5th Segment

991 32 2
                                    

5th Segment

HINDI pa tirik ang araw ay mata naman ni yaya Dub ang nakatirik, as usual. Paano 'y umagang umaga ay lumalandi na agad si lola Nidora sa gitna ng kalsada samantalang si Dub ay hindi, nagkakaundagaga sa pag-aasikaso sa kanya imbis na kalambingan si Alden. Ni hindi pa nga nakakakain at nakapagmumog ang matanda dahil inuna pa si Jimmy. Isipin na lang natin ang hitsura niya na bagong gising.

Lalo naman ang ka-"M.U." niya na wala pang pang-itaas na damit at naka-boxer lang! Wala man lang anumang ayos sa katawan. Kay aga ay hinaharana ni Jimmy ng kanta ng sinaunang Tom Jones ang katipan.

"Sex bomb, sex bomb, you're a sex bomb. You can give it to me when I need to come along. Sex bomb, sex bomb, you're my sex bomb, and baby, you can turn me on..."

Dahil isa ngang alalay si yaya Dub ay natural na agad agad ay nakaayos na siya ng sarili upang maasikaso naman ang amo. Pero kahit siguro hindi siya mag-ayos ay maganda pa rin siya.

Mayamaya ay may dumaan at napahintong motor na may angkas na dalawang lalaking nakaitim na leather jacket. Animo 'y riding in tandem. May dala silang bungkos ng bulaklak at malaking teddy bear na iniabot kay yaya Dub.

"Ano 'yan?" tanong ni lola na may kuryosidad nang mapuna iyon.

"Obvious naman, 'di ba? Nakikita niyo naman," sabat ni Jose na nasa malapit na karinderya at lumalamon nang nagkakamay.

Hindi pinansin ni lola si Jose. "Kanino galing?"

Hindi sumagot ang riding in tandem bagkus ay humarurot na sila agad.

"Bastos!" inis na lintanya ni donya.

Biglang sumulpot si Alden mula sa terrace. Tila automatic na napalingon ang dalaga in slow motion at kumikinang ang kahabaan ng kanyang hair. Nagpabebe wave ang binata sa dalaga.

Kilig na kilig naman si Dub at tinugunan din ng kaway na pabebe.

May binuklat na malaking kung ano si Alden at isinampay sa balkonahe at lumantad ang nilalaman ng malaking banner.

HAPPY WEEKSARY MY BEBE DUB <3

Nagsihiyawan at tilian ang mga nakasaksi niyon. Kilig moment naman kasi talaga lalo na 't weeksary na pala nila!

Hindi naman nakakibo si lola Nidora kahit na malupit na pagpipigil ay wala siyang nasabi. Nainggit yata siya. Lalandiin niya na lang sana muli si Jimmy nang biglang naglaho ito. Baka kasi mapasubo ito. Noon na siya nagpuyos ng galit dala ng pagkainggit.

"Weeksary? Eh, saktong isang linggo pa nga lang tayo rito, ibig sabihin ay nagkaroon na talaga kayo ng relasyon, sa ganoong kaikling panahon? Anong kalandian 'yan?!" singhal ni lola.

"Hindi naman na kailangan pang patagalin ang ligawan basta ba magtatagal ang relasyon," sabat ni Paolo na nakatambay rin sa karinderya na kanina 'y nakikipagtsismisan sa tindera.

"Sino nagsabi?" tanong ni Jose.

"Si Pablo."

"Pablo...?"

"Balesteros. Pablo Balesteros."

"Paolo Balesteros 'yun! Ikaw 'yun, 'di ba?"

Kumumpas ng daliri si Paolo na may asim pang ekspresyon sa mukha. "Iba 'to."

"Hindi. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Pablo Balesteros." Nagpalakad-lakad si lola habang nagpapaypay. "Dahil noong unang panahon, ginagawa ng lalaki ang lahat sa matagal na panahon ng panliligaw at pagsuyo upang makamit ang pag-ibig ng babae."

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon