"Good morning ma! Bye alis na ako"
Tapos dire-diretso na ako sa pinto."Teka! Anong oras ka uuwi?" Pahabol ni mama before ako makalabas ng pinto.
"Text ko na lang kayo. Birthday ni Shaina mamaya, kaya baka gabihin ho ako" tapos dali-dali na akong sumakay ng kotse.
10:00am pa naman ang klase ko, kaya I decided na dumaan na lang muna sa Flowershop.
"Hi, Sir Goodmorning. Welcome po" bati ng isang babae na nag aarange ng bulaklak sa labas ng shop.
Nagpalinga linga ako, at naghanap ng magandang bulaklak.
"Sir? Kayo po pala. Bouquet po ba ulit? Gaya pa rin po ba ng dati?"Tanong sakin ng isang employee ng flowershop.
"Ah, Oo bouquet" tapos binaling ko ulit yung atensyon sa mga bulaklak.
Suki na ako ng flower shop na ito kasi dito ako madalas bumili kapag binibigyan ko si mama at swag ng flowers twing valentines, birthday, mothers day.
"Miss, isang bouquet nga ng pink roses, saka lagyan muna rin ng konting white at 3 pcs. Na black roses. Pa-add na rin ng asters"
Agad naman isinulat ng babae ang mga sinabi ko at inayos ang bulaklak.
"Sir gelo, ano po ang kulay ng wrapper?" She ask.
Napahawak naman ako sa baba ko sa pag iisip. "Hmmm..violet at pink na lang siguro"
Inayos naman ng babae ang bulaklak at after 10 mins. Tapos na yung bouquet.
"Sir, yung card po? Ano po ilalagay natin?" Tapos kumuha ng ballpen yung babae. Akmang magsusulat sa card.
"Ah, ako na yung magsusulat ng ilalagay sa card" pigil ko sa kanya. Tapos inabot ko na yung bayad.
Sumakay na ko ng kotse at inilapag ang bulaklak sa passenger seats.
After 20 mins. Nakarating na rin ako ng school. Nagdadalwang isip akong bitbitin ang bulaklak dahil medyo awkward.
Binilisan ko na lang ang lakad dahil late na ako ng 5mins.
"Sir! Sorry Im late" Wika ko sa prof. Namin pagkabukas na pagkabukas ng pinto.
Nabigla naman ako sa nasabi ko dahil di ko naman ugali na magsorry sa prof. Kapag late na ako.
"Its okay mr. Cinco! Para kanino ba yang bulaklak na dala mo?"usisa nya.
Napatingin naman ako sa bouquet na hawak ko, tapos napatingin sa mga classmate ko na mukang nagulat rin.
Napakamot na lang ako sa ulo sabay hawak sa batok. "Ehh..wala sir." Tapos naupo na ako sa upuan ko.
"Hoy! Men! Para kanino ba yang dala mo na yan?" Tanong ni Jack.
"Basta men! Malalaman mo rin mamaya."
Natapos ang klase, at sabay sabay na kaming tumayo nila nyt sa upuan.
"Pre! Para kanino ba talaga yang bulaklak na yan?" Tapos inakbayan ako ni Nyt at naglakad na kami sa hallway.
"Ah..itong bulakbulak, para kay....." Bigla naman akong natigilan ng makita ko si Joy na kasalubong namin kasama si Shaina.
Bahagya naman akong siniko ni Jack. At pabulong na nagsalita "Para kay Joy ba yan men?"
Nilapitan ko naman kaagad silang dalwa.
"Ah...eh..ano?" Tapos napahawak na naman ako sa batok ko dahil nahihiya ako. Pangalwang beses ko pa lang kasi mag aabot ng bulaklak in person. Una kina mama at Swag at pangalwa, yung ngayon.
BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Short StoryIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...