"Guys! Feel free lang. Treat ko na to sa inyo para sa darating na Birthday ko. So...tara na, lets light up the bonfire"
Panimula ni klenn. At sinindihan na nya yung bonfire.Nandito kami ngayon sa tabing dagat, at nakabilog sa isang bonfire habang nagbabangi ng hotdogs, mallows, at Isda.
"So, guys. Lets play a game" yaya ni Amiel. Si amiel, ang joker ng klase.
"Ano namang game yan? "Tanong ni Jack, na mukang interesado.
"Spin the bottle" tapos bahagyang inilagay ni amiel ang bote sa gitna.
"Nagpapatawa ka ba pre o marami ka ng nainom? May apoy oh! Pano matatapatan yung iba?" Tanong ni Nyt na tumutungga ng bote ng beer.
"Pre! Watch and learn. Kung san direkyon tumapat eh di yun. Kahit pa may harang" paliwanag ni Amiel.
"Ang luma naman ng laro mo pre" Biro ni Klenn habang naka akbay sa girlfriend nya.
"Oy! Iba to. Lahat tayo sa-shot ng isa, paikot. Pero after uminom, magpapaikot ka ng bote na to, at kung sino matapatan iinom rin, pero 3 shots.gets?" Paliwang ni amiel sa mechanics.
di ko naman napigilan na di magtanong. "Eh, pano kung sa pag ikot mo ng bote sayo ulit mapatapat? So iinom ulit?"
"Exactly pare! Matira matibay sa game na to!"Tapos nag shot ni si Amiel at nagpa ikot ng bote.
Sa minamalas na pagkakataon, sakin napatapat yung bote, kaya kailangan ko mag shot ng 3 beses kaagad.
"Go men! You can do it" Cheer ni Jack.
Napailing na lang ako, habang nagtatawanan silang lahat. Bago ko inomin ang unang shot at sumulyap muna ako kay Joy na kasalukuyang tumatawa rin.
"Gulp--gulp--gulp"
Sunod sunod kong ininom, at napailing na lang ako sa tapang ng alak.
"Oh! Gelo, ikaw na magpaikot" tapos inabot sakin ni amiel yung bote.
1
2
3
"Hahahahahahahaha, kanina tinatawanan mo ko, ikaw naman ngayon men!" Bulyaw ko kay jack na mukang masama ang loob dahil sya yung natapatan ng bote.
Di naman nagpatumpik tumpik ni JAck at ininom rin kaagad ang alak.
7 bote na ng alak ang nauubos namin, at yung iba ay mukang may mga tama na.
"Oy...Matthew Angelo Cinco..I--ikaw na ulit.." Wika ng lasing na si Marj.
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil nakakaramdam na rin ako ng pagkaliyo. Tapos uminom ako ng 3 shots.
"Paikotin muna ang bote pre, yung last na matapatan 8 shots ha, tapos tutulog na tayo" Sagot ni klenn habang nakahiga na sa buhangin, dahil lasing na rin.
"Okay, here we go..."
Tapos pinaikot ko na yung bote...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Joy yung natapatan.
(0.o)
.
.
.
.
.
"Oy..ang..pre...se..dente pala natin ang lucky..wi..winner ah." Natatawang wika ni Kev.Napatingin naman ako kay JOy na nakasandal na sa balikat ni Marinela dahil mukang may tama na rin.
"Oy! Iba na lang, mukang di na kaya ni Joy." Nag aalalang wika ni Alex.
BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Short StoryIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...