TPM Session 40 *Milk and Magnet*

1.5K 44 2
                                    

_________________

SESSION 40

 

[GUJI]

 

Anyone who messes with my friends shall die.

 

Pagkarating namin sa bahay ko, well, ayaw nya kasing umuwi sa kanila! Bwiset to. isipin pa nung kapatid nya kinidnap ko na tong baklang to. =__=”

Nauna syang bumaba sa kotse, ni hindi man lang ako kinausap  o kinibo! Hinabol ko nga.

Oy Janella!” parang tanga lang. Asa ka pa namang lilingon yan sayo. =_=”

Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo, o kung anong dapat gawin para mapagaan yang loob mo,” sabi ko nung naabutan ko na sya. tumigil naman sya para pakinggan ako. “Oo na kasalanan ko namang iniwan kitang mag-isa. Hindi kita naisip kaya pasensya na. Pero ikaw naman kasi eh!

tapos bigla syang naglakad ulit. Bastos to ah! Di pa ako tapos magsalita! “Hoy teka lang kasi! Sorry na!

Hinabol ko ulit sya at nung naabutan ko na sya, hinagip ko ang tiyan nya palapit sakin. Grabe. Nanginginig parin sya hanggang ngayon. Psh*t.

Wag…” sabi nya. “Wag please,

Hindi. Janella listen to me,” bulong ko. “Ako lang to, ako to si Guji,

Wag… m-may boyfriend a-ako…” napabuntung-hininga ako nung nagsisimula na syang umiyak. Bwiset na buhay to ah!

Shh shh, alam ko Janella. Ako yun. Ako ang boyfriend mo. Ako si Guji narinig mo?

Hindi… huwag mo akong hawakan please… Guji! Guji tulungan mo ako!

Sumikip bigla ang dibdib ko. PAKSH*T KASI!

Binaon ko ang mukha ko sa buhok nya. Sorry Janella… sorry talaga…

Janella hindi, makinig ka sakin. Ligtas ka na. Kasama mo na ako okay? Wala ng mananakit sayo. SeaweedBrain ano ba?! Hindi mo ba nakikilala ang boses ko?!

G-guji…?

Oo, ako to. Magtiwala ka sakin,” unti-unti ko namang binalot sa kanya ang kanan kong braso. “You’re safe with me,

Iniwan mo ako… iniwan mo ako dun! BWISET KA!

Hindi na mauulit yun, you hear that? Hindi na kita iiwan,

Ting.

 

 

NAKAKAINIS NA HA.

Bakit sa tuwing niyayakap ko sya, o niyayakap nya ako, kakaiba ang pakiramdam ko? Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Minsan kasi kinakapos ako ng hininga, tapos ang bilis bilis pa ng tibok ng puso ko. ewan! Magulo! Nakakainis na tong nararamdaman ko! Bwiset!

She's the Boss! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon