**
ang sakit sakit ng dibdib ko. akala ko pasan pasan ko na ang mundo pero hindi lang pala akala. kase totoo..
May biglang nag abot sa akin ng panyo. tinignan ko siya pero nakayuko lang siya. hindi ko pa kinukuha yung panyo pero nagsalita na siya.
"alam ko masakit. iiyak mo lang yan para mawala yung sakit kahit konti".
"nandito lang ako tutulungan kita".
natulala ako sa sinabi niya. tutulungan niya daw ako.?
pero kahit paano inabot ko yung panyo niya. at nagsimula na naman akong umiyak.
"bakit ganun? ang sakit eh ang sakit sakit. akala ko ako na yung pinakamasayang tao sa buong mundo pero hindi pala mali ako kase iniwan ako ng mga magulang ko. ang sakit sakit lang talaga. nandito ako nahihirapan habang sila masaya na . hindi na nila ako naiisip. napaka laki ko talagang malas eh noh. napakali kong malas. iniwan ng mga magulang. kina mumuhian at wala akong kaibigan. minsan nga naiisip ko bakit di na lang ako namatay para hindi ko na lang naramdaman yung sakit na patuloy paring bumabalik.? bakit ba kase ako pa?"
bigla akong natawa sa sarili kong tanong siguro i diserve it. i deserve to be alone not to be happy.
"sorry umiyak pa ako sa harapan mo. nakakahiya ako. sorry a.. (sob) ibabalik ko nalang bukas itong panyo mo(sob) lalabahan ko pa." sabi ko sa kanya.
"okay lang naiintindihan kita." at ngumiti siya sa akin.
"bakit kaya kung sino pa yung taong nagmamahal siya pa yung nasasaktan. mahal ko sila eh at kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit kahit na iniwan nila ako. araw araw akong umaasa na sana mabuo ulit yung pamilya namin pero habang tumatagal nakakapagod rin pala." nagsimula na naman akong umiyak. naramdaman ko nalang na niyakap niya ako.
"magpakatatag ka liza. pareho lang tayo ng pinagdaan dati. ganito rin naman ang pinagdaanan ko. naghiwalay sila dad at mom. at iniwan ako ni mom. si dad? siya yung tumayong mom and dad para sa akin. pero dumating yung araw at may naging bago narin siyang pamilya. 6 years old palang ako nung iwan kami ni mom. iyak ako ng iyak noon at hindi kumakain. mahal ko si mom eh mahal ko ang pamilya namin. pero naisip ko wala namang maitutulong sa akin ito kung araw araw na lang akong iiyak at mag mumukmok. masaya ako kase yung asawa ngayon ni dad kasundo ko. tinuring niya akong tunay na anak. at kahit kailan di siya nagkulang sa akin. pag ginagawa niya yun naaalala niya yung anak niya. na pinangakuan niya niya na kahit anong mangyari nandon lang siya sa tabi ng anak niya. pero hindi niya raw yun natupad. naawa nga ako sa kanya pag nakikita ko siya na umiiyak. araw araw naming nakikita yung mata niya na magang maga.. sabi nga namin ni dad bakit di niya puntahan yung anak niya. pero sabi lang ni mama na hindi niya alam kung nasaan yung anak niya".
sa puntong yun naramdaman kong may tumulong luha sa balikat ko. teka? umiiyak ba siya? mahal niya talaga yung pamilya niya noon at yung pamilya niya ngayon. bumitaw kami sa pagkakayakap.
"mula noon di ko naramdaman na nawalan ako ng nanay. "
umiiyak nga siya.nginitian ko siya.
"sorry ah naidamay pa kita"
"okay lang yun. masaya naman ako na kahit konti lang yung naitulong ko sayo napagaan ko parin loob mo"
"thank you ah kathryn".
"matagal na kitang pinagmamasdan.matagal na rin kitang gustong kausapin"
"huh? bakit?"
"isa rin ako sa mga student dito na walang kaibigan. oo noon kaibigan ko si ella pero wala na eh. nagbago na siya"
"...."-ako
nagkaroon ng konting katahimikan. pero binasag agad yun ni kathryn.
"hihingi sana ako ng favor!"
"ano yun" naguguluhan kong sabi
"pwede ba tayong maging magkaibigan? kung ayaw mo okay lang pero sana pwede haha"
Ang cute niya talaga.
"ayaw ko sana eh.."
nag pout siya.ang cute niya talaga.
"kaso ngumiti ka kaya yun gusto ko na. " then i smilled.
"thank you friend gusto mo punta ka sa bahay mamayang uwian? sigurado ako na mas gagaan yung paki ramdam mo kapag kausap mo si mama." sabi niya
"ah next time na lang may work pa kase ako mamaya eh 6 to 8:30"
"ah okay. tara na kanina ka pa pinapahanap ni sir. "
"ANO?" bigala akong napatayo. hinahanap?
"relaxed sabi ko naman sa kanya na may lagnat ka kaya di ka na niya hinanap."
whoo. napabuntong hininga na lang ako.
---
uwian na. uuwi muna ako sa bahay bago ako pumunta sa coffee shop.
"tita! nandito na po ako. "
"oh sige. yung ate mo wala pa siya eh"
"baka na traffic lang yun"
"o baka naman kasama niya si enchong. talaga yung ate mo oh"
"tita talaga. dalaga na po si ate alam niya na po kung anong tama at mali"
"ikaw talaga"
"sige po tita magbibihis na po ako. may trabaho pa po kase ako eh. uwi po ako ng 8:30"
"sabi ko naman kase na huwag ka ng magtrabaho. ang dapat sayo mag aral. kami na ang magta trabaho para sayo"
niyakap ko na lang si tita.
"kaya ko naman po eh. marami na po kayong naisakripisyo para sa akin. ngayon gusto ko naman pong bumawi"
....
ItuTULOY
![](https://img.wattpad.com/cover/44973025-288-k164810.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. varsity player vs. Ms. nerd
FantasySi Liza Soberano ay isang batang lumaki sa kanyang magulang na itinuring siyang princesa, masayahin at lahat ng gusto ay nasusunod pero lahat ng ito ay naglaho ng maghiwalay ang kanyang mga magulang at itinalwil siya ng kanyang ama. mula noon siya n...