IX.
Hindi na umattend kinabukasan si Zindy para sa practice ng graduation. Nagising syang nakayakap kay Jerome. Tulog na tulog ito ,nakayakap rin ito sa kanya. Tumingin sya sa orasan, 9:30 na.
Dahan dahan nyang inalis ang pagkakayakap ni Jerome sa kanya ,tipong tatayo na sya ng biglang yakapin siya nito
" maya na princess " naalimpungatan nitoNg sambit nang nakapikit
" 9:30 na Prinsepe ko , late na oh " paliwanag ni Zindy ngunit hindi naman ito pinansin ni Jerome ,Nanatili itong nakayakap sa kanya.
" i want to spend my time with you , kulang ang isang araw princess " parang wala sa sariling sambit nito nang nakapikit at nakayakap kay Zindy
Napangiti naman si Zindy sa sinabi nito.
Nitong mga nakaraAng mga araw , pansin syang laloNg nagiging sweet at malambing si Jerome sa kanya. Kahit bihira nya lang itong makasama o makausap ,Kahit anong bagay yata ang sabihin ni Jerome ay nakapagpapaligaya sa kanya.
Matapos lang ang tanghalian ay nagpaalam nang uuwi si Jerome , TutUlong syang muli sa pagpapatakbo ng negosyo ng ama . Ilang beses nang tinanong ni Zindy ang tungkol sa sugat at pasa nito ,ngunit wala nga ata talaga itong balak ipaalam ang gusto nyang malaman.
" okey lang ako ,yung tungkol dito ,kasama sa buhay yon ." nakangiti nitong sambit sa kanya.
simangot lang ang itinugon nya rito , hindi sya kuntento sa ganitong klase ng sagot.
" ayaw na ayaw kong iiyak ka , ayokong malungkot ka princess ,wag kana masyado nag-iisip dyan ." hindi nya na hinintay na makapagsalita si Zindy , isang halik ang ginawad nya rito.
" aalis na ko " nakangiti nitong sambit at niyakap sya.
" please ,mag ingat ka para saken " may pag-aalala sa tonO ng boses nito.Tango lang ang itinugon ni Jerome at naglakad na palayo.
Unti-unting naglaho si Jerome sa paningin ni Zindy , may ilang minuto na syang nakatayo sa harap nang tinutuluyan nya ngunit parang ayaw parin nyang umalis roon.
Unti-unti rin syang nakadama ng lungkot nang mawala ito.
* NapakaOA ko naman , kakahiwalay lang namin ,nalulungkot agad ako.beyan *
--------------------------------------------
Isang sugat mula sa labi ang natanggap ni Jerome mula sa mabiGat at matigas na kamao ni Bernard , namilipit rin sya sa sakit nang sikmuraan sya nito.
Hindi pa sya gaanong nakakalayo sa apartment na tinutUluyan ni Zindy nang makita sya ng grupo ni Bernard. Wala syang magawa upang ipaglaban ang sarili ,anu nga bang laban ng isang katulad nya sa mga ito. Nuon pa man ay sinabihan na sya ni Bernard na Hiwalayan na si Zindy . Matagal ng patay na patay si Bernard kay Zindy , nangyari ito nuoNg huminto si Jerome , pinOrmahan ito ni Bernard ngunit binaliwala sya ni Zindy. Si Bernard ang tumulong kay Jerome ,nung araw na nakaenkwentro ito ng kaaway.
Ganun nalang ang pagsikdo nang galit ni Bernard nang malamang si Zindy pala at JeroMe ay may relasyon. Hindi nya matanggap ,at ayaw nyang unawain ito. Isa pa isa syang leader ng gang , kung gugustuhin nya , kayang kaya nyang makuha.
" ginagago mo ko Jerome!!!!!! " galit na galit na sigaw nito.
Hindi naman makapag salita si Jerome sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi pa nga lubusang naghihilom ang mga sugat na tinamo nya sa grupo ni Bernard at ngayon heto at dinaragdagan pa ng mga ito.
Lahat ng pasa at sugat na mayroon sya ngayoN ay gawa ng mga ito. Nagsimula sya nitoNg pag- initan nang malaman nitong isinama ni Jerome si Zindy sa bahay , balak itanan , ngunit sa kaSamaang palad ay hindi natUloy. Nagtatagis ang mga bagang ni Bernard sa balitang iyon . Ang grupo nito ang nagparusa sa walang kalaban labang si Jerome , ito ang dahilan kung bakit ilang araw na hindi nakuhang magparamdam ni Jerome kay Zindy. Kinuha nito ang cellphone nya ,tinakot si Jerome na kung hindi makikipag hiwalay kay Zindy ay hindi lang iyon ang kanyang aabutin. Isa pang dahilan , ay ang mga magulang ni Jerome , problema lamang raw ang dala nito sa kanya.
Pinag-isipang mabuti ni Jerome ang lahat. Sinubukan nyang tiisin si Zindy , isa pa hindi nya ito kayang pakiharapan sa ganuoNg kondisyon. Pinilit nya , ngunit hindi nya magawa.
Si Bernard rin ang gustong makipagkita si Jerome kay Zindy sa rooftop nuong unang araw na pumasok si Jerome. Sinabi nitong makipag hiwalay ito ng araw na iyon. Ngunit hindi nagawa ni Jerome ang iwanan si Zindy. HInding hindi nya kayang igive-up ang taoNg mahal na mahal nya.
Maging nuoNg magdadate sana sila ni Zindy , nakansela dahil sa grupo ni Bernard. Sya lahat ang may gawa ng mga bagay na hindi magawang ipaalam ni Jerome kay Zindy. Hindi nya magawang saBihin kay Zindy ang tungkol sa mga pasa at sugat nya dahil sa ayaw nyang mag-alala si Zindy para sa kanya. Ayaw nya ring mahiwalay kay Zindy.
Kahit pa ilang sugat at pasa sa katawan ang abuTin nya mula sa grupo ni Bernard. Kahit ilang sigaw at pangaral pa ang abutin nya sa mga magulang nya. Kahit pa ilang mga mata ang manghusga at mangmata sa kanila. Kahit pa sino at kung ano ang tUmutol sa kanilang dalawa , hanggat hindi bumibitiw si Zindy , hinding hindi nya ito iiwanan.
<3 imfailed

BINABASA MO ANG
He called me "Princess"
Short StoryZindy and Jerome... When we fall inlove we never happened to cry , We never wanted to get hurt , We give mOre than what we need , We somehow get equal benefits , But mOre of us end up in tears :( enjoy reading :)) <3 imfailed