4th Segment

1.1K 45 3
                                    

4th Segment

Alden Richard

Kasaysayan ng pag-ibig...

Sinimulan ni Eba at Adan,

Sinalaysay ni Florante at Laura,

Itutuloy nating dalawa...

Post ni Alden sa facebook. Sa pagka-famous niya dahil sa kagwapuhan niya ay marami namang nag-like. Iyon na lang ang tanging nagagawa niya imbis na makipaglandian-—este, makipaglambingan kay Dub.

Hapon na pero sa araw na iyon, hindi pa niya nasisilayan si Dub. Hindi siya mapakali dahil nais na talaga niya itong makitang muli. Hinintay niya rin itong mag-online. Pero wala ang pangalan nito na online sa chatbox niya. Ang amo lang nito ang namataan niya kanina. Marahil nga ay tinotoo ng matanda ang babala nitong pigilan ang pag-iibigan nila.

Hindi niya maintindihan kung bakit pinagbabawalan sila ng amo ni Dub sa pagtitinginan nila. Ni hindi nga siya makalapit ng kahit isang metro dahil sa humaharang agad ang donya. Hindi pa tuloy niya nahahawakan ang dalaga o kahit masdan man lang ng malapitan ang kagandahan nito. Parang may kirot tuloy sa puso niya na isipin pa lang na baka nga hindi na sila maaari pang mag-ibigan.

Alden Richard

Masaya naman ako kahit wala ka... Sumusobra lang kapag nandyan ka na...

Sana makita ulit kita. Hindi lilitaw ang dimples ko kapag wala ka.

Nagtungo ulit siya ng balkonahe pero walang Dub na nagpakita sa kanya saan mang panig sa lugar. Ano na kayang nangyari rito?

"Habang buhay, ako sa 'yo 'y maghihintay. Umaraw man,! umuulan, hindi sasablay. Pintado sa 'king puso pag-ibig na tunay," pagsabay ni Alden sa kanta ng commercial ng pintura. Pakiramdam niya 'y naghihintay siya ng maraming dekada. Isang araw sa kanya ngayon ay katumbas na ng forever.

Hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng kanyang ina na si Donya Ina.

"Anak, kailangan ba talagang i-post sa fb ang mala-teleserye mong love life? Tingin mo ba magiging maayos ang lovelife mo kapag nalaman ng mga tao ang problema niyo ng syota mo? Tingin mo ba may pakialam ang mga tao sa inyo? Eh, mas malaki pa nga ang problema ng ibang tao kaysa sa lovelife mo. Anong pag papapansin 'yan? Paki explain. Labyu!!!" sermon ni Donya Ina.

Napakamot sa batok si Alden.

"'Nak, minsan sa buhay natin makakatagpo ka ng taong magbibigay kahulugan sa buhay mo at mamahalin mo ng sobra-sobra. Ang masakit lang do'n, 'nak, hindi mo malalaman kung hanggang kailan siya magtatagal sa buhay mo. Nothing is permanent, kung may permanent man, eh, 'yun ang pagbabago. Ang magagawa mo lang ay mahalin siya hangga 't may pagkakataon. Angkinin mo hanggang gusto mo pero kapag dumating na 'yung time na binawi na siya sa 'yo, matuto kang bumitiw. 'Yun bang kahit gaano mo ipaglaban ang pagmamahalan niyo parang wala pa ring tamang nangyayari. Puro problema na lang na hindi mo mapipigilan ang humahadlang sa inyo." Bumuntong hininga siya. "Naisip mo ba, 'nak? Tadhana man ang naglapit sa inyo, maaaring tadhana rin ang makapagtatakda ng paghihiwalay niyo. Ipaglaban mo man ang taong mahal mo kung ayaw na sa 'yo at kung magiging komplikado lang ang lahat, hindi masamang mag-give up, anak. Oo, mahirap. Wala namang nagsabing madali. Pero 'di ba, 'nak mas mahirap kung ipagpipilitan mo pa 'yung hindi na pwede? Pwede ka pa rin namang magmahal. 'Yung pagmamahal na kahit hindi na kayo pwede, masaya pa rin kayo para sa isa't-isa." Tinitigan siya ng matiim ng ina. "Na-explain ko na. Lab yu."

May katwiran ang kanyang ina. Pero alam pa rin niya na hangga 't maaari, maipaglalaban pa niya ang itinatangi niya. Pero iniisip pa rin niya hanggang ngayon kung paano. Saglit pa lang niya nakikilala si Dub. Una pa lang niya itong nakita ay may namuo ng kakaibang damdamin sa puso niya. Kakaiba siyang babae. Hindi ito takot pumangit sa pinaggagagawa nito sa mukha nito, pero dahil doon ay lalo itong gumaganda. Pinapasaya nito ng labis ang puso niya. Ngayon niya na-realize kung paano nabubuo ang isang araw.

Hindi na siya nakasagot pa sa ina hanggang sa umalis na ito at hinayaan siyang magsenti.

Natigilan siya nang may mamataan siya sa terrace sa tapat na mansyon. Si Dub na nagwawalis doon.

Napangiti na siya ng malaki.

Tila slow motion naman na napabaling sa kanya si Dub na may sparkling effect pa sa paligid with sound effects din.

"Sabi nila kapag inlove ka, tumitigil ang mundo mo," pag-lip sync ni Dub sa linya ni Nadine Lustre sa pelikulang Hopeless Romantic saka literal na natigilan siya kahit ang paghinga niya ng sampung segundo lang naman.

Nagkatitigan silang dalawa. Nagpabebe wave sa isa 't-isa at may flying kisses pa.

"When I see your face, there's not a thing that I would change. 'Cause you're amazing, just the way you are," pagsabay ni Alden sa kanta ni Bruno Mars.

Sumagot naman si Dub ng, "Ikaw ang mahal ko, ikaw ang mahal kong tunay na tunay. Ang laging panaginip ko 'y tanging ikaw," na kanta ni Pelita Corales.

"Mahal, mahal na mahal kita. Hindi ako magbabago asahan mo ito..." naman ang hirit ni Alden na kanta ni Jake Vargas.

"Habang buhay ikaw at ako ang magkasama, sa hirap at ginhawa. Habang buhay," tugon ni Dub na kanta ni Yeng Constantino.

"Hoy, yaya Dub!!!" sigaw ni lola Nidora na mula sa kalsada sa tapat ng mansyon nang mapansin na naman ang dalawa. "Ang sabi ko maglinis ka, hindi lumandi kay Alden!"

"Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito," pag-dub ni yaya.

"Ah, gano'n? Matigas talaga ang ulo mo? Hintayin mo 'ko diyan." Pumasok ng mansyon si lola at ilang saglit lang ay nasa balkonahe na ito.

Nangamba si Alden para kay Dub kasabay ng horror sound effects.

Sinabunutan ng matanda si yaya Dub. Mangiyak-ngiyak naman ang dalaga habang sinasaktan nito.

Wala namang magawa si Alden kundi ang awatin si lola at magmakaawa rito sa pamamagitan lang ng sigaw ng hinagpis.

"Binalaan kita, Alden, nang makailang ulit bawat segment ng istoryang ito pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nadadala. Mamili ka ngayon, ikaw ang masaktan o si yaya Dub. Kasalanan mo kung bakit nagiging makasalanang babae siya. Kasalanan mo kung bakit nangyayari ang ganito. Nagkakalayuan kami ng loob dahil sa 'yo." Dinuro-duro niya si Alden na nanlilisik ang mata. "Uulit-ulitin ko 'to, Alden. Uulit-ulitin ko. Babala..."

Biglang umeksena si Jose at nag-ala Gas Avelgas siya ng Soco sa kabilang channel. "At natunghayan na naman natin ang madramang eksena ng pag-iibigan ni Alden at yaya Dub. Hanggang kailan hahadlang si lola Nidora? Anong dahilan ng paghahadlang ng matanda? Hanggang kailan mahihirapan ang dalawa? Kayo ang sumagot niyan dahil ako ang nagtatanong. Kung gusto niyo ngang malaman, eh, 'di magbasa kayo sa susunod na kabanata ng Pabebe Serye na kwentong pag-ibig ni Alden Richard at yaya Dub. Ako po si..." Hinaplos niya ang pisngi niya. "Gasgas Avelgas at ito po ang kamukha ni lola Nidora... Tuko."

Credits sa quotes at lines ni Donya Yna.

Salamat sa pagbabasa, lalo na sa votes at comments. Pati na rin sa nasiyahan sa bawat kabanata. Sana patuloy kayong magbasa. ^_^

Pabebe Serye (AlDub FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon