"Oh pre! San ka galing pre?" Tanong ni Nyt habang nakahiga sa kama.
"Ah! Wala pre! Nagpahangin lang" nakangiting sabi ko, habang hawak yung tenga ko.
"Asus! Men, sinungaling! Yang mannerism mo kasi minsan pigilan mo! So ano nga? May dapat ba kaming malaman?" Natatawang sabi ni jackson habang nakahiga na rin sa kama at balot ng kumot.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na di mapatawa dahil kilalang kilala na ako ng mga kaibigan ko. "Eh, wala..wala pre, nag..nag usap lang kami ni....ni...Jo..Joy." Nauutal ako dahil medyo nahihiya ako.
Napabalikwas naman yung dalwa mula sa pagkakahiga. Tila gulat na gulat! (O,o) "Seryoso pre? Nag usap talaga kayo? Nag sorry kana?"
Ngiti na lang sa mga labi ko ang isinagot ko sa dalwa kong kaibigan.
Binato naman ako ng unan ni Jackson. "Langya ka! So, nagsorry ka nga?"
"Oo! Ano bang masama sa pag sosorry?" Natatawa pa rin ako tapos naupo na ako sa kama ko.
"Ikaw ba yan? MATTHEW ANGELO DONQUE CINCO? humingi ng tawad? For the first time?" halos di makapaniwala si Nyt.
"Baliw! Sige na tutulog na ako inaantok na ko!" Dahilan ko sa kanila para maiwasan na rin ang maraming tanong.
"Teka! Teka muna men! Magkwento ka muna, first time mo mag sorry! At yung gelo na kilala namin, alam kong di marunong mag sorry, pero ngayon? Anong nangyari?" Mapang asar na tanong ni Jack sakin.
Medyo natigilan din ako sandali, at napaisip.
Bakit nga ba ganito? Hindi ko naman ugali na humingi ng tawad sa kung sino kahit pa alam ko na kasalanan ko. Bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko ngayon.
Natauhan ako bigla ng pumalakpak ng isang beses si Nyt sa muka ko. Hindi ko na namalayan ang paglapit nya sakin. "Hoy! Ano na? Kwento muna!"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala nga pre! Nag sorry lang ako sa kanya sa mga ginawa ko sa kanya noon at saka kanina. Yun lang." Tapos humiga na ako.
"Letche ka pre! Iba na yan! Ngayon ka lang nag approach sa babae, at nag sorry ka pa! Sabihin mo lang samin kung gusto mo si President at tutulongan ka namin ni Jack!" Diretsahang wika ni nytstrom tapos tumawa yung dalwang unggoy.
"Sira kayo! Matulog na nga kayo!" Tapos nagtalukbong na ako ng kumot.
Pilit namang tinanggal ni Nyt yung kumot ko. "Pero seryoso pre! Sabihin mo lang, may number ako ni Joy!" Asar ni nyt bago pumunta sa kama nya.
Nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot. At napangiti na lang. Nakatulog na lang ako sa paulit ulit na flashback sa isip ko nung moment na nag usap kami kanina at niyakap ko sya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Tok! Tok! Tok!"Nagmulat yung mata ko, at biglang bumalikwas sa kama. Nagtanggal muna ako ng muta bago pihitin yung door knob.
Nagkusa na akong bumangon, dahil alam kong sya yung kumakatok.
"Goodmorning." Nakangiting bati sakin ng babaeng nasa harapan ko. Na nakasuot pa ng pantulog na damit.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at tila pinagpawisan ako kahit na sobrang lamig naman.
BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Short StoryIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...