan!!!" Dinuro ni lola ng pamaypay si Alden. "Tigil-tigilan mo na ang pambibilog sa ulo ng yaya ko. Hindi niya tuloy nagagampanan ang trabaho niya mula nang magkatagpo kayo. Alden, ngayon pa lang sinasabi ko sa 'yo, hindi kayo nararapat sa isa 't-isa."

"Anuman ang sabihin nila, ika 'y patuloy kong mamahalin..." pagsabay ni yaya sa kantang "Dahil mahal kita" by Boyfriend.

Sinabunutan ni lola si Dub. "Ikaw, ha, hindi ka titigil, ah. Hindi ka titigil?"

"Hi!" Biglang may nagsalita sa microphone. "Mukhang nagkakasiyahan tayong lahat, ah. Aba, syempre. Dapat lang dahil kasiyahan nga ito para sa pinakagurang sa ating barangay." Si Lala Itera, ang organizer ng event ngayon. Malaki ang ngiti niya habang bumabati sa mga tao. "Sige lang. Ipagpatuloy niyo lang. Walang basagan ng trip. Kinukumusta ko lang kayong lahat, eh, kasi nga ako ang nag-organize ng kasiyahan. Enjoy kayong lahat!" Lumapit si Lala kay Donya. "Hi, lola. I missed you." Nakipagbeso siya sa matanda.

"Kumusta, Lala, hija?"

"Okay lang po. Ang ganda niyo ngayon, ah. Iba talaga nagagawa ng make-up. Nalilipat ang kilay. Ganyan na lang kayo forever, ha. Ay, I also noticed your hairstyle. Ang ganda. Unique. Kasi kayo lang ho ang nakita kong walang patilya."

Napatango lang si lola na tumitirik ang mata.

Bumaling si Lala kay yaya. "Uy, 'di ba ikaw si yaya Dub? 'Yung bagong muchacha ni Donya Nidora. Anong buo mong pangalan? Divina Ursula Bukbokoba Smash? Ang unique! Kakaiba talaga kasi sino ba naman ang magbibigay ng ganoong pangalan sa isang tao? Ano kayang tumakbo sa isip ng mga magulang mo at ipinangalan sa 'yo 'yun? Siguro na-stress sa 'yo nu'ng niluwal ka."

Iniwasan na lang ni Dub ng tingin si Lala baka kasi masampal niya ito. Well, ang expression niya ay usual. Nakabusangot.

"Ay, akala ko matangos ang ilong mo. Malaki lang pa 'yung butas ng ilong mo. Kissable ng lips mo, ah. Well, ganu'n talaga siguro kapag malaki ang bunganga mo. Anyway, balik tayo sa eksena kanina. Ano bang nangyayari rito, lola?"

"Ito kasing si yaya. Kay bata-bata pa ay lumalandi na kay Alden."

"Naku, lola. Okay lang naman 'yun. Hayaan niyo na lang po. Wala namang forever, eh. Sige, gogora na 'ko, ha. Aasikasuhin ko pa kasi ang mga pagkain. Alam kasi natin na mabibitin lang ang mga palamuners. Enjoy po." Umalis na rin sa wakas ang babaeng plastik.

"Lala Itera talaga," pag-dub ni yaya sa linya sa bubble gang.

"Kahit walang forever, hindi ko pa rin hahayaan ang pag-iibigan niyo." Tinignan niya si Alden na nanlalaki ang mata, ilong at bunganga. "Kaya, Alden, tandaan mo 'to... Babala..."

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon