Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko, tapos nagtanggal na rin ng muta.
Nag inat inat ako. At napatingin sa babaeng nakahiga sa tabi ko na tanging braso ko ang nagsisilbing unan nya.
Tulog pa rin sya. Gigisingin ko na ba sya o mamaya na lang? Pero sana di na lang natapos yung gabi na sya yung kasama ko.
Hinagip ko sa bulsa ko yung phone ko, gusto ko syang kuhanan nga picture na kasama ako at this moment para kahit pano ay may remembrance kami ng moment na to.
"Click"
Haist. Gagawin ko tong wallpaper ng laptop ko. Sa posisyon namin habang nakahiga sa buhangin, pakiramdam ko girlfriend ko sya.
"Hmmmm...."
Dahan dahan nyang minulat yung mata nya. At nag unat unat. Dali dali ko namang ibinulsa yung phone ko at nagtulog tulogan.
"Umaga na pala..." Medyo husky yung boses nya.
"Ay....sheeet...." Tapos ramdam kong bumangon sya. At sa tono ng boses nya, mukang nagulat sya. Malamang di nya akalain na sa braso ko sya nakaunan tapos magkatabi kami.
"Naku...naku..hmmm...gelo" tapos bahagya naman na inuga nya ako.
"Hmmmmmm" pakunwari kong babagong gising.
"Naku! Gelo, sorry..sorry..di ko kasi sinasadya,di ko alam" Natatarantang wika ni Joy habang nakaupo sa tabi ko.
Bumangon naman ako at naupo rin.
Medyo nag kunot ako ng noo.
"Ha? Bat ka nagsosorry? Para san?" Tanong ko sa kanya.
"Eh, kasi ano..kasi, nakatulog na pala ako na katabi ka tapos..ginagawa ko pang unan yang braso mo" medyo takot na paliwanag nya. Hindi sya sakin makatingin ng ayos.
Bahagya naman akong napangiti.
Ang kyut nya kapag natatakot sya.
"Ano ka ba? Okay lang yun. Ihahatid pa sana kita kagabi sa room nyo. Kaso di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako." Paliwanag ko sa kanya
"Ah..ganun ba? Sorry talaga. hmmm...tara na? Baka hinahanap na nila tayo." Yaya nya sakin sabay tayo, ngunit sa pagtayo nya ay mukang naliliyo pa rin sya. Mukang may hang over pa talaga. Kaya natumba sya at napa upo ulit.
Kaya naman agad ko syang inalalayan.
"Dahan dahan kasi." Tapos itinayo ko na ulit sya. Umakbay naman ako sa kanya para maalalayan sya sa paglakad.
Sana, lagi ko syang naakbayan ng ganito.
"Lakas mo uminom kagabi ah." Pabirong sabi ko sa kanya. Habang akay akay ko sya at naglalakad kami papunta sa main lobby ng hotel.
Napangiti naman sya. "Hindi ah...ikaw nga dyan. Thank you rin, kasi sinalo mo yung dapat ako yung iinom."
"Wala yun. Muka kasing di muna kaya kagabi. Inom ka pa ng inom" seryosong sagot ko.
"Ah eh kasi....."
"Hala! San kayo galing kagabi? Nawala lang kayo, pagbalik nyo dito, kayo na kaagad ni president?" Sigaw samin ni Amiel na nakaupo sa sofa ng lobby.
Napatingin naman ako sa kanya mula sa pagkakatingin sa kausap ko na si Joy. Nagulat ako dahil lahat ng classmate namin ay nasa lobby at nakatingin saming dalwa.
Punyemes! Di na namin namalayan na nasa lobby na pala kami, dahil sa pagku-kwentohan.
"Ha? Anong kami ka jan! Gutom lang yan pre!" depensa ko.

BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Short StoryIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...