bigla nalang akong natahimik. bakit ba kase sakin pa ito nangyayari? Bakit ba kase napaka unfair ng mundo sa akin? Napakalaki ko nga talagang malas .
sa libo libong tao dito sa buong mundo.. bakit ba kase sa akin pa? Ako pa. Lord pls.. tulungan niyo po ako na malampasan lahat ng ito .. napatingin ako sa litrato namin ng pamilya ko. Bigla na lang akong naiyak..Trowback
"Anak anung gusto mo maging paglaki mo?" Tanong sa akin ni mama.
"I want to be a artist someday mama" -ako
"Wow ang galing naman ng baby namin. You know baby sabay sabay nating tutuparin yung mga pangarap mo."-mama
"Thank you mama. I love you"-ako
"I love you baby but beforer that promise me na mag aaral ka ng mabuti. Okay" sabi ni mama.
"Okay mommy. Promise po aa mama hindi mo po ako iiwan."
"Naku baby bakit ka iiwan ni mama eh mahal ka ni mama eh.. ikaw nga yung piiiiinaka cute,pinakamaganda at piiiiiinaka mamahal ni mama. Hindi kita iiwan anak. Hindi ko yun magagawa. Dito lang ako sa tabi mo."
"Thank you mama. Your the best po talaga."
"Sleep na anak! Good night".
"Mama bakit wala pa po si papa?"
"Late na siguro uuwi anak madami kasing dapat ayusin dun sa company eh".Gusto ko pa sanang hintayin si papa pero nakatulog na ako.
---
Minulat ko yung mga mata ko at tinignan ko yung orasan sa may desk ko. 5:24 am dali dali akong bumaba papunta sa living room.."Good morning baby girl" bungad agad sa akin ni papa.
"Goodmorning too papa. Goodmorning mama."
"Papa sorry po ah"
Nagkatingan sila mama at papa tapos tinignan nila ako na parang nagtataka."For what baby?"
"Kase po nakatulog na po ako ng maaga kaya hindi ko na po kayo nahintay. Umh papa sorry po ah."
Tapos nagtawanan pa silang dalawa ni mama. Alla bakit nila ako pinagtatawanan. Alla eh."Mama, papa why are you laughing? Is there's something wrong? "
"Ly ang sweet mo talaga anak. Okay lang yun dapat nga maaga kang natutulog eh sa edad mong yan! 8 years old ka pa lang anak. Don't worry baby ly nakwento na lahat ng mama mo yung pinag usapan niyo kagabi. And I'm so proud of you kase iilan lang yung mga kabataan ngayon na gustong mag artista. Kaya mag aral kang mabuti a anak wag munang mag boyfriend o baka naman may nangliligaw na sayo? " bigla namang nAgsalita si mama.
"Bhabe what are you talking about with ly .? Ikaw talaga. Bata pa anak natin."mam.
Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila mama ngayon kaya nagsalita na ako dito habang kumakain. At habang puno ang bunganga ko ng kanin.
"Pa ano pong ibig shabihin ng boyfriendsh" tanong ko sabay subo ng hotdog.
"Yun yung mga kaibigan mong lalaki "tapos tumawa pa sila ni mama. "Bakit anak meron ka na bang boyfriend.? " pahabol pa niya."Yesh papa I have. Marami po akong boyfriendsh".
Ngayon ang nangyari naman naibuga niya na yung iniinum niyang kape. Waa buti na lang hindi niya sa akin naibuga..
Ilang oras ang lumipas at hinatid na ako nla mama at papa sa school ko.
"Behave a baby ly." Sabi ni mama then she kissed my chicks.
"Yes mama I promise"
"
" sige pasok ka na sa room niyo."
"Bye papa bye mama, see you later po".
" bye baby sunduin ka namin mamaya ah"Tinanguan ko na lang si papa. At pumasok na ako sa room namin.
---
Sa di kalayuan nakita ko yung van namin. Akala ko meron si mama pero wala. Siguro nasa company lang siya."Pa. Where's mama?" Bungad ko agad kay papa.
"Anak marami siyang naasikaso eh."
"Papa Igusto ko pong puntahan si mama."
"Next time na lang baby. May aasikasuhin pa ako sa office ko eh".
"Okay".Tahimik lang kami ni papa sa loob ng van. Pagdating namin ni papa sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko at siya naman sa office niya. May office kase si papa dito sa bahay.
Nagpatugtug na lang ako gamit yung tablet ko.
( NP: KUNG akin ang mundo)
By: Khalil ramos.Kung ako ang may ari ng mundo. Ibibigay ang lahat ng gusto mo.
Araw araw pasisikatin ang araw,
Buwan buwan pabibilugin ko ang buwan para sayo. Para sayo. .Susungkitin mga bituin para lang makahiling na sanay maging akin puso mo at dam damin. Kung pwede lang kung kaya lang kung akin ang mundo... a
"Sino yun hah? Sino yung kasama mo kanina? " narinig ko yung boses ni papa na parang may kaaway.
"ANO DI MO LANG BA AKO SASAGUTIN. SINO YUN? "
"SI JAMES? "
"WOH HAH ILANG ARAW NA HINDI NAGPAKITA SA KOMPANYA. ANG DAMI DAMING PROBLEMA DON. TAPOS NGAYON SAKA KA LANG PAPASOK. NANGLALALAKI KA PA?"hindi ko na napigilan yung sarili ko bumaba na ako galing sa kwarto ko AT NAG tago ako sa likod ng hagdan.. sinisilip ko lang sila papa at mama dito na nagaaway.
Hindi nila ako makikita dito. Pwera na lang kung masagi ko yung vase dito sa ibabaw ng cabinet ko.
Biglang sinampal ni mama si papa kaya nagulat ako at muntik ko ng masagi yung base. Kaya napatingin sila mama sa direksyon ko..
Pero maswerte ako kase hindi nila ako Nakita."Bago mo sabihin yan siguraduhin mong totoo ."
"Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang kalukuhan eloisa"
"Paniwalaan mo lahat ng naki..May biglang tumalon sa likod ng cabinet ko kaya napasigaw nalang ako.
"Waaaah ipiiis. "
Lumabas ako sa likod ng stairs na nagpapapagpag."Ly?" Sabay pa sila.
Tinignan ko sila at tumakbo ako papunta sa kwarto ko."Haay salamat sa dambuhalang ipis na yon. Siguro kung hindi pa ako nakita nila mama at papa hindi pa sila titigil."
Paglipas ng isang araw nabalitaan na lang namin na sumama na si mama sa lalaki niya na pinag aawayan nila ni papa nung isang araw. Kahit ako di niya pinansin. At mula noon naging malupit na si papa sa akin . At nagkaroon na rin siya ng ibang pamilya . Ako? Kinupkop na lang ako nila tita daisy.
Hindi ko naisip na lahat ng hiniling ko kay mama at papa na hindi nila ako pababayaan at iiwan hindi nila tinupad.
End of flashback! ***

BINABASA MO ANG
Mr. varsity player vs. Ms. nerd
FantasySi Liza Soberano ay isang batang lumaki sa kanyang magulang na itinuring siyang princesa, masayahin at lahat ng gusto ay nasusunod pero lahat ng ito ay naglaho ng maghiwalay ang kanyang mga magulang at itinalwil siya ng kanyang ama. mula noon siya n...