Chapter 6: wake up!!

27 1 0
                                    

A/N: guys may alam po ba kayong example ng Mosaic using paper? haha wala po kase akong maisip eh. by the way vote naman po kayo. Thanks ☺☺

Liza's Pov.

It's been two days mula nung dinala si enrique dito sa hospital. pero hangang ngayon d parin siya gumigising.

nandito nga pala ako sa hospital kung saan dinala si enrique, hinihintay yung doktor na lumabas. usapan rin kase namin ni Kiray na pag gabi ako ang magbabantay at sa umaga siya naman. syempre pumayag na ako kasalanan ko rin naman kung bakit nandito itong panget na ito. Kahit alam kong eala naman akong ginawang masama.

Habang nag hihintay ako dito biglang bumukas yung pinto ng room ni enrique.

"doc kumusta po siya?" tanong ko sa doktor.

"okay lang siya. gaya nga ng sabi ko sa'yo kahapon wala pa rin naman kaming nakikitang sakit niya."pabalik niyang sabi sa akin.

"sige mauna na ako. pwede ka ng pumasok sa loob".

"salamat po dok".
--
Pumasok ako sa loob at linapitan ko siya habang natutulog.
"Maamo ka rin pala pag natutulog?"
Nakangiti kong sabi.
"Sana lagi ka nalang tulog haha. Sana okay lang eh. Sana okay lang na hindi ka na lang gumising pero madadagdagan na naman yun sa problema ko."
Pinagmasdan ko lang yung mukha niyang maamo.
"Alam mo. Nawalan ako ng trabaho ng dahil sayo. Pero okay lang alam ko naman na bagay lang sa akin yun. Ang swerte mo pala. Bad boy ka nga pero ang swerte swerte mo. Maraming nagmamahal sayo. Dumalaw nga pala dito kahapon yung pamilya mo. Ang bait nila. Ewan ko nga kung kanino ka ba nagmana. Naawa nga ako sa nanay mo eh. Iyak ng iyak kahapon habang kinakausap kang nakatulog. Sabi niya mabait ka daw. Sabi ko naman sa isip ko. 'Siguro may deperensya itong nanay mo'kase kung mabait ka bakit ganun ang turing mo sa akin?" Sa puntong yun bigla na lang pumatak yung mga luha ko. Pero agad ko yung pinunasan baka magising pa siya tapos makita pa niya akong umiiyak baka isipin pa niya siya yung iniiyakan ko. Haha pero kahit paano ang pagpupunas ko ng luha ko kusa paring lumalabas. Siguro dahil sa sakit. Sakit na kahit kailan di ko parin makalimutan.

"Haha baliw na siguro ako. Kase kahit alam kong malas ako tinatanung ko parin kung bakit? Haha walang magulang walang kaibigan. Lahat na lang ng taong mahal ko iniiwan ako. Pati mga tao sa school kinaiinisan ako tapos pati ikaw dumamay pa. Ano bang kasalanan ko sa mundo? Pero masaya naman ako kase kahit paano nandiyan naman sila tita at ate. Kaya napakaswerte mo kase hindi ganito ang pinagdadaanan mo. Kaya Mula noong iniwan ako nila papa at mama. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako yung dating ly na buhay prinsesa o kaya buhay reyna. Magmula noong grade 3 ako inisip ko na mahirap lang ako inisip ko na isa akong nerd at isa ako sa mga taong panget. Kaya ikaw bumangon ka na diyan naaawa ako sa nanay mo na alalang alala sayo kahit dalawang araw pa lang naman ang nakakalipas. Syempre sino ba naman ang nanay na hindi mag aalala sa anak niya. Siguro nanay ko lang yung ganun. Hindi naman kase ako karapat dapat na alagaan at mahalin."
Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit.

"Hey wake up kung ayaw mong kumuha ako ng buhangin at tabunan kita. Kumusta naman kase studies ko. Ilang araw na akong napapagalitan sa school ng dahil sa pagbabantay ko sayo. Lagi akong nale-late tapos minsan nakakatulog pa ako sa class ko. Bumangon ka na nga kase jan."

Habang pinagmamasdan ko siya bigla siyang nagsalita.

"Huwag mo akong titigan"
Aaah,ansabe? Gising ba siya? Narinig ba niya yung mga sinabe ko mula simula hanngang ngayon?bahala na si superman. Bahala na yung reporter . Lumayo ako ng kaunti sa kanya para tignan kung nakadilat yung mata niya. Pero hindi eh. Agad akong tumakbo para tawagin yung doktor niya..

Mr. varsity player vs. Ms. nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon