--
LIZA."Kumain na ba kayo?" Tanong sa akin ng papa ni kat.
"Hindi pa po sir. Sabi ko nga po kay kat na kumain na lang kami sa canteen saka kami pupunta dito. Nakakahiya po kase eh." Sabi ko.
"No. It's not a problem. You are Kathy's friend so don't be shy. You're welcome here, anytime. By the way, just call me tito James not sir. Haha u know, I'm not your boss and I'm not your teacher anymore. Okay?" Haha nagtawanan lang kami hanggang sa lumabas na yung step mother ni kat. Pagtingin ko sa pintuan...
Sh*ck! Ang liit pala talaga ng mundo."Mama?" Bulong ko sa sarili ko. Akalain mo? Dito ko lang pala matatagpuan ang taong minahal ko. Isang tao na kahit iniwan ako. May parte parin siya sa puso ko kahit paano. Hindi ko namalayan na umupo na pala siya sa tabi ni kat. Pero ako titig na titig pa rin ako sa kanya.
"Ly? Ayos ka lang?" Naramdaman kong kinalabit ako ni kat. Kaya tinignan ko siya.
"Umh o-oo, kat, saan ba restroom dito?" Tanong ko tinuro niya naman kung saan at tumakbo na ako papuntang cr. Habang tumatakbo na ako. Naramdaman kong kasabay ng pagtakbo ko ang pagtulo ng luha ko. Pumasok ako sa cr at isinara. Don ko na lahat inilabas. Luha, sakit ng nararamdaman. Akala ko wala akong galit sa kanila pero meron pala. Marami rin akong tanong sa sarili ko na hanggang ngayon di ko pa rin mahanap ang sagot pero yung taong gusto kong makasagot ng tanong ko, nahanap ko na.
"Ang sakit parin. Bakit ngayon pa? Ngayon ko pa siya nakita? Ngayong araw pa na hindi ako handa? Ang sakit lang, kase nung nakita niya ako. Wala man lang siyang reaksyon. Nakalimutan na niya ako. Masaya na siya samantalang ako nandito. Nasasaktan, umiiyak at nagdurusa. Bakit ba lahat ng kasalanan na ginawa nila kailangan ako pa ang magbayad?di ko na kaya. Ang hirap hirap. Nakakainis, naiinis ako sa sarili ko na araw araw na lang nasasaktan. Araw araw na lang umiiyak." Pinunasan ko yung mga luha ko.
"Masaya na siya. Pero ako hindi pa. Bakit ko ba nararandaman ito. Ang hirap. Ang hirap hirap. Ang Sakit sakit."
*boogs*
*tunog ng pinto*
(Author. Nandito pa ako oh. Nagdra drama tpos. Nandiyan ka naman umeeksena. Huwag ko na kaya ituloy. Mag party party nalang kaya tayo? )
*akala ko pa naman gusto mong magmukhang tao?*
(Yup gusto ko. Pero miss author. Huwag ka ngang umeksena. Haha saka ka nalang umeksena kapag points of view na ng crush mo)
*aba! Aba! Lumalandi? At saka ako ang pabebe girl. At wala kang pake kung umeeksena ako.*
(haha isumbong kaya kita kay Enrique Gil? Nakikiepal ka talaga ms. Author. Sa points of view na lang ng crush mo. Saka ka umeksena.)
*tumahimik ka. Walang makakapigil sa akin*
*(shoo na ms. Author ano ba to conversation? Shoo na shoo shoo. Haha)
--
Back to realityBiglang bumukas ang pintuan. At saka ko lang narealized na hindi pala na ilock kanina. Halata sa mukha niya na alalang alala.
"Nangyare bes? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.
"Nakita ko na siya kat. All along inisip ko na handa na akong makita siya. Pero ngayong nangyari na hindi pala. Ang sakit lang kase" nagkamot siya ng batok.
"Ano? Di ko gets"
Sabi niya.
"Matagal ko ng di nakita ang nanay ko. Ng dahil sa kanya ipinagtabuyan ako ng sarili kong ama. Nagbago ang buhay ko nung sinira niya ang pamilya namin." Sabi ko pa ulit sa kanya.
" nasaan tara upakan natin." Nang aasar ba siya eh. Di nga niya lam na yung mama ko ang nag alaga sa kanya nung
Iniwan siya ng nanay niya.
"Kat. Naman eh, hindi ako nagbibiro. Seryoso to. " pagmamaktol ko.
Hindi ko alam pero bigla akong napayakap kay kat at umiyak na naman ako.

BINABASA MO ANG
Mr. varsity player vs. Ms. nerd
FantasySi Liza Soberano ay isang batang lumaki sa kanyang magulang na itinuring siyang princesa, masayahin at lahat ng gusto ay nasusunod pero lahat ng ito ay naglaho ng maghiwalay ang kanyang mga magulang at itinalwil siya ng kanyang ama. mula noon siya n...