Unexpected Feelings

16 1 2
                                    

"Mr. Cinco! Himala at hindi ka late ngayong araw!" Bati sakin ni sir Aldin pagkapasok na pagkapasok nya classroom.

Napatawa ng lang ako sa prof. Ko.

"Oo nga men! Ang aga mo ngayon? Ano nakain mo?" Takang tanong ni Jack na katabi ko.

"Maaga kasi akong nagising." Pagdadahilan ko sa kanya.

Nagpalinga-linga ako ng pasimple sa classroom namin. Ngunit yung taong hinahanap ko ay wala pa rin.

"Pre! Chill lang! Darating din yun, na late lang siguro." Pang aasar ni nyt sakin sabay kuha ng notebook at ballpen nya sa bag nya.

"Darating sino? Wala naman ako hinihintay!" Napahawak na naman ako sa kanang tenga ko.

"Ulol! Ako pa niloko mo? Gusto mong ipagsigawan ko dito na gusto mo yung pre....?" Bulyaw nya sakin.

Tinakpan ko naman kaagad yung bibig nya.

Napatingin naman yung mga classmate namin dahil sa malakas na boses ni Nyt.

"Shhhhhh...ano ba! Wag kang maingay! " saway ko sa kanya.

Sabay naman kaming napatingin ng may pumasok bigla sa pintuan.

May sakbit na back pack, at may folder na bitbit. As always naka eye glasses.

Si joy..

"Sir, sorry Im late." Tapos pumunta sya sa upuan nya habang nakayuko. Halatang nahihiya.

Sinundan ko naman sya ng tingin.

Kriiiiiiiing......

End of class.

Nandito kami ngayon sa office ng club ko. At kasalukuyang nagsisimula ng training.

"Guys, yung lenses nyo okay na ba?"Tanong ng nag o-orient na si Shaina.

Nakatingin lang naman ako sa ginagawa nya. Hinayaan kong sya na lang yung magsalita sa unahan dahil yung ibang members hindi maka focus sa ginagawa nila kapag ako yung nagsasalita.

"So sa positioning, may right angle ang pagkuha ng shots!So una ganito" tapos inilustrate ni Shaina kung paano gawin

Kinalabit naman ako ni Ron. "Ang galing ng bestie ko no? Masipag na,maganda na, mabait na matalino pa. "

Napatawa naman ako pinagsasabi ni Ron pero alam ko naman na totoo. "Yes, she really is...and.."

Sumabat naman si Jack. "But,hindi sya yung type nitong si Gelo" tapos tinapik nya yung balikat ko habang tumatawa ng nakakaasar.

"What?...anoooooo? meron naaaaaa? Sinooooo?" Gulat na gulat na tanong ni ron.

Seryoso lang yung muka ko habang nakatingin sa kanya. "may sinabi ba si Jack na meron? Ang sabi lang nya hindi si Shaina yung tipo kong babae"

"Ay! Oo nga no? Shunga ko! Pero meron na ba?" Tanong ulit ni Ron.

Napakunot na lang yung noo ko dahil nakukulitan na ako sa kanya. "Alam mo! Tulongan muna lang dun si Shaina, dali na!" Tapos tinulak ko sya ng bahagya.

Inirapan naman nya ako bigla. Tapos sinamahan ng si Shaina sa mag o-orient.

Pagkaalis ni ron mula sa tabi ko, saka ko ibinaling yung tingin ko kay Joy na busy na busy sa pagsilip sa camera nya.

Ang simple lang talaga nya. At parehas pa kami ng hilig. Photography.

Natapos ang session.

At ito ako ngayon, nasa kwarto..nagche-check ng notification sa FB ko.

Imagination ng LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon