CHAPTER 2 ANG AKING BAGONG HOUSEMATE

157 8 0
                                    

AYYY OO PALA *ehem* wala akong manners ah!

Ako nga pala si KREIA ANDEELAYNE THEA, Iya for short.

Ako'y dalagang Pilipina na mula Ilocos Norte at graduate ng BS Business Management nung March at with flying colors pa!

Ako ay naturingang nerd dahil sa nagga-glasses ako.

Pero actually di naman talaga sira tong mata ko.

Gusto ko na lang na baguhin ang image ko nang mag-college ako kasi from lungsod Manila girl, naging Probinsyana girl ako.

At nakasanayan ko na kaya sinusuot ko na lang parati.

Well, sa itsura ko naman, iimagine mo na lang ang pinaka-manang na iisipin mong suot.

Yun na yun!

Di naman sa ganito ang taste ko sa damit... 

Pinangako ko na kasi sa sarili ko na magbuburo ako hanggang sa tumandang-dalaga dahil kagaya ng ibon na kakalipad ay natanggalan ng pakpak,

ako naman ay naudlot sa aking naunang pag-ibig!

.

.

ECHOS LANG! hehe

Pero seriously, magbuburo ako. Ayoko nang umibig kasi trauma na ako sa sakit ng first love ko.

Feeling ko di na ako magmamahal ng ibang tao na gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Ayy wag na kayong kumontra! Ako naman ang magbuburo diba, opinion ko lang naman yan kaya GORA na kayong mainlab!

AT so far nakaget over na ako sa kanya for the past ten years.

Hayyy... makabreakfast na nga gutom lang to!

Sumakay na ako ng elevator at pumasok sa coffee shop sa ground floor.

Umorder na lang ako ng capuccino at burger.

Nakikita ko ang mga busy na people sa labas... 

Oy biglang bumuhos ang ulan!

Inaantok tuloy ako -___-

Hayyy... namimiss ko ang beach na pinupuntahan namin dati ng K-OS.

Ilang taon na akong di nakakapunta don.

Natuyo na kaya yun? Hehe.

*instinct alert!* napalingon ako.

Hayyy naku. Tong mga employees na taga-upper floor pinagtsitsismisan na naman ang manang na si AKO.. 

Awcamon! Pati ba naman dito iisipin ko pa ang 'haters' ko??

Di ko naman sila ginagalaw ahhh!

Bagsak ang balikat kong inabutan ang elevator na papasara.

May dalawang naggagandahang employees nang makita ako e napatawa ng mahina.

epal chick #1: ohmiigash si Manang.

epal chick #2: Oo nga. Anong malas na naman ang maabot sa atin?

(grrr sana kung magbulungan kayo e yung di ko naririnig no! =__=)

epal chick #1: ay oo pala dai narinig mo na ang balita sa top floor?

epal chick #2: yah i know!!! May darating daw na hot guy dito sa company natinnnn kyaaa~~

epal chick #1: pero wag daw muna i-leak out sabi ni Sir Casimiro kasi by secret sources daw nalaman e.

epal chick #2: alam mo naman na yung matandang yun e right hand ng dating Big boss diba? Kaso nung si Sir Gonzellejo na, pina-kick out siya.

>.>""" 

Sa anong planeta na ba ako nabubuhay at wala akong kaalam-alam sa balitang yan?

*ding*

ayan nasa floor narin ako.

Di ko na lang pinansin at nag-call ng staff meeting para sa gagawing arrangement namin.

"Fabbio, Lucy, Mike and Amy, please take care of the editorial for me. Jun, update the photographer na may change of location ha! Okay dismissed."

Hinawakan ko ang leeg kong magkaka-stiff neck ata. Ansakeet. 

Inayos ko ang glasses ko kaya lang nagvibrate ang cp ko at nahulog ako sa silya.

"Aray.. o Hello Ma?"

"O hija! Kamusta ka na?"

"Oka lang naman po Ma. Medyo busy lang po. Kayo jan?"

"Okay lang naman. Hija, kinausap kasi kami ni Tito Marcel mo. Yung unica hija niya e ipapaaral jan sa Manila kaya sinabi ko nang sayo na lamang magi-stay."

AT SYEMPRE AKO AY MABAIT NA ANAK, OO NA ANG SAGOT. DI KO NGA LANG ALAM KUNG SAKIT NG ULO BA ANG IBIBIGAY NIYAN.

MY FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon