TPM Session 53 *Happy Handcuffs Day*

1.8K 50 7
                                    

Medyo naiiksian ako sa mga chapter last time kaya hahabaan ko ngayon, BWAHAHAHA. Para busog sa kwentuhan di ba? Para sulit ang pag-aabang ng UD XD

________________

SESSION 53

 

[GUJI]

 

And the promise still lives.

 

So normal ka pala talagang tao, Guji,” natatawang sabi sakin ni Yvan.

Bakit? Ano bang tingin mo sakin? Multo? Nag-eexist pero hindi nakakaramdam?

Hindi kasi… di ba, taking you all the way back to the past, ikaw yung palaging nagsasabing hindi ka maiinlove, hindi ka magkakagusto sa isang babae, lalong lalo na,” nagpakawala sya ng isang dart at tumama yun malapit sa bull’s eye. “Sabi mo ayaw mong malapit sa mga babae,

Dati yun. Iba sya,” umupo ako sa sofa and I leaned my head back. Masakit ang ulo ko. Di ako nakatulog masyado.

What makes you think na iba sya?

Kung ‘di lang umuwi sa bahay nila si Janella di sana nakulit sya kagabi. Di ako napakali bago matulog. Di buo ang araw ko, kainis.

Unang tingin, Yvan. Sa unang tingin, nakuha na nya agad ang atensyon ko. Para-paraan lang yung tutor thingy,

At may bigla akong naalala. “Hoy Yvan. Nga pala, maalala ko lang,

Ano yun?

Yung batang babaeng sinusundan mo ng panghabambuhay, nakita mo na ba ulit?

Oo. Kaso nakita din sya ng iba. Wala na,

Sayang naman. Ilang taon ba nyang sinusundan yun? 10 years na ata. Nung mga bata pa kami palagi nyang pinapakita sakin yung mga litrato ng crush nya. Stalker ang dating nya di ba? Nakita nya ang batang yun sa dike na naglalaro. Kinuhanan nya ng litrato at yun – nainlove na kagad. Sinundan nya ng sinundan at hindi ko na alam ng nangyari. Naging malihim na sya e.

I just hope na hindi si Janella yun. Ang dami namang babae sa mundo di ba? Isa pa, we can’t like the same girl.

We had a promise – hindi kami pedeng magkagusto sa iisang babae. Magkaganun man… kailangang magparaya ng isa.

At magkamatayan man… I’m not giving her up. She’s the only one I want. And need.

Hindi naman siguro si Janella yun di ba?” testing lang.

Ha? No. Pano naman mangyayari yun?

Wala lang. Well malay mo naman?

Eh pano pag sya nga?

Tinitigan ko muna sya ng malalim bago sumagot. “I’m afraid you’d have to forget all about your feelings.

She's the Boss! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon