Asu't pusa #2

21 0 0
                                    

Pagkalabas ko ng bulaklak. Itinapat ko sa ilong niya kaya yun bigla niya akong tinignan.

"Ano yan?" Tanong niya
"E malamang bulaklak. Paano ka naging top 1 last school year kung di mo alam kung ano to? Tss pang grade one na bagay di pa alam."
Bigla niya akong sinamaan ng tingin. Nako hindi ako matitinag sa tingin mong yan.
"Anong gagawin ko jan?"-tanong nanaman njya.
"Kakainin . Ay este pakitapon lanta na kase eh. At saka mas malapit ka sa bintana. Kaya kung pwede pakitapon."
Bigla niyang kinuha yung bulaklak sa akin at itinapon na niya sa bintana. Pagkatapos ng napaka habang byahe nakarating na kami sa bahay.

Nauna akong bumaba. Hindi uso sa akin ang salitang " lady's first.".
Pagbaba ko dumeretso na ako sa loob habang siya nakasunod lang sa akin. Pagkalingon ko sa likod ko nakita ko siyang huminto at biglang napahawak sa ulo niya kaya yun nilapitan ko siya.

"Tara na sa loob. Kunwari ka pang may hiya."-ako

Magsasalita na sana siya ng bigla siyang natumba at nawalan ng malay..

"TULONG"
Buti na lang may nakaribig sa akin.
"Anong nangyari?"-kuya enchong.
"Ewan ko? Natumba na lang bigla eh"-ako
"Tara dalhin muna natin yan sa kwarto mo." Utos niya
"Hah? Bakit ako? Bakit kwarto ko?"
Hindi niya ako sinagot. Pero tinignan niya lang ako. Yun bang tingin na nagsasabing "sumunod ka na lang. Kung ayaw mong isumbong kita kay tito."

Eh baliw pala itong pinsan kong ito eh. At oo pinsan ko siya. Si dad at saka si tita. Aka mommy ni kuya enchong magkapatid. Korean yung tatay niya. Tumira siya dito kase gusto niya dito mag aral eh. Habang yung nanay at tatay niya nasa korea.

Sinunod ko na lang siya. Hindi ko naman alam kong anong nagawa kong kasalanan sa kanya at isusumbong daw ako kay dad.

----
At my room.

Mahimbing pa rin na natutulpg si ly..
"Kuya. Bakit ba kase dito pa sa kwarto ko. Baka mamaya may tumulo pang laway sa unan ko. Naka downy kaya yan."sabi ko sabay kamot ng batok.

"Ano bang pinag gagawa gawa mo quen? Baliw ka ba. Hindi ka ba naaawa sa tao? Hindi ka naman pala totoong nalason ah. Pinagmukha mo lang silang tanga. Lalo na si tita. Akala mo ba hindi sila nag aalala. Wala ka pa rin talagang pinagbago." Galit niyang sabi sa akin. Ganyan talaga siya. Ayaw niyang nagiging tarant*do ako..

"Nalason naman talaga ako eh."
Pagpupumilit ko.
"Ano bang sabi ko sayo. Magtino tino kana. Eh pano kung dumating yung taong mamahalin mo? Ganyan ka nalang ba? Paano siya? Yan ba ang naging epekto sayo ng Julia Barreto na yan? Nung araw na dinalaw ka ni Daniel sinundan ko siya. Narinig ko kayong nag uusap. Ang sabi mo pinag tritripan mo lang siya." sabi niya ulit. Yung nagpipigil na ng galit. Hindi tuloy ako nakasagot sa kanya.

"Mianhe." Yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Si kuya lang talaga ang taong hindi ko maloloko.
"Hindi mo ako kapatid Quen, pinsan mo lang ako. Alam ko wala akong karapatan para pagsabihan kita. Pero ginagawa ko parin para supurtahan ka. Wala naman sa lahi natin ang maging ganyan ah. Huwag kang humingi ng sorry sa akin. Dun ka humingi ng sorry sa nanay at tatay mo. Pati narin sa babaeng nagkasakit dahil sa kalukuhang ginawa mo. Sige lalabas na ako"-paalam na niya. Napatingin ako kay liza. Tama si kuya hindi ko na lang sana ginawa yung kalokohan kong yun. Bigla akong napaisip. Ano kayang sakit neto?

Liza's Pov.

Pagdating namin sa bahay nila ay nauna na siyang bumaba. Bastos eh iwan ba naman ako . First time ko pa nga lang pumunta dito sa bahay nila. Napahiya pa nga ako kanina. Akala ko ibibigay niya sa akin yung bulaklak. Favorite ko pa naman.

Eto ako ngayon naka sunod lang sa kanya. Buti nga wala na akong dalang bag ngayon. At saka buti kinuha na nung driver nila yung bag. Ano nga bang pangalan non? John? Jef?  Jep? Haha. Huh ewan Jake na nga lang. Makakalimutin talaga ako ee. Haha.

Bago siya pumasok sa loob liningon muna niya ako. Pero bigla akong napahinto at napahawak sa ulo ko. Ang sakit eh. Nahihilo ako. Linapitan niya agad ako.

"Tara na sa loob. Kunwari ka pang may hiya." Bungad agad niya sa akin.
Magsasalita palang sana ako. Pero bigla ko nalang naramdaman na natumba na ako at nagdilim nalang yung paligid ko.

--
NakarAmdam ako ng gutom kaya unti unti kong iminulat yung mga mata ko. Pagkamulat ko bumungad agad sa akin yung kulay asul at puti na pader. Wow. Ang lamig sa mata. Teka nga nasaan ako? Bigla akong napabangon. Asan ako? Anong nangyari? Unti unti kong inisip kung anong nangyari. Pero hindi ko matandaan mas lalo lang sumasakit yung ulo ko. Ano ba kaseng nangyari? Paglingon ko sa side ko may nakita akong malaking frame. Si Enrique tapos... babae? Sino kaya siya? Girlfriend niya?  Eh imposimble namang kapatid niya. Na-confuse tuloy ako. . eh baliw na yata ako eh. Vakit ko ba iniisip yung pangit na yun???
Tinignan ko ulit yung isang frame. Wow ang ganda ng backround. Si quen kaya yung nasa gitna? Wow ang cute niya. Eh sino nan kaya yung katabi niyang lalaki? Whaaah kamukha siya ni kuya enchong? Di kaya magkapatid sila? Huh. Pero malayo. Malayong malayo. Si kuya enchong mabait. Hindi kagaya ni enrique. Si kuya enchong pogi. Hindi kagaya ni enrique pangit.

Bigla namang may nagbukas ng pintuan. Aba bastusan ba to? Wala man lang katukan o sadyang di uso aa kanya ang pagkatok ng pintuan.

" so pangit ako?" Tanong niya. Waaah enrique. Nasa bahay ba ako ni Enrique?  Di kaya ...

"Kwarto mo to? " tanong ko pavalik . Pero hindi niya ako sinagot. So kwarto niya to? What The hell.

"So pangit ako? " tanong na naman niya. Bakit may sinabi ba ako? Eh baliw nalakasan ko ata yung pagkakasabi ko kanina eh.

"Bakit may sinabi ba ako?" -ako.
"Meron. Inihahambing mo pa nga ako kay kuya enchong eh."-quen.
Nalakasan ko nga. Ang lakas pala talaga pandinig neto? May speaker kaya sa tainga niya?

Umupo siya sa kama at tinitigan niya ako. Habang tumatagal mas lumalapit yung mukha niya sa mukha ko. Napapalonok na lang tuloy ako..

"A-a-ano? Aaaaaaaaaaa."
Napatayo siya mula sa kinauupuan niya dahil sa pagsigaw ko. Bigla kaaeng sumakit yung ulo ko eh..

"O-okay ka lang?"-taranta niyang tanong. Wow concerned.
Tumango lang ako. Sa totoo lang ang sakit ng ulo ko pero tinitiis ko lang. Tsaka gutom na ako kaya siguro nahihilo na rin ako.. ..

"Sige labas muna ako. May bisita kase ako eh."
Palabas na sya ng pintuan ng bigla akong nautot.
(Haha valiw si author.) Biglang tumunog yung tyan ko. Nagpipigil tuloy siya ng tawa. .

"Ano yun? Umutot ka ba? Pffft.."-quen.

(Baliw. Magsama nga sila ni author. Bakit ba pareho sila ni Author ng sinasabi? Crush ba ni Author si Enrique? Naks!  Author lumalablayp ka na?") Hahaha.

"Che hindi. Sige uwi na ako. Gutom  na ako eh"-pagsusungit ko.

"Okay."tipid niyang sagot.
Lumabas na kami ng kwarto at bumungadbagad sa akin si.. Si mr. Pogi??

"Ipapahatid na lang kita." Sabi niya.
"No thanks. By the way I have to go." Paalam ko..
"Umh okay"sabi niya at pumunta na siya sa sofa tinagnan ko si Mr. Pogi ayun hindi man lang niya ako pinansin. At tsaka bakit niya naman pala ako papansinin. Eh hindi nga kami close eh. Tsaka crush ko lang naman siya. Oo crush ko nga siya. Ang pogi niya kase eh, heart trob, tapos ang lakas pa ng dating niya. Siguro nagtataka kayo kung bakit nasabi ko yun? Kase kada mag oopen ako ng facebook ko siya yung una kong irene-reseach. Mag se-send nga sana ako pero nakakahiya eh.

Mr. varsity player vs. Ms. nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon