Nandito kaming lahat ngayon sa garden. Nakabilog sa isang bonfire. Masayang nag aasaran, at nagku kwentuhan.
"Guys! Guys! Tara kanta tayo" yaya ni Kev na may hawak na gitara.
Pumayag naman ang lahat, at nakisabay. Pinangunahan naman ni Alex ang pag kanta
"Sandali na lang, maaari bang pagbigyan....
Aalis na nga, maaring bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang yung mga ngiti...sana ay masilip."
Napasulyap naman ako kay Joy na katapat ko na busy sa pakikipag kwentohan kay Marian at Ysa.
"Wag kang mag alala, hindi ko ipipilit sayo, kahit na lilipad ang isip koy
Torete sayo..."
Nagulat naman ako ng sikohin ako ng katabi kong si Nyt. "Hoy! Pre! Baka naman matunaw!" Natatawang pang aasar nya. Dahil nahuli nya akong nakatingin kay Joy.
Nag deny naman ako, kahit na alam ko naman kung ano yung tinutukoy nya. "Ha? Matunaw? Ang alin?sino?"
"Sino pa nga ba? Ikaw pre! Wag ka ngang in denial jan!" Tapos tinuloy na nya yung pagsabay sa kanta.
Napatawa na lang ako sa sinabi nya.
"Ilang gabi pa nga lang. Ng tayoy
Pingatagpo...na parang may tumulak,
Nanlalamig nangiginig na ako ohhh"
Tila tumalon naman ng bahagya ang puso ko ng sa pagsulyap ko kay Joy eh saktong tumingin din sya sakin.
"Akala ko nung una, may bukas ang ganito...
Mabuting pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo..."
Umiwas naman ako bigla ng tingin sa kanya dahil ayokong may isipin syang kung ano dahil nahuli nya akong nakatingin sa kanya.
"Torete....
Torete.....torete ako.....
Torete....torete...torete sayoooo"
"Guys...guys..Si joy naman ang kakanta" turo ni Marian sa nahihiyang si Joy.
"Naku, hindi..hindi ako marunong kumanta" todo tanggi naman sya.
"Asus! Eh sa SROX nga kumakanta ka!" Pilit pa ulit ni marian.
(srox, isang karaoke bar)
Nakatingin lang ako sa kanila habang may hawak na stick at naglalaro ng apoy.
So marunong pala syang kumanta.
Mga 1:00am na ng magkayayaan kaming matulog.
8:00am ng umaga ay nasa harapan na kaming lahat ng bus. Isa-isa ng inaakyat ang gamit at Handa na para umalis.
"Hoy! Pre baka naman matulongan mo pa si Joy! Ang daming dala oh!" Bulong sakin ni nyt.
Napatingin naman ako kay joy na biyabit na ng gamit. May hilang maleta, pag dalang back pack at isang hand bag.
Lalapitan ko ba o hindi? Tutulongan ko ba o hindi? Pero nahihiya ako!
Lumapit ako sa kanya para tulongan iakyat yung gamit nya since naiakyat ko na yung akin.
"Ah...eh..tulongan na kita" alok ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Historia CortaIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...