Unexpected Feelings

20 2 0
                                    

"Oh! Gelo! Napaano yang braso mo? Bakit may galos ka?" Tanong ni Ysa sakin, pagkadating na pagkadating ko sa dining area ng resort.

"Ah! Eh..wala natripan ko lang umakyat sa puno kanina. May nakita kasi akong tree house.Medyo na out of balance ako" tapos umupo na ako at sumandok na ng pagkain.

"Di mo naman sinabi na may pagka unggoy ka pala pre" asar ni nyt habang kumakain.

Napa iling na lang ako at napatawa.

Ilang sandali pa ay, dumating na si Joy kasama si Marian na may bitbit na flowers.

"Oh my god talaga best, hanggang dito ba na naman may flowers? from mr. Right? Manghang tanong ni marinela kay Joy.

Napa smile naman si joy sa reaksyon ng bestfriend nya. "Nagtataka na nga rin ako, kung sino tong nagbibigay na to" tapos naupo na sya sa tabi ni marinela.

Sa pakikinig ko sa usapan nila, siniko ako ni nyt. "Hoy! Pare okay ka lang? Minsan kasi mag effort ka rin" tapos tumawa ng nakaloko ang baliw ba si nyt.

Napakunot naman ang noo ko ng si Marian ang nag sandok ng kakain ni Joy.

May something ba sa kanilang dalwa?  Lagi na lang silang magkasama tapos sobrang alaga pa nitong si marian kay joy. Di malayo na meron nga kasi lesbian si marian.

Napailing na lang ako dahil sa iniisip ko.

"Guys, pack na tayo after kumain." Wika ni klenn.

"Joy okay ka na ba?" Nag aalalang usisa ni ysa.

"Okay na ako, magaling yung nurse na nag alaga sakin eh" tapos tumingin si joy kay marain at nagbigay ng sweet smile.

Bigla naman akong natigilan. Tila may tumusok na karayom sa puso ko.

Ano ba tong nararamdaman ko? Nagseselos ba ako? Ako lang ba yung nakakahalata na parang may something ang babaeng gusto ko at si marian?

Tumayo na ako, at hindi ko na tinapos ang pagkain ko.

"Oh! Men, di muna tataposin pagkain mo?"

"Hindi na, busog na ko. Mag aayos pa ko ng gamit" tapos umalis na ako.










Pasakay na ako ng Van ng may tumawag sakin.

"Gelo...!"

Lumingon naman ako,at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Oy! Yung Jacket mo. Bigay ko na lang sayo bukas" Wika ni Joy.

Napahawak naman ako sa batok ko. "Sige." Maikling tugon ko. Tapos sumakay na ako ng Van.






Habang nasa byahe. Out of nowhere nagsalita si Kev.

"Pareng Gelo, type mo ba si president?" Tapos lumingon sya sakin dahil nasa likod na likod ako ng Van.

"Sus! Tinatanong pa ba yan? Syempre Oo ang sagot ni Gelo,di ba pre?" Tapos tinaas baba naman ni Nyt yung kanyang kilay.

Binatukan ko naman sya bigla.

Tutal puro lalaki naman kaming nakasakay dito sa Van, malaya kaming pagkwentohan ang kung ano man dahil wala yung mga babae namin na classmate.

"Seryosong tanong yun gelo. Kasi kung oo tutulongan ka namin. Di ba mga tol?" Kumbinsi ni Kev.

"Oo naman" sagot ng ibang kaklase namin na lalaki.

"Pero, diba gelo mortal enemy mo si Joy noon? Nakakapagtaka na bigla na lang you two were close together" Sabat ni Cedi.

Imagination ng LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon