Nagsimula na yung first session. Nasa room kami in which Naka upo kaming lahat sa sahig at naka form ng U-shape tapos si prof. Yung nasa gitna
"Okay guys and girls, listen up! Alam kong di kayo sanay sa ganitong gawain, yung seryosong usapan, sharing, at siguro yung iba iisipin na kaartehan at boring lang itong retreat na to, pero believe it or not guys, malaki ang maaring mabago sa personalidad nyo" panimula ni sir Aldin
.
.
.
.
.
Nakikinig naman ang lahat at mukang seryoso sa nga mangyayaring activity ngayong gabi. Except me. Tiningnan ko si Jackson at Nytstrom na katabi ko, gustohin ko man na kulitin sila ay di ko magawa dahil mukang pati silang dalwa gustong makinig sa prof. Namin kaya I have no choice, Ipinagpatuloy ko na rin ang pakikinig."Ikaw Nytstrom! Gaano mo kakilala ang sarili mo?" Tanong ni sir aldin.
Tumayo naman si Nytstrom para magsalita. "Sa...sa totoo lang sir, di ko alam, kasi maaring yung ibang tao mas kilala ako, dahil yung ugali ko mas nakikita at nasasabi nila pero ako di ko yun mapansin sa sarili ko" seryoso ni Nytstrom kaya napakunot na lang ako dahil sa pinagsasabi nya.
Mukang ako na lang yata ang di nagseseryoso sa retreat na to ah! Sinapian na ng katinuan yung dalwa kong kaibigan.
"See! Hindi mo rin alam. At tama ka, may ugali tayo na hindi natin napapansin pero minsan magugulat na lang tayo na mas napapansin pa pala ng iba yung mga ugali na di natin makita sa sarili natin"
Napaisip naman ako bigla sa sinabi ng prof. Namin. Kase yun ang nasa isip ko kanina. Yung pagiging masungit ko napupuna ng ibang tao pero para sakin hindi naman ako ganung tao. Ipinagpatuloy ko ang pakikinig.
Medyo interesado na ako this time.
Naglabas ng tatlong baso ang prof. Namin at saka isang pitcher na may lamang tubig. Sinalinan nya yung unang baso. May putik ito kaya nag dumi yung tubig.
"Itong unang baso, dahil sa putik nung masalinan ng tubig, kumalat ang dumi. Parang tao din yan, sa dami ng maling ginagawa ang maraming tao na ang naapektohan, yung tipong wala ng paki alam kung may matapakan na ibang tao, kaya sa pagtagal ng panahon lumalabo na rin yung pagtingin sa kanya ibang tao."
Napaisip naman ulit ako bigla sa sinabing yung ni Sir. Pakiramdam ko, natamaan ako.
Sinalinan ulit nya yung pangalwang baso. Nagulat naman kaming lahat dahil butas pala yung baso,kaya natapon yung tubig.
" itong pangalwang baso, akala nyo walang butas, pero nung sinalinan ko ng tubig nagulat kayong lahat dahil tumagas yung tubig. Gaya ng ugali ng tao..baka naman kasi ikaw yung tipo ng tao na, sa sobrang bilib mo sa sarili mo. Akala mo perpekto ka na pero may problema ka pala."
Medyo nanlaki naman yung mata ko sa sinabing yung ng prof. Ko.
Nasapulan na naman ako!
Nagsalin ulit sya sa huling baso. Walang butas o dumi, pero may takip. Hinayaan lang nya lang masayang yung tubig na binubuhos nya.
"Itong pangatlong baso, may takip. Gaya rin ba kayo nito na natatakot magpapasok ng ibang tao sa buhay nyo? Natatakot na may magbago sa ugali at pagkatao nyo? Na pinipilit nyong sarhan ang isipan nyo sa mga bagay na alam nyo naman tama pero pinipilit nyo pa rin sundin yung mga bagay na gusto nyo pero mali"
Napabuntong hininga naman ako sa sinabing yung ni Sir Aldin.
Seryoso? lahat yata yun patama sakin. Yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko.
Akala naming lahat tapos na, pero naglabas ulit si sir ng isang baso. Sinalinan ulit nya ito ng tubig at hinayaang umapaw.
"Sana, pagkatapos ng retreat na ito maging kagaya kayo ng basong ito na handang magbago para sa kabutihan ng personalidad, at gaya ng natatapon na tubig hayaan nyo ang sarili nyo na mag release ng mga bagay na hindi makakabuti sa pagkatao nyo"
BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Short StoryIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...