He called me "Princess" ( secrets )

5 0 0
                                    

X.

Muling hindi nagpakita si Jerome sa huling practice para sa graduation ni Zindy. Ni hindi rin nito nakuhang tumawag pa ,o magtext.

Buo na ang pasya ni Jerome , hindi nya susundin ang gusto ni Bernard. KahIt kaylan ay hinding hindi nya susundin ang gusto nito kahit pa anung gawin nito sa kanya. Hindi nya hahayaang maituloy ni Bernard ang balak na kuhanin si Zindy pagkatapos ng graduation. Buo na ang pasya nyang pagkatapos ng graduation ni Zindy ay ilalayo nya ito , kahit saan , basta malayo sa grupo ni Bernard.

Tinawagan nya si Zindy ng araw na iyon. Sinabi nya ang balak na muling umalis kasama ito. Naguguluhan man sa mga pangyayari si Zindy , hindi nya na nagawa pang tumanggi kay Jerome.

Matapos ang araw na iyon ,tinulungan sya ni Mitcel na mag gayak ng gamit. Gaya nga ng dati ,hindi narin kaila kay Mitcel ang mga bagay na nangyayari sa dalawa. Sinabi nito na duon na magpalipas ng gabi dahil baka huling araw narin nyang makakasama ang kaybigan.

" bhezty , aga naman maggayak ,medYo excited lang ? sa monday pa naman yun "

" sabi kasi ni Jerome mag ready na rin para dina magrush , ewan ko nga ba ,ang weird nga eh " halata ang pag-aalala sa boses ni Zindy.

" bhezty hindi ka ba natatakot ? " tipong nahinto ito sa pagtitiklop ng gamit at seryosong tumingin sa kanya.

" natatakot ? saAn ? "

" nuoNg una diba , hindi natuloy yung pagsasama ninyo ni Jerome ,dahil sa mga magulang nya , anu lang baka kasi hindi talaga tama ? " seryoso nitong sambit sa kaybigan

TipoNg nahinto sa pagtitikLop si Zindy , seryosong napatingin sa kanya,

" hehe ,pero wag mO nang seryosohin yung sinabi ko, negative point of view lang yun , hehe Pagppray ko kayo don't worry " bawi ni Mitcel na para bAng nahiya pa sa mga pinagsasasabi

Biglang napaisip si Zindy,

* tama nga ba to Jerome? paano nga ba kung hindi naman talaga tayo ? Naguguluhan na ko *

Nagulat nalang sya ng bigla syang hawakan sa kamay ni Mitcel, dahilan para mapatingin sya rito.

" Ensya kana sakin bhezty , hindi ko gustong takutin o pag-alalahanin ka ,concern lang ako sa inyo. Yung totoo ,natatakot kasi ako e ,paanO kung ---------" natigilan ito sa sasabihin at napalunOk sa pagkaBigla.

" paanu kung ? " naiinip na tanong ni Zindy

" aheh, w-wala bhezty, sandali ah, cr lang ako "

Nagmamadaling pumasok sa cr si Mitcel ,upang ikubli ang nararamdamang takot para sa kaybigan. Alam nya ang lahat tungkol kay Bernard , ang tungkol sa pananakot nito kay Jerome , maging ang planO ni Bernard kay Zindy sa graduation nito. Ayaw nyang maging unfair para sa kaybigan ,ngunit ayaw nya ring makagulo pa sa pag-iisip ng kaybigan. Minsan gusto nya ring sabihin rito ang lahat ,ngunit para saan ? Para masaktan lang ito ? para mag-alala , para masira ang relasyong matagal na nitong iniingatan at pinaglalaban ?

HIndi nya kaya.

<3 imfailed

He called me &quot;Princess&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon