Unexpected Feelings

48 2 1
                                    

"Kami na ni Shaina ang o-order, dyan na lang kayong nga boylet" tapos tumayo na si Ron at shaina and then pumunta sa counter.

We are here now sa The Yard for our lunch.

"Pre, san lakad mo mamaya after nito?" Tanong ni nytstrom sakin.

"Wala, sa bahay lang ako. Medyo masakit yung ulo ko!"tapos hinawakan ko yung noo ko.

Sumabat naman si Jackson. "What the fuck men! Dont tell me, si shaina dahilan ng pagsakit ng ulo mo? Wag muna paka isipin men! Tapos na yun, saka mukang back to normal na naman sa inyo ang lahat dito?"

Napakunot naman ako sa sinabi ni Jackson. "Gago! Hindi yun no! Masakit lang talaga ulo ko."

Nagtawanan naman ang dalwang ungas na tila di kumbinsido sa sinasabi ko.

"Pero,seryoso pre. Wala na talaga yun sa inyo? I mean look.." Tapos umakbay si Nytstrom sakin. "Di ba you two were bestfriends noon and then nagka gap kasi nga umamin sya sayo na gusto ka nya."

Hinagip ko naman yung basong may lamang tubig na nasa lamesa namin and then lumagok ng isa. "Pre, wala na talaga yun sakin, 1 year na rin halos, back to normal na ang lahat. Malinaw na naman pati sa kanya na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. May babae na ginagawang girlfriend at bine bestfriend"

Pumalakpak naman yung dalwa. "Grabe pare! Hugot yan ah, pero GIRLFRIEND? baka GIRLFRIENDSSSSS, makapasalita ka parang seryoso ka sa mga babae mo ah!"

Napatawa naman ako sa lakas ng biro ng dalwa."Ulol! So pinapalabas nyo na chickboy ako? Wag ganun pre! Friendly lang ako sa mga babae" tapos di ko napigilan na di tumawa.

Binatukan naman ako ni Jackson."Wow ha!? Umayos ka nga Gelo! Naririnig mo ba yang sarili mo? Friendly? Sa babae? Di friendly tawag dun men!"

"Eh ano?" I ask him.

tumawa muna si Jackson bago magsalita. "Kalandian pre!"

Di ko naman napigilan na di matawa sa kabaliwan ng 2 kung kasama.

Maya maya pa ay dumating na yung order namin. At sa kalagitnaan ng pagkain namin, nagulat kaming lahat sa pag taas ng kamay sabay wave ni Nytstrom, dahilan para mapatingin kaming lahat sa direksyon kung san sya nakatingin.

"Guys tara kain tayo..Libre ni Gelo!"

Sina Joy, Marian, Grace,Nhel, Alex at Ysa pala, nakatingin sila samin habang nakangiti dahil sa pag alok ni nytstrom.

Medyo kumunot naman yung noo ko, habang nakatingin sa 6 na babae, dahil nga rin sa narinig ko kay nytstrom na libre ko daw.

Di nyo na itatanong, medyo kuripot ako! Kaya hanggang biro na lang yung panlilibre na sinasabi ni nytsrom.

Nagtama na naman ang mata namin ni Joy habang nakakunot pa rin ako. Tapos binaling ko ulit yung atensyon ko sa pagkain.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain hanggang sa makatapos kami.

"Men, Will go ahead na." Tapos sumakay na sa kani-kanilang kotse yung dalwa kong kaibigan.

"Oy! Gelo..pwede bang sayo na sumabay itong bestie ko? Magkikita kasi kami ngayon ng boyfriend ko" malanding wika ni Ron, habang nakatingin sa salamin ng sasakyan ko at nagme-make up.

Nagkatinginan naman kami ni Shaina, pero nag look away naman kaagad ako. "Oh! Sya sige! Ihahatid ko na lang sya sa kanila."

"Ay! Thank you Gelo, youre so sweet talaga."tapos yumakap sya sa kanang braso ko.

Inalis ko naman kaagad yung pagkakayakap ng bakla kong kaibigan sa braso ko at napakamot na lang. "Sige na! Alis na kami."

Hinampas naman ako bigla ni ron. "Ito namang si Gelo, ang sungit sungit! Sige na babush na!" Tapos nagbeso sya kay Shaina. "Bye bestie, see you tomo."

Imagination ng LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon