"Oy! Pre! Kamusta na? Ayos ka na ba?"
Tanong ni Nytstrom kasama si Jackson pagkapasok na pagkapasok ng pinto ng kwarto.
.
.
.
.
.
Tumango na lang ako bilang sagot.
.
.
.
.
.
.
"Oh! Eh bakit naman ganyan ang muka mo kung ayos ka na?" Natatawa naman si Jackson habang lumapit sakin.Sasabihin ko ba sa kanila o hindi? Hmmm...Kailangan ko rin naman ng payo nila, dahil di ko rin alam kung anong tamang gawin.
"Ah..ano kasi, kanina..ano..."
.
.
.
"Ano pre? Kanina kasama mo si Joy diba? May nangyari ba?" Nalilitong tanong ni Nyt.Parehas silang nakatingin sakin at naghihintay ng sasabihin ko.
.
.
.
.
.
"Pre! Kasi ano...nasabihan ko yata ng masakit na salita kanina si Joy, napagtaasan ko rin ng boses. Tinabig ko rin yung kamay, tapos Umalis sya kanina habang umiiyak.." Napakagat na lang ako sa labi ko sa sobrang guilty sa sarili."Naku naman men? Hindi mo sinundan nung umalis? So pinaiyak mo na naman pala?" Susunod sunod na tanong ni Jackson.
"Eh, di ko naman sinasadya. Nakulitan lang ako sa kanya, kaya ko yun nagawa. Anong gagawin ko? Nasaktan ko yata yung tao!" Paliwanag ko sa dalwa.
"Anong nasaktan YATA! Eh nasaktan mo naman talaga sya!" Sambit ni nyt.
Natahimik naman kaming tatlo, at pare-parehas na nag iisip ng posibleng gawin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kausapin mo kaya pre?" alok ni Nyt sakin,habang nakatingin sa mga mata ko at tila kinukumbinsi ako.
.
.
.
.Napatayo naman ako mula sa pagkaka upo at medyo nagulat sa alok nyang paraan. "Naku! Wag na lang! Ayoko!"
Tinap naman ni Jackson yung balikat ko. "Men! Minsan kasi babaan mo yung pride mo! Ikaw yung nakasakit! Alangan sya pa yung lumapit sayo!"
Di na lang ako umimik, pero napaisip naman ako sa sinabi ng kaibigan ko. Kaya minabuti kong lumabas na lang muna ng kwarto para mag isip isip at magpahangin sa labas.
.
.
.
.
.
.Nagtungo ako sa balcony, at nadatnan ko ang classmates ko na nagkakantahan doon.
Paglapit ko sa kanila ay agad kong hinahanap si Joy gamit ang aking mata. Para di obvious! Pero bigo akong makita sya.
"Oy! Gelo! Ayos ka na?" tanong ni Kev na may hawak na gitara.
Nag thumbs up naman ako, tapos ngumiti. "Okay na!"
Nakasandal ako sa bakal ng harang kasama si Kev, Klenn, Romer at Cedi. Tapos yung mga babae namin na classmate nakaupo sa isang mahabang upuan.
"Sorry na! Kung nagalit ka!
Di naman sinasadya...
kung may nasabi man ako!
Init lang ng ulo..
pipiliting kong magbago
pangako sa iyo..
sorry na!"
Nagkakantahan silang lahat, at bahagya naman akong napakunot.
Ano ba to? Patama sakin? Bat natatamaan ko kahit na di naman dapat! Sign na ba to na tama lang na kausapin ko sya!
Naghintay ako ng naghintay, pero parang wala syang balak makitambay samin dito. Inabot na ako ng 9pm ng gabi, pero wala pa rin sya.
"Mga bata, matulog na kayo! Bukas na lang ulit ang kwentuhan at tugtogan na nyo na yan! Mahamog na dyan!" wika ng guard ng retreat house saming lahat na nasa balcony.
.
.
.
.
.
.
.
"Tara na guys! Wag na kayong magpasaway at di kayo masasaway ni Joy, masama ang pakiramdam nun ngayon!" wika ni Marj habang paalis ng balcony.
BINABASA MO ANG
Imagination ng Lalaki
Cerita PendekIts all about the thoughts, perception, and imagination ng isang lalaki. Kinda weird na magsulat ang isang lalaki na kagaya ko sa wattpad, pero I just want to share yung mga bagay na gusto kong mangyari sana sakin in real life pero hanggang imahinas...