@coffee shop.
Ang daming tao ngayon dito sa coffee shop.
"Ly isang order daw. PAki bigay narin dun sa lalaking naka varsity jacket."-kiray
"Saan jan?" Tanong ko.
"Yun oh yung lalaking mag isa dun. (Sabay turo sa lalaking naka varsity jacket) ano ayaw mo yata? Ako na lang kaya? Ang pogi kase eh."-kiray
"Huwag na huwag na ako na lang. Puro pogi tinitignan mo eh. D mo naman alam kung okay rin lang ugali"-ako.
"Sige na nga ikaw na. Pero tawagin mo ako a pag hinahanap niya ako".
tapos tumatawa pa siyang pumasok sa loob.---
"Sir ito na po yung order niyo."
"Sir here's yo----" bigla siyang lumingon sa akin kaya'yon
Di ko na natapos yung sasabihin ko."Ikaw?"
Sabay pa naming sabi.
"Anong ginagawa mo dito?"
Sabay na naman naming sabi.."Hindi ba obvious? Bumibili ng kape. So okay na? " pang aasar niyang sabi.
"Hindi kase ayaw kong nakikita yung panget mong mukha. At isa pa dito ako nagtratrabaho. Kaya nga ako yung naghatid ng kape sayo diba.?"
"Ewan ko sayo. Sinusundan mo nga siguro ako. Umamin ka nga crush mo ako noh."
"Hui mr. Mukhang unggoy ay sorry unggoy nga pala talaga.Hindi kita sinusundan. Hindi mo rin ako stalker. At una sa lahat wala akong gusto sa'yo. "
"Mas maganda na yung nagkakaliwanagan tayo ms. Nerd kase wala naman akong gusto sayo."
"Haha ewan ko sayo. Oh yan yung kape mo ubusin mo ah. "
Tinitigan muna niya ako bago ako makaalis sa harapan niya nagsalita siya.
"Wala ka babg nilagay na gayuma dito?"
Baliw ba siya? Well hindi na tinatanong yun kase simula pa lang alam ko ng baliw siya.
"Actually hindi naman gayuma yung nilagay ko jan eh. "
Sarkastiko kong sagot sa kanya.
"E ano?"
Tanong niyang pabalik sa akin. Sa tono palang ng boses niya halata ng naaasar siya.,
"Lason"
Sagot ko at umalis na akong napakalapad ng ngiti ko. Ang sarap pala niyang pag tripan. Wahaha. .Habang nagpupunas ako ng mga table lumapit na naman sa akin si kiray.
"Ly anong ginawa mo kay enrique ."
Natataranta niyang tanong.
"Wala?"matipid kong sabi sa kanya.
"WALA? EH SABI NIYA NA PAGKATAPOS NIYANG INUMIN YUNG COFFEE SUMAKIT NA YUNG TIYAN NIYA AT BIGLA NA LANG DAW SIYA NAKARDAM NG PAG KAHILO"
"Teka nga lang. Iniabot ko lang naman sa kanya yung kape eh. Wala yun lang." Mahinahon kong sabi.
"Eh bakit sabi niya pagkatapos niyang inumin yung kape na binigay mo masama na pakiramdam niya."
"Sure ka?"
"Oo dinala na nga siya sa hospital eh. Alam mo Ly. Mas mabuti ng bantayan mo nalang siya sa hospital hanggang sa gumanda pakiramdam niya."
Hooo pambihira naman oh.
"Bakit ako? Bakit hindi nalang ikaw. Bes ikaw na lang pls. May pasok pa ako eh.""Alam mo siguro kung hindi lang kita kaibigan hindi ako papayag. Hindi naman kita matitiis eh."
"Thank you--"
Hindi niya ako pinatapos.
"Hep hep hep. Wag ka munang mag-thank you kase d pa ako tapos mag salita. Papayag akong magbantay sa kanya pero sa umaga lang. Ikaw na bahala sa gabi. "
"Gabi? Eh pano yung trabaho ko?"
"Bes sorry kase sabi ng manager natin na matatanggal ka na. Dahil sa nangyari kay enrique."
"Ano? Hindi ako papayag. Kakausapin ko si boss. Please bes tulungan mo ako"
Pagmamakaawa ko. Gusto kong makatulong kila tita. Hindi ko na hinintay na magsalita si kiray. Alam ko walang siyang kinalaman don. It's all about my fault. Hindi ko na tuloy mapigilang umiyak.Nung nasa tapat na ako ng office ni sir huminga muna ako ng malalim.
"Okay liza kaya mo to. Kakausapin mo lang naman ang boss mo."bulong ko sa sarili ko.
Kumatok ako sa pinto ni boss.
"Come in."-boss
Pumasok ako sa loob pero d ako tinitignan ni boss. After 10 years nagsalita na siya."What are you doing here?"-boss
"Boss nasabi po k---"hindi na niya ako pinatapos.
"Sinabi ko na kay kiray. Kung hindi dahil sa nangyari kanina sa costumer mo hindi ko ito gagawin. Pero nangyari na ang lahat eh. Siguro nga ng dahil sa nangyari kanina bumagsak na rin itong negosyo ko. "-boss"Hindi ko naman po gin--"
Hindi nanaman niya ako pinatapos. Kung kanina nakayuko siyang nagsasalita dahil nga nagsusulat siya ngayon nakatingin na siya sa akin. At halata sa mukha niya ang galit. At nagulat na lang ako ng sigawan niya ako"GINUSTO MO MAN O HINDI. WALA KA NG MAGAGAWA MS. SOBERANO."
nakita ko na may kinuha siya sa drawer niya at nilapag niya yun sa lamesa niya."NGAYON UMALIS KA NA MS. SOBERANO KUNIN MO NA YANG SWELDO MO DAHIL WALA KA NG MAPAPALA KAHIT MAGTAGAL KA PA DITO. ITO NA ANG HULING PAGTRA TRABAHO MO DITO.MAKAKAALIS KA NA."pag papatuloy pa niya."
Lumabas na ako at pumunta kung nasan si kiray. Linapitan ko siya habang nag aayos siya ng mga upuan.
"Bes sorry ang laki ng naidulot ko dito sa shop na to. Sorry kase ng dahil sa akin nagalit pa si Mr. Soberano. Kaapelyedo ko pero alam ko na hindi naman ganon ang pag uugali ng mga SOBERANO eh. . Simula pa lang niya akong makita, ganun na siya sa akin. Pero kahit kailan hindi ko natutunang magtanim ng sakit ng loob para sa kanya. Kase kahit ganon niya ako ituring nakatulong pa rin siya sa akin.at Sa pamilya ko."
Habamg tumatagal mas lalo akong naiiyak."Bes hindi naman ganyan dati si mr. Soberano eh. Mabait siya mayaman siya kapag may nakikita siyang bata sa paligid binibigyan niya ng pagkain. Isa rin ako sa mga nagtrarabaho sa kompanya niya dati. Pero mula noong bumagsak yung kompanya niya dahil sa pagkasira ng kanilang pamilya yon nagbago siya. Ayaw niyang bumagsak itong shop dahil ito yung tinuring niyang bahay . Yung mga nagtratrabaho dito yun yung tinuring niyang pamilya".
niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko. maswerte ako kase kaibigan ko siya. buti na lang pala nandito si kiray..
A/N: sorry ngayon lang po ako nakapag UD. first grading na po kase namin sa monday tapos ang daming inaasikaso sa skul. ang dami pang project. by the way keep reading guys. hope you like it. lab yah all guys
ITUTULOY♥
BINABASA MO ANG
Mr. varsity player vs. Ms. nerd
FantasiSi Liza Soberano ay isang batang lumaki sa kanyang magulang na itinuring siyang princesa, masayahin at lahat ng gusto ay nasusunod pero lahat ng ito ay naglaho ng maghiwalay ang kanyang mga magulang at itinalwil siya ng kanyang ama. mula noon siya n...