STB Session 75 *Last Song*

2.9K 67 15
                                    

_________________

SESSION 75

Goodbye.

 

Life.

It’s not about how long or short it was. It’s about how you spent each second of every day and whom you spend it with.

And I am thankful for this chance to live.

In this time.

In this place.

With the people I didn’t choose.

With the people who came and stayed.

With the people I loved and loved me back.

 

If my time is already up, I won’t complain. I won’t ask why. I’ll choose to be happy like I do in every day of my life. Though I can’t help it… I cried… in endless hopes.

Sana bigyan pa ako ni Lord kahit konting oras pa… konting oras pa para makapagpaalam sa bawat isa sa kanila. Konting oras para makahingi ng tawad dahil sa lahat ng mga nagawang mali, lalo na kay Yvan na nasaktan ko ng sobra. Konting oras para mapakapagpasalamat.

Konting oras para maiparamdam sa kanila na masaya ako nakilala ko sila.

Konting oras para masabi ko sa kanila ang mga salitang hinding hindi ko masabi sa kanila dati… na mahal na mahal ko sila. :’)

 

Pero parang… malabo na ata. Kanina pa akong hinihintay ng liwanag. Nakaabang na sya sakin.

Follow the light, that’s what they said. But I’ll hang around here until he comes.

*******

[YVAN]

This can’t really be happening.

 

EXCUSE! EXCUSE!

Dumaan sa harap ko ang isang nagmamadaling stretcher papuntang emergency room. Nagkakagulo silang lahat. Pero hindi ko pinansin yung mga tao dahil ang napansin ko lang ay…

yung nasa stretcher.

 

Maj…?” di pa ako makapaniwala nung nakita ko syang duguan at walang malay. Natauhan lang ako nung ako nalang ang natira dito sa labas. Tumakbo ako agad paloob.

Hinabol ko ng hinabol yung mga nurse hanggang sa tumigil sila. Nakatayo lang ako don habang pinapanood silang magkagulo. Wala akong naririnig. Wala akong nararamdaman.

Nakatayo lang ako dito habang pinapanood ang taong yon na nag-aagaw buhay.

Right before my eyes… mawawala sya… right before my eyes, my heart is going to die… slowly.

 

Lahat ng galit ko… natunaw. Lahat ng hinanakit ko naglaho nung nakita ko sya. Bakit? Bakit kailangang mangyari ‘to?

She's the Boss! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon