_________________
SESSION 38 *The Party*
[FRED]
“Badtrip naman si Boss o!” tinapon ko sa sobrang inis yung coat ko. Ay paksh*t! Kinuha ko kagad yung coat ko at pinagpagan. “Ay grabe! Nakakainis talaga!”
“Hoy Fred, pede ba? Manahimik ka nalang dyan. Dami mo reklamo,” sabi ni Klein pagkatapos nya akong batukan. Gago to ah! Binawian ko nga!
Kung bakit kasi ang damot damot ni Booooooss! Gusto nyang masolo si Boss Janella! Badtrip! Kasya naman kami dun sa kotse eh, MADAMOT LANG TALAGA SYA!
=__=”
Si Boss Janella.
Grabe, walang himala!
Biruin mo nga namang may igaganda pa sya. Kahit konti. HAHAHA! Pero syempre walang tatalo sa Mean ko!
“Oi Fred, hindi ba…” inakbayan naman ako ni Jason. “Yun yung crush mo?”
“Ha?”
O_____O ! C-crush ko..?! CRUSH KO?! SI MEAN!
“Ako na ang lalapit sa kanya pare,” bago pa man ako makaangal, nilalapitan na nga ng bwiset na Klein na to yung crush ko. MAY BALAK PA ATANG AGAWAN AKO!
“HOOOOOOOOOOOY! Akin yaaaaaaaaaaaan!!!” nagtatakbo ako sa kanila at sa kasamaang palad…
Nadapa ako. Sa harapan nilang lahat. Sa harapan ni Mean Ramirez.
PAKSH****T!!
\(TT^TT)/ Lord! Bakit nyo ginagawa sakin to?!
“HAHAHHAAHHAHAHA! Pare! Ilang palaka ang nahuli mo?! Tara benta natin sa palengke!” konti nalang talaga, ipapakain ko sa Layon ni Kate itong si Klein! Ang lakas mang-asar eh. SA HARAP PA NI MEAN!
Tumayo ako ng may dignidad at pinagpagan ang sarili ko. Fvck. Aattend pa ako ng party eh.
“Tara na. Malelate na tayo.” sabi ko sa kanila habang tumatalikod. Nakakahiya talaga. “Magagalit na si Grandma satin,”
“Ui grabe ka naman!” natigilan ako bigla nung hinawakan nya ang braso ko. Lumingon ako. Oh fvck. “Bat ang suplado mo ngayon? Mag-hi ka man lang sakin o,”
(O///////O) Lalo na akong nahiya! “H-hi M-mean,”
Ngumiti sya sakin. “Ang gwapo mo ngayon ah. San ang party?”
Ha? A-ako? G-gwapo…? Talaga? Nanggaling ba talaga yun sa kanya? WAAAAAAAAAAAAA!!! Hindi ako makapaniwala!
(/v\) ANG SAYA KO!
“Hoy gago, kinakausap ka o, wag mo naman gawing tanga,” bulong sakin ni Jason sa likuran ko. “Agawin ko yan sayo eh,”
![](https://img.wattpad.com/cover/3463895-288-k815752.jpg)
BINABASA MO ANG
She's the Boss! [PUBLISHED]
Jugendliteratur[404 Teen Fiction] [COMPLETED&PUBLISHED in English Version] Once upon a time, a mango fell from above. She caught it. He jumped down. Eyes to eyes, they... hated each other at different time laps. Guji hated her at first sight. Maggie hated him at s...