"Ang Talinghaga ng Manggagawa" -Unity of the Church

307 2 0
                                        

Unity of the Church

“Ang Talinghaga ng Manggagawa”

            May mga manggagawa na nag-tatayo ng isang napakalaking gusali. Ang balak nila ay ang pagandahin ito at gawing ubod ng taas. Ito’y kanilang ginagawa mula umaga hanggang gabi, nag-kasundo sila na ang iba ay gagawa sa umaga at ang iba naman ay sa gabi. Ito’y araw-araw nilang ginagawa, nagtutulungan at nagbibigayan. Subalit, dumating ang araw na tila ay mayroon silang hindi maunawaan sa isat-isa. Sila ay nag away-away at nagkaroon ng kanya-kanyang kampihan. Sa kanilang pag-tatalo ay napagdesisyunan ng iba na umalis na lamang. Ang iba ay ganoon na rin ang naging pasya. Lahat sila ay itinigil na ang pag-gawa. Maliban sa isang manggagawa na nag-paiwan at itinuloy ang planong pag-papatayo ng nasabing gusali. Ang manggagawang itoy kahit mag-isa na lamang ay patuloy parin umaga at gabi. Kakaunting oras lamang ang kanyang tulog at pahinga. Nakita ng mga kapwa nya manggagawa ang kanyang patuloy na pag-pupursige sa gusali. Dahil dito, namangha ang nakakitang manggagawa, kaya naman agad siyang kumilos. Pumunta siya sa lahat ng kapawa niya manggagawa at kinausap ang mga ito. Hinikayat niya ang lahat na bumalik na sa dati nilang ginagawa, hindi lang ang pagtatayo ng gusali kundi ang kanilang buong pusong pag tutulungan. Lahat ay namahangha sa nabalitaan nila tungkol sa isang manggagawang patuloy ang pag pupursige sa gusaling iyon. Kaya naman, sila’y nagbalikan sa gusali. Samantala, ang manggagawa na nasa gusali ay tila susuko na, siya’y nag pahinga at nag-isip na umalis na lamang. Subalit laking tuwa niya nang makitang naglalakad patungo sa kanya ang mga kaasamahan niya. At kanilang itinuloy ang gusali na may pagtutulungan, may pagkakaisa, may malasakit at masaya.

            Ganito rin ang pagtutulungan sa isang iglesia. Dapat ay hikayatin natin ang bawat isa. Huwag tayong mag kanya-kanya. Magtulungan tayong palaguin at palawakin ang kaharian ng ating Panginoong Diyos.

MODERN-DAY PARABLEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon