"Tagay pa! Kaya pa yan!"
Wika ni Nyt sakin habang inaabot ang shot glass na may lamang alak.
9:00pm na ng gabi at may 3 hours na rin kami halos umiinom dito sa bahay nila Shaina. Pool party.
"Pre, ayoko na!" Pagtanggi ko kay nyt dahil hindi ko na talaga kaya.
"Grabe naman men, nakaka dalwang case pa lang tayo oh! " pilit ni Nyt.
"wag muna pilitin, badtrip yan kasi di pa nadating yung hinihintay nya" tapos sabay akbay sakin ni Jackson.
Tinanggal ko naman yung pagkaka akbay nya sakin, saka ininom yung tinagay na shot glass ni Nyt. "Oy! Baliw! Wala akong hinihintay"
Tumawa lang yung dalwa at umiling. "Wag nga kami pre!" Wika ni nyt.
Tumayo na ako dahil, ayoko ng pag usapan ang bagay na yun. Mahirap na baka kung anong masabi ko. "Bahala kayo. Dyan na kayo" tapos tumayo na ako at pumasok na sa bahay nila Shaina.
Kasalukuyan namang nagkakantahan sila sa loob, at nagsasayawan.
"Oh! Gheeeeloo...Uuwi ka na?" Tanong ni Shaina na medyo may tama na.
"Ahh, hindi magpapahangin lang ako jan sa labas"
"Halika ka gheeelo, sayaw tayoooo" tapos hinila nya yung kamay ko.
Pinigilan ko naman sya. "Hindi, ayoko..di ako marunong sumayaw"
Pinilit pa rin nya akong hilahin papunta sa mga taong nag sasayaw sa salas nila.
"Tara na, birthday na birthday ko, taposh..tatanggihan mooo ko?"
At again, pinigilan ko ulit sya. "Mamaya na lang, kapag ano..kapag di na ako nahihilo" yun na lang ang nasabi ko para tumigil na sya sa pangungulit kahit na wala naman talaga ako balak sumayaw.
"Shabi mo yan ha? Syaaaa tagay muna"
Tapos iniabot nya sakin ang isang bote ng beer.Tiningnan ko lang yung bote na hawak nya..nagdadalwang isip akong kunin dahil naliliyo na nga ako.
"Oh! Wag mo shabihin na tatanggihan mo pa rin to?"
I have no choice kaya kinuha ko na yung beer tapos lumabas na ng bahay.
May swing sa garden nila sa harap ng bahay kaya dun ako pumuwesto. Maganda na ring lugar para magmuni muni kahit na medyo dinig pa rin yung ingay mula sa loob.
Wala pa akong 15 minutes na naka upo habang umiinom ng beer, ng biglang may mag door bell. Pinilit kong maglakad kahit na liyong liyo na ko para buksan yung gate.
(0.0)
Bigla yatang nawala yung pagkalasing ko ng isang segundo ng makita ko ang taong nag door bell.
"Oi! Gelo. Abot pa ba kami?" Joy ask kasama si Ysa, Marinela, Marian, Shai, Cess, Grace, Romer, Kev, at Cedi.
Napahawak naman ako sa batok ko bigla dahil nakaramdam ako ng kaba.
"Ah, oo naman. Pasok."
Tapos pumasok na sila sa loob, then sinara ko na yung gate.
"Kanina pa kayo nag start?" Marian ask.

BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Short StoryIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...