He called me "Princess" ( the accident )

2 0 0
                                    

XI.

Natapos ang dalawang araw. May halong takot at pag-aalala ang nararamdaman ni Zindy , hindi lamang dahil sa plano nila ni Jerome sa araw ng graduation , kundi maging sa madalas na para bang may nagmamasid sa kanya mula sa labas ng tinutuluyan nya. Sinabi narin nya ito kay Jerome at sinabihan sya nitong mag-ingat.

Dumating ang araw na hinihintay ni Zindy. Alam nyang lahat ng mga estudyanteng magsisipag tapos ng gabing iyon ay may kanya kanyang preparasyon para sa nalalapit nilang pagtatapos.

Tinawagan siya ni Jerome ng umagang iyon, nangamusta.

Naging maBilis ang mga oras ng araw na iyon para kay Zindy. Mabilis na nagsimula ang nalalapit nilang pagtatapos ,tila nakikiayon sa kanila ang mga pangyayari. Nawala ang lahat ng takot nang makita nya si Jerome na umakyat ng entablado.Kinuha ang katibayan na natapos na nito ang apat na taon sa kolehiyo. Maging ang ilang medalya nito na ginawad sa kanya , itinaAs pa nito ang medalya at ngumiting ipinakita sa kanya.

" para sayo ang lahat ng ito Princess " nakangiti nitoNg sambit sa kanya at niyakap pa sya nito.

Matapos ang graduation ni Jerome , ito na ang pinakahihintay nya ,ang makitang umaakyat si Zindy sa entaBlado . Hindi nya maiwasang isipin ang planO nila matapos lang ang graduation na ito.. Handa na sya sa lahat ng anumang mangyayari , handa na syang ipaglaBan at alagaan si Zindy. Wala ng sinuman ang makapipigil sa kanilang dalawa.

Exact 9:30pm , Agad hinanap ni Jerome si Zindy , half hour nalang at matatapos na ang graduation. Nagkita sila sa lugar sa school gaya ng npag-usapan. Magkahawak ang kamay na lumabas sila mula sa kanilang school.

Dinaanan nila ang ilang mahahalagang gamit nilang dapat dalhin.Hindi naman karamihan ,sapat lang para sa ilang araw. Hindi maintindihan ni Zindy kung bakit parang labag sa loob nya ang paglabas sa tinutUluyan nya ,marahil ang isiping naging parte ito ng kanilang magagandang alaala ni Jerome ay hindi ganuon kadaling kalimutan. Ngunit naisip nya ring pwedE rin namang gumawa pa ng mas magagandang alalaala sa mga araw na daraan kasama si Jerome.

Minabuti ni Jerome na single na lamang ang gamitin nila. Ito ang madalas gamitin ni Jerome kapag pumapasok ito. Hindi naman daw sila magpapakalayu-layo ngunit gusto nya lang masigurado ang kaligtasan ni Zindy mula kay Bernard. Isa pa, mas magiging magaan raw kay Jerome ang pagpapatakbo nito.Wala ng ni katiting na pagtitiwala si Jerome kay Bernard ,higit lalo nang malaman nyang lihim si Zindy'ng pinababantayan ni Bernard. Sa likod naupo si Zindy, gaya ng dati nakayakap sya sa likuran ni Jerome. Ang ilang gamit nila ay nakalagay sa likuran, naging madali na lamang ito ipwesto sapagkat may lalagyan naman sa sinasakyan nila para sa mga gamit na iyon.

Habang lulan sila nito ,tahimik lamang sila. May ibang kabang nararamdaman si Zindy ,hindi nya lubos maunawaan ang sarili .Ayaw nyang ipaalam kay Jerome na kinakabahan sya ,sapat na ang mahiGpit nyang yakap rito upang mabawasan ang nararamdaman.

" may problema?" tanung ni Jerome rito ,tipong nakahalata na

" w-wala ," sagot nya

Nais sanang maibsan ni Zindy ang nararamdamang kaba , ngunit sa halip na mawala ,tila nadagdagan pa ito nang makita nyang may sumusunod sa kanila. HIndi sya maaaring magkamali sapagkat masyadoNg halata ang pagsunOd na ginagawa nito.

" jerome , jerome may sumusunod ata satin "

sambit ni Zindy ,may halong kaba ang tinig nito

" baka nagkakamali ka lang , bakit naman tayo susundan ? " dahilan ni Jerome upang mapakalma si Zindy.

" hindi , hindi Jerome sinusundan talaga tayo " nagpapanik nang sambit ni Zindy , humaharurot na kasi mula sa likuran nila yung tinutUkoy nya,

" oh isuot mo , " binigay nito ang helmet kay Zindy , sa halip na isuot ,nagtanung pa ito

" p-panu ka ? huminto nalang tayo Jerome , huminto nalang muna tayo " tipong alam na ni Zindy ang gagawin ni Jerome kaya't pinasusuot nito ang helmet sa kanya.

Alam ni Jerome , grupo ni Bernard ang sumusunod sa kanila , kung hihinto sya , para narin nyang sinuko si Zindy. .Hindi maaari.

" isuot mo na Princess, hihinto tayo "

Agad-agad namang sinuot ni Zindy ang helmet at Muling yumakap kay Jerome.

Balak talagang ihinto ni Jerome ang sinasakyan, ayaw nyang maging makasarili upang mailayo si Zindy sa kamay ni Bernard ,ngunit mas lalo nyang hindi gustong mapahamak si Zindy ng dahil sa kanya.

Isang prenO ang ginawa nya ,ngunit sa halip na huminto sila , palipad na tumakbo ang sinasakyan nila nang banggain ng buong pwersa ng grupo ni Bernard.

<3 imfailed

He called me &quot;Princess&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon