Nagising ako sa dahil sa flash ng camera at sa tawanan na naririnig ko.
Dahan dahan kung minulat yung mga mata ko habang nakakunot yung noo.
At saka ako tumingin sa kung sino man ungas ang nagpicture sakin.Nakatulog na pala ako ng nakaupo, sa pagbabantay kay Joy.
"Oy! Pre! Gising na! Alas Cinco na! Pack up na. Tent nyo na lang ng prinsesa mo yung di pa nalilikom"
Tapos pinapatuloy ni nyt yung pagkuha ng pictures.Napatingin naman ako sa natutulog na si Joy. At sinalat ko sya kung mainit pa.
"Naks naman! Naging nurse ka pala kagabi men!" Asar naman ni Jack na nakasilip sa labas ng tent.
"Baliw! Mataas kasi lagnat kagabi. Sige na, gigisingin ko na si Joy. Mauna na kayo." Pagtaboy ko dun sa dalwa.
"Sige na nga! Baka makaabala pa kami. Hintayin ka na lang namin sa parking lot pre" tapos umalis na si nyt at Jack.
Pagkaalis nung dalwa ay binaling ko ang tingin ko sa natutulog na si Joy. At ginising ko na sya.
"Joy, bangon na. Tayo na lang naiwan dito." Medyo inuga ko ng konti yung braso nya.
Di naman ako nahirapan na gisingin sya. Nagmulat kaagad sya at nag inat and then naupo.
"Anong oras na?" Tanong nya sakin.
Tumingin naman ako sa wrist clock ko para tingnan ang oras. "5:25 na"
Tumingin naman sya sakin bigla. "Gelo, thank you sa pag aalaga kagabi ha. Di ka na yata nakatulog eh?"
Ngumiti naman ako sa kanya. "Wala yun, nakatulog naman ako. Nakaupo nga lang. Sige na, ayosin na natin tong tent. Kanina pa nila tayo hinihintay."
After naman makapagpack up. Nagpunta na kami sa parking lot. At kasalukuyang naghihintay si Jack at Nyt.
"Sina Ron at Shaina?" Tanong ko dun sa dalwa.
"Naku men! Umuna na. Antok na antok na daw kasi si Ron, dun na rin sumabay si Shaina" sagot ni Jack habang nag yoyosi.
"Si Joy, sasabay ba sayo?" Tanong naman ni Nyt.
Napatingin naman ako kay Joy na katabi ko. "Sabay ka na sakin. BGC rin naman uwi mo diba?"
Napakamot naman sya sa ulo nyo, at halatang nahihiya. "Naku! Hindi..wag na, magba-byahe na lang ako. Nakakahiya naman"
Napakunot naman yung noo ko. "Hindi, sumabay kana sakin. Hatid na kita, baka mabinat ka pa" tapos binuksan ko na yung pinto ng passengers seat.
Tumawa naman ng nakakaloko si Nyt. "Sige na Joy! Mukang uulan rin oh"
Napatingin naman kaming apat sa langit. Makulimlim nga.
Pumasok na si Joy sa Kotse ko. Tapos si Nyt at Jack ay sumakay na rin sa kanya kanyang kotse.
I started the engine and begin driving.
Nawala naman yung concentration ko sa pagda-drive at sandaling napalingon kay Joy ng nagsalita ito.
"Ah, gelo! Bukas ko na lang ibibigay itong Jacket mo. Lalabhan ko na muna. Kahihiya kasi..nagamit ko"
Muli naman akong sulyap sa kanya bago magsalita. "Hindi,wag na. Palalabhan ko na lang samin"
"Hindi! Ano ka ba. Kakahiya kaya. Puro pawis ko na to ih!" Pagpipilit nya.
"Ano ka ba? Okay lang yun! Di naman ako maselan na tao, saka ikaw naman yung..yung gumamit eh" nakangiti ako habang sa pagdadrive naka focus.
BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Short StoryIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...