Growth in Holiness
“Ang Talinghaga ng Paru-paro”
Sa isang napaka-kisig at mataas na puno ay may isang kukon na animo’y ubod ng pangit. Ito ay nasa puno lamang sa loob ng ilang mga araw. Matapos ang ilan pang mga araw ay may uod na lumabas mula sa kukon. Ito’y hindi rin maganda sa paningin, subalit mas mbuti ito kaysa sa una. Nagdaan ang ilang mga araw at lumipas ang ilan pang mga gabi, ang uod ay nag-bago ng anyo. Itoy naging isang napakagandang uri na lumilipad. Ito’y kaaya-ayang tignan at masarap pagmasadan. Ito ay ang paru-paro. Nag simula sa kukon, naging uod, at sa huli ay naging isang napaka-gandang paru-paro.
Tila ba ay isang imposibleng bagay ang naganap. Nagmula sa isang pangit, at naging isang napakaganda at masarap sa mata. Para bang walang katulad ang ganda at tingkad nito. Ang kagandahan nito ay mananatili at mananahan sa puso ng mga nakakita at makakakita nito magpakailan pa man.
Itoy katulad ng ating pag-lago bilang banal para sa Panginoon. Sa una ay napaka-pangit ng ating mga gawain, hindi kaaya-aya at kasuklam-suklam sa mata at paningin ng ating Diyos.
Subalit dahil sa kanyang kabutihang loob, tayo’y kanyang binago, at patuloy na binabago. Tayo ay unti-unting lumalago mula sa pagiging makasalanan tungo sa pagiging matuwid at tapat na tagapaglingkod ng ating Diyos. Kumilos upang maging karapat-dapat at may malakas na pananaling na siyang sandigan upang manatiling banal, sapagkat ang ating Diyos na buhay ay banal.
BINABASA MO ANG
MODERN-DAY PARABLE
Spiritualcompilation of tagalog parables.. [Ang mga talinghaga..] kapupulutan ng aral.. God's.. =))) --- written by: Mark Valdez
