TPM Session 20 *The First Ting*

2K 51 3
                                    

 

Dedicated to sa lahat ng natatawa sa storyang to. AS IN. wagas ang pasasalamat ko sa inyo grabe. \(*u*)/

 

___________________________

SESSION 20

 

[YVAN]

I swear he’s the same guy.

 

Right now, dalawang bagay ang laman ng utak ko. Una, kukuha ako ng tali para itaas si Maj. at pangalawa, yung lalaking nainom ng Pepsi na yun ay papatayin ko na talaga.

Sya ang nakita kong naglagay ng bomba sa kotse ni Guji some century ago kaya ko hiniram at pinasabog kung san man. Kung naaalala ko ng maayos eh pinadiretso ko sa dagat. Kaya nga di ba sa simula ng storyang ito ay hinahabol ako ng mga kaibigan kong may sira ang tuktok? Hindi to alam ni Guji. But I’m sure he’s the target of that guy.

At sigurado din akong… sya ang naghukay dito sa field. Malas nga lang nya at ibang tao ang nahulog dun at hindi si Guji.

sa karamihan ba naman ng kaaway ng lokong yun ewan ko lang kung walang makaisip na gumanti.

nakahalata na ata sya sakin at nagdesisyong umalis. Palalampasin muna kita… uunahin ko lang si Maj.

_______________________

Maj! Just hold on to the rope and you’ll be fine!” sigaw ko sa ibaba ng lupa habang nakahawak sa lubid. Sina Guji naman eh nakahawak din sa likod.

Kahit wag na! hindi naman talaga ikaw ang itataas namin eh! yung mga daga at ipis jan!” sigaw ni Fred pagkatapos ay tumawa ng tahimik.

A-A-ANO?! MAY D-D-DAGA AT IPIS DITO?! NAMAAAAAN! WAG NAMAN KAYONG MAGBIRO NG GANYAN!” nanginginig na sigaw ni Maj sa ilalim.

May ahas pa jan Janella pramis! Mga 6 feet!” dagdag pa ni Klein.

EH?! ITAAS NYO NA AKO PLEASE! SIGE NAAAA! AYOKONG MAGING PAKAIN SA MGA HINAYUPAK NA ALAGA NG LUPA!

Ipramis mo munang hindi ka manggigilit ng leeg?” mapang-akit na alok ni Fred.

OO SIGE! HINDI NA! …. sa ngayon…. BAKA BUKAS NALANG!

Ah. sige Yvan enjoy ka nalang jan ha? Mukhang solo flight ka ngayon eh.” naramdaman kong binitawan nina Klein yung lubid at sabay sabay silang tumayo.

Oo nga. malakas naman siguro yang katawan mo. Puno ng nutrients.

Goodluck sa pag-angat mo sa reyna ng mga baboy.” bulong sakin ni Guji habang pinapat ang likod ko. “Advise lang pare… UMUWI KA NA SA INYO ----” nilaksan pa talaga nya at tumapat sa butas. para nga naman rinig nung kawawang nilalang sa ilalim. “SOOOOOBRA… AS IN SOOOOOOOBRANG BIGAT NG TALAMPAKANG YAN! NADUROG NGA YUNG BACKBONE KO NUNG BINUHAT KO YAN EH! AS IN MAAAABIIGAAAAT! Baboy talaga sya pare. Ba-boy.

She's the Boss! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon